Prolouge

450 10 0
                                    

Nagising ako sa bangayan na naririnig ko sa ibaba. Dali dali akong bumaba ng marinig ko na sumisigaw si Mama.

Nakita ko naman na Pinapalo ni Mama si Serenity then si Dada, he's just looking plainly at Serenity while Blue is busy with his tablet.

Humarang naman ako ng tangkang papaluin ulit ni Mama si Serenity.

"Ma! Anong nangyayari sayo?" tanong ko dahil nakakapagtaka. Never sa buong buhay ko na nagalit at namalo si Mama. Niyakap ko naman ng mahigpit si Serenity.

"Magsama kayong dalawa diyan!" saad ni Mama at ibinato ang pamalo sa amin ni Serenity. Niyakap ko naman siya para hindi siya matamaan. Dinala ko naman si Serenity sa kwarto ko.

"Anong nangyari?" tanong ko habang ginagamot ang mga sugat niya.

"Hindi ko alam ate basta kaninang paggising ko pumunta ako sa kwarto nila at ginising sila. Expect ko nga ikikiss ako ni Mama pero itinulak niya a-ako at nahulog sa kama." mas lalo namang napahagulgol si Serenity.

Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.

"Nagawa ni Mama sayo 'yon?!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Bigla namang lumitaw sa harapan namin si Xianicca ang anak nina Tita Amber and Tito Jake na umiiyak.

"Xianicca? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko.

"Natapon ko kasi 'yung egg sa floor then nagalit si Mommy na never namang nangyayari tapos she also said na sana hindi na lang ako ipinanganak and she doesn't love me daw." WTH?!

"Sina Aishana, Donatella, Tazanna at Xania? Nasaan?" sakto namang sinabi ko iyon ay lumitaw rin sila ng umiiyak sa harap ko ngunit wala si Xania.

"Si Xania?" tanong ko kay Aishana dahil magpinsan sila.

"Pinuntahan ko siya kanina para sana sabihin ang nangyari anytime ihahatid na siya ni Tito. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi galit ang parents niya sa kaniya but hindi ko naman gusto na magalit sila Tita Cas sa kaniya and by the way kakausapin daw nila Tita Cas ang mga parents natin." hindi ko na tinanong pa sina Ella at Zanna dahil halata naman na ganoon nga.

' MAGBABAYAD KAYO! ISINUSUMPA KO! NA SA PAG-ALIS NIYO SA MUNDONG ITO AT SA PAGBALIK NIYO SA INYONG MGA MAGULANG AT SA ORAS NG PAGGISING NILA AY MUKHA NIYO ANG UNA NILANG MAKIKITA! GALIT, PAGKAINIS, PAGKASUKLAM, ANG UNA NILANG MARARAMDAMAN. ISISNUSUMPA KO! NA HINDI NILA KYO KAILANMAN MAMAHALIN. WALA KAYONG MATATANGGAP NA PAGMAMAHAL,PAGKALINGA, PAGAARUGA, AT PAG-A-ALAGA MULA SA KAHIT NA SINO MANG MIYEMBRO NG IYONG PAMILYA. ISINUSUMPA KO YAN! KAYO ANG MAGIGING KABAYARAN NG KASALANANG GINAWA NG
INYONG MGA MAGULANG!”! '

Bigla na lang umalingawngaw sa isip ko ang boses ng isang matandang babae. Naaalala ko ito. Ito 'yung araw na nasa Witchery World kaming lahat na mga babae kasama ang iba naming kaibigang lalaki.

Hindi kaya nagkatotoo ang sinabi ng Ale na 'yon? That explains why hindi  galit ang parents ni Xania sa kaniya.. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kaibigan na nasa kwarto. Tama dahil si Xania lang ang hindi nakasama sa amin noong araw na iyon.

Lumitaw naman sina Jazfer at Keizer sa harap namin na mahinang naiyak na lang.

Pero meron pang dalawa.

Bigla namang lumitaw si Vion na umiiyak rin. Pero nasaan na siya. Dapat nandito siya. Ang bestfriend ko. Bigla naman lumitaw sa harap ko ang puro pasang bestfriend ko na si Vonne.

"Nagkatoto siya. Ang sumpa! Totoo siya!"

dreamhope_s

Bloody Royals: The Cursed(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon