CHAPTER 19

3.3K 56 0
                                    

CHAPTER 19: HAPPY

Natapos ang oras namin at...

...nanalo siya.

"Pa'no ba 'yan?", Taas noo niyang sambit sa akin. Ngumuso ako at masama siyang tinitigan.

"Oo na", Wala sa sarili kong sagot. Napa 'yes' naman siya at mabilis na akong hinigit do'n sa may video game. Umupo siya sa harap no'n at nilahad pa ang katabing upuan. Naupo na ako do'n at tinanggap ang hamon niya. Alam ko eh! Kahit na di siya nagsasalita dahil ang kanyang mga mata ay puno ng panghahamon. Nag umpisa na kami sa paglalaro. Naungasan ko 'yung mokong kaya't todo mura siya sa race. Nagfirst pa ako habang siya ay second placer. Panay pa ang tawa ko nang ayaw niya akong paalisin sa upuan ko.

"Isa pa. Nakatsamba ka lang, babae. Di na kita pagbibigyan", hambog pa rin ito kahit na iritang irita na. Nagkibit balikat ako at nagsimula nang maglaro ulit. Nanalo ulit ako ngunit dikit na ang laban.

"Nadistract lang ako babae. Isa pa", di pa rin siya sumusuko. Ayoko namang patuloy siyang matalo. Pinipilit pa eh.

"Do'n na lang tayo sa may binabaril tapos stuffed toys ang kapalit", sambit ko.

"Ang corny naman do'n. Sakay na lang tayo do'n", turo niya sa kotse kotseng nagbabanggaan na naman. Di pa ba 'to sawa sa kotse? Nauna na akong maglakad at sumakay na do'n. Sumakay na rin siya sa kabila at pinaikot na ang manibela. Sinundan ko siya at halos mapamura no'ng nabunggo ko ang likod ng sinasakyan niya. Masama niya akong tiningnan kaya't lumiko ako sa kabila habang humahabol pa rin siya. Kahit saan ako pumunta ay hindi niya na ako nahabol. Panay ang mura niya sa tuwing may nabubunggo siyang iba at nahaharangan papunta sa akin. Maya maya pa ay muntik na niya akong maabutan kaya napaliko ako. Tumigil siya sa pagpapatakbo no'n nang makitang panay na ang tawa ko sa kanya. Umalis siya do'n at nagwalk out nang makitang nagdagsaan na ang mga bata. Umalis na ako do'n at hinabol siya.

"Lagot. Badtrip ata", bulong ko sa sarili ko nang makita ang pacool niyang paglalakad na kahit takbuhin ko na ay halos di ko maabutan sa laki ng kanyang distansiya sa akin.

Luminga linga ako at naabutan ko siyang nakasandal sa isang pader habang nakapamulsa. Masama ang titig niya at nakakunot ang noo. Halos mabali na ang leeg ng mga babaeng napapadaan sa kanyang pwesto. Ngumiti ako nang makitang wala siyang pake sa mga nagpapapansin sa kanya. Nilapitan ko siya. Umusog siya ng konti at di man lang tumitingin sa akin.

"Pabebe nito. Di sa lahat ng bagay, mananalo ka", pangaral ko sa kanya. Ginagaya gaya niya lang ako gamit ang 'nye nye' niya. Tumikhim ako at masama siyang tinitigan.

"Ano?", Asar niyang pukol ng tingin sa akin. Umismid ako at di na nakayanan ang titig niya.

"Para kang bata", inis kong sumbat sa kanya. Mas lalo siyang nairita kaya't unti unti siyang lumapit sa akin. Humalukipkip ako at di nagpatinag sa kanyang advancement. Naramdaman ko nang yumuko siya para maglebel kami at marahan akong tiningnan. Kumalabog ang puso ko nang unti unti nang naglapit ang aming mga mukha. Nahihiya na ako dahil sa may mga taong nakakapansin sa amin pero ang isang 'to ay parang sanay na sanay sa ganyang mga tinginan.

"At hindi rin sa lahat ng oras, hahayaan kitang manalo", aniya at ngumisi sa akin. Hinipan niya ang buhok sa kabilang pisngi ko at nakaramdam ako ng kung ano sa sistema ko. Lumayo siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Tulala pa rin ako at nagpahila na lang sa kanya. 

Damn it!

Napadpad kami sa isang wedding booth. Wala naman kaming interes do'n pero bigla kaming tinungo no'ng isa sa mga staff at hinila.

"What the!", Sigaw ni Eissen sa lalaking nakahawak sa braso ko. Ngumiti lang ito sa kanya at pinapasok na kami sa booth na may mga dekorasyong garlands na kulay puti na nakasabit sa kung saan. May red carpet naman at may mga puting halaman sa gilid nito. Sa harap ay may dalawang upuan at sa harap ay may kunwaring pari. Inihiwalay sa akin si Eissen at dinala sa unahang gilid. Ako naman ay nilagyan ng belo sa buhok at pinahawak ng puting bulaklak.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now