Chapter 14 - Family

60 0 0
                                    


Xianicca's POV

"Ang exciting naman non!" magkapanabay naming saad ni Xania. Nagkatinginan naman kami at sabay na napahagikgik sa isa't isa.

"Anong exciting doon? Eh nakakadiri nga sila eh." diring diri namang sagot sa amin ni Zanna. Napairap na lang ako. Ang exciting kayang sumakay sa sea serpents. Dagdag mo pa na ang bait nung nasakyan namin nila Keizer.

"Ito na ba ang Central City?" napatingin naman ako sa tinitignan ni Sab at napanganga na lang ako.

"WOW!"

"Ang ganda."

Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa mga kaibigan ko. Hindi naman kasi maikakailang maganda talaga ang Central City. Halos magkasung ganda na sila ng Magikè City. Napangiti na lang ako ng malungkot sa naalala ko. How I miss the old days.

Hindi naman maialis ang tingin ko sa bubgad bg Central City. Wala pa kasi kami sa loob at nasa entrance palang. Makikita mo ang mga arko na napalilibutan ng mga iba't ibang kulay ng bulaklak na nakapaligid sa arko.

May mga nakasabit rin na palamuti sa kahit saang parte. Maingay at masasayang tugtugon. Mga tao na namimili, sumasayaw, tumutugtog, gumagamit ng kapanguarihan at iba pa.

" Tara na, hahanap muna tayo ng matutuluyan. Paniguradong tatagal ang stay natin rito at alam ko namang hindi gugustuhin ni Zanna na bumalik sa palasyo na sakay ng mga sea serpents." wika ni Becka. Nakita ko naman ang pag-irap sa kaniya ni Zanna na ngayon ay nangunguna na sa paglalakad.

Bawat Elementalist na madadaanan namin ay binabati kami. Napapangiti na lang ako kapag lumalabas sa mga bibig nila ang salitang welcome to central city, mabuhay kayo, magandang umaga at iba pa. Masasabi kong puno ng buhay ang parte na ito ng isla.

Napatigil ang nangunguna sa paglalakad namin kaya't natural lang na mapatigil kaming lahat. Nabaling ang atensyon ko sa store na kanilang tinitignan.

'Atique Witchcrafts'

Iyan ang pangalan ng store na aming tinitignan. Napatulala na lang ako. Isang witchcraft store, gaya nung nasa witchery world... Witches, mganilalang na matagal na naming iniiwasang makita pero heto ngayon nasa harapan na namin.

Para namang nagbalik lahat ng alaala ko mula sa nakaraan. Naramdaman ko ang paginit ng mga mata ko na nangangahulugang nagbabadya na ang luha ko. Ayoko nito... Hindi pa namin kaya.

"Welcome sa Central City mga kamahalan." rinig kong saad nung mangkukulam habang nakangiti ng matamis sa amin. Sa lagay kong ito ay hindi ko na naintindihan ang mga sinabi niya dahil nakapokus lang ako sa kaniya, kung totoo ba ang ipinapakita niya.

Walang sumagot sa kaniya ni isa sa amin. Naramdaman ko na lang ang marahang paghapit sa bewang ko ng kung sino man.

Umikot naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Halo halong emosyon ang makikita mo sa mga mukha nila. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Vie at hinawakan naman iyon ni Green. Habang ang iba sa kanila ay pinoprotektahan kami.

Hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayari. Wala na akong maintindihan. Nakita ko na lang na kinakausap ni Becka ang matanda at bigla naman kaming nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari, parang umiikot ang paligid ko. Sumisikip ang dibdib ko.

"Nicca." isa lang ang tumatawag sa akin niyan. May mga braso na yumakap sa akin.

Nasilayan ko ang mukha niya at sa mga panahong ito, hindi ko na kailangang magpanggap na ayos lang ako dahil sa presensya niya.

Nakita ko na lang ang nagaaalalang mukha ni Vion bago ako lamunin ng kadiliman.









***

Xania's POV

"Is she okay?" tanong ko kay Vie habang nakatingin kay Xia.

"She is and she will be." sagot niya sa akin habang nakatingin kay Xia na natutulog pa rin dito sa kama. By the way guys. Nakahanap na pala kami ng matutuluyan. After mahimatay ni Xia ay binuhat siya ni Vion at naghanap naman kami ng matutuluyan. Nakakita kami ng cabin na nagpaparent ng mga kwarto kaya dumito na lang kami at nagshare share ng mga kwarto.

Malungkot lang akong ngumiti kay Xia at hinawakan ko ang kamay niya. We don't know. Hindi namin nalaman agad na matagal na pala siyang ganito. Hindi niya kayang harapin ang mga kinakatakutan niya. She always pretends na kaya niya na, malakas na siya pero hindi niya inaasahan na mangyayari ang araw na ito. Hindi namin lahat inaasahan.

Hinanda namin nila Mom and Dad sila para sa mga oras na 'yun. Ang makaharap ang mga taong kasama sa nakaraan namin. Napangiti ako ng maalala ko ang pagpipigil na ginawa ng mga kaibigan ko. Atleast kahit papano naharap na nila ang mga lahi ng witch. Pero si Xia, kahit ganon, nanghina siya. We all know Xia would be like that because she always pretends.

Ang akala ko talaga hindi na siya ganon kasi laging nandyan si Vion. You know hindi naman talaga gusto ni Vion na inisin siya. Ginagawa niya lang 'yun para makalimot si Xia at hindi na kailangan ni Xia na magpanggap sa harap namin.

Nakita ko naman ang pagbukas ng mata ni Xia.

"Xia. Are you fine?" rinig kong tanong sa kaniya ni Vie bago ako makalabas ng kwarto para tawagin ang iba.

Agad akong dumiretso sa sala at saktong lahat naman sila ay nadoon.

"Guys, gising na siya." napatayo naman agad si Vion at dali daling umakyat kaya sumunod na rin kami.

"Nicca, ayos ka lang ba?" tanong ni Vion sa kaniya habang hawak ang kamay ni Xia. Huwag na kayong magtaka guys kasi sa barkada silang dalawa talaga ang close kahit nagbabangayan sila lagi.

"Hmm." tumango naman si Xia sa kaniya. "Nabigla lang ako hindi ko kasi inaasahan na mangyayari 'yon. Hindi pa pala ako handa."

"Andito kami Xia." wika ko sa kaniya at nginitian siya ng magtaas siya ng tingin.

"Tutulungan ka namin." sunod naman ni Seren.

"We're a family right?" saad naman ni Leon.

"And no one should be left behind." saad ni Ella at may maliit nangiti sa labi niya na alam kong sincere.

Ella's right. No one should be left behind.

dreamhope_s

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody Royals: The Cursed(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon