Chapter 4 - Chaos

110 2 0
                                    

Violet's POV

“Matulog na muna kayo girls. I-teteleport na lang naming mga boys kayo kapag nandoon na tayo. Kami na rin ang bahalang magpaliwanag sa mga parents niyo. ” Saad naman ni Keizer. Naghanap na ng komportableng pwesto ang iba. Bigla namang sumagi sa isip ko ang sumpa.

MAGBABAYAD KAYO! ISINUSUMPA KO! NA SA PAG-ALIS NIYO SA MUNDONG ITO AT SA PAGBALIK NIYO SA INYONG MGA MAGULANG AT SA ORAS NG PAGGISING NILA AY MUKHA NIYO ANG UNA NILANG MAKIKITA! GALIT, PAGKAINIS, PAGKASUKLAM, ANG UNA NILANG
MARARAMDAMAN. ISISNUSUMPA KO! NA HINDI NILA KYO KAILANMAN MAMAHALIN. WALA KAYONG MATATANGGAP NA PAGMAMAHAL, PAGKALINGA, PAGAARUGA, AT PAG-A-ALAGA MULA SA KAHIT NA SINO MANG MIYEMBRO NG IYONG PAMILYA. ISINUSUMPA KO YAN! KAYO ANG MAGIGING KABAYARAN NG KASALANANG GINAWA NG INYONG MGA MAGULANG!”!’

Pagbalik niyo sa inyong mga magulang.

Paggising nila.

If totoo nga ang sumpa, it might happen right after we go back but my friends said that it’s not true. But I feel like crying again. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at unti unti na akong nilamon ng kadiliman.

****

Nagising ako sa bangayan na naririnig ko mula sa ibaba. Dali-dali akong bumaba ng marinig ko na sumisigaw si Mama.

Nakita ko naman na pinapalo ni Mama si Eren then si Dada, he’s just looking plainly at Eren.

Sandali akong napatulala sa kanila pero nabalik ang tuon ko ng marinig ko ang sigaw ni Seren. Lumapit agad ako kay Seren na ngayo’y ang rami ng pasa.

“Ma, Anong nangyayari sayo?" Never sa buong buhay namin na namalo at nagalit si Mama kaya nakakapagtaka. Niyakap ko naman ng mahigpit si Serenity.

“Magsama kayong dalawa diyan!” galit na tinignan kami ni Mama at binalibag ang pamalo sa amin ni Serenity. Niyakap ko naman siya para hindi siya matamaan.

Dinala ko naman si Serenity sa kwarto ko. “Anong nangyari?” kalmadong tanong ko habang ginagamot ang mga sugat niya. Walang magagawa ang pagpapanic sa mga oras na ito and I'm not the kind of person to panic.

“Hindi ko alam ate basta kaninang paggising ko pumunta ako sa kwarto nila at ginising sila. Expect ko nga ikikiss ako ni Mama pero itinulak niya a-ako at nahulog sa kama.” Mas lalo namang napahagulgol si Serenity. Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.

“Nagawa ni Mama sayo ‘yun?” tanong ko sa kaniya. Bigla namang lumitaw sa harap namin si Xia na umiiyak.

“Xianicca? Bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ko. “Natapon ko kasi ‘yung egg sa floor then nagalit si Mommy na never namang nangyayari tapos she also said na sana hindi na lang ako ipinanganak and she doesn’t love me daw.” Wth?

“Sina Shana, Ella, Zanna, at Xania? Nasaan?” sakto namang sinabi ko iyon ay lumitaw rin sila ng umiiyak sa harap ko ngunit wala si Xania. “Si Xania?” tanong ko kay Xia dahil magpinsan sila.

“Pinuntahan ko siya kanina para sana sabihin ang nangyari, anytime ihahatid na siya ni Tito. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi galit ang parents niya sa kaniya but hindi ko naman gusto na magalit
sila Tita Cas sa kaniya and by the way kakausapin daw nila Tita Cas ang mga Parents natin.” Hindi ko na tinanong pa sina Ella at Zanna dahil halata naman na ganoon nga.

MAGBABAYAD KAYO! ISINUSUMPA KO! NA SA PAG-ALIS NIYO SA MUNDONG ITO AT SA PAGBALIK NIYO SA INYONG MGA MAGULANG AT SA ORAS NG PAGGISING NILA AY MUKHA NIYO ANG UNA NILANG MAKIKITA! GALIT, PAGKAINIS, PAGKASUKLAM, ANG UNA NILANG
MARARAMDAMAN. ISISNUSUMPA KO! NA HINDI NILA KYO KAILANMAN MAMAHALIN. WALA KAYONG MATATANGGAP NA PAGMAMAHAL, PAGKALINGA, PAGAARUGA, AT PAG-A-ALAGA MULA SA KAHIT NA SINO MANG MIYEMBRO NG IYONG PAMILYA. ISINUSUMPA KO YAN! KAYO ANG MAGIGING KABAYARAN NG KASALANANG GINAWA NG INYONG MGA MAGULANG!”

Bloody Royals: The Cursed(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon