Six

5.8K 112 1
                                    


"I'M HOME," bati ni Sassa sa kanyang pamilya na kasalukuyang nagkakatipun-tipon sa sala nila. Nagtaka siya nang hindi man lang siya nilingon ng mga ito. Abalang-abala ang mga ito sa pagkukuwentuhan.

"Totoo nga ang narinig kong tsismis na may bago tayong kapitbahay na sikat. Aba, nakakatuwa naman iyon, hindi ba? Puntahan na rin ng mga sikat na tao ang lugar natin."

"Oo nga, 'Nay. Lume-level up na ang barangay natin."

"Sus, ano naman ang bago ro'n?" tanong ng kanyang ama. "Matagal nang maraming sikat dito sa lugar natin. Nandiyan si Tandang Anko na sikat na albularyo rito. Nariyan ang manggagantsong si Pedro. Hindi ba't sikat na sikat din siya rito sa atin?"

"'Tay, itong pagkasikat na tinutukoy namin, 'yong sikat na matino. Iyon bang kilala sa buong Pilipinas. Baka nga higit pa roon."

"At ang maganda riyan, sa katabing bahay lang natin siya nakatira," sabi naman ng kanyang ina.

"O, eh, ano naman ngayon?" anang alaskador niyang ama. "May katabi rin naman ang bahay natin, ah."

"Puwede ba, Geronimo? Maayos ang pag-uusap ng mga tao rito. Huwag kang panggulo," saway rito ng kanyang ina.

"Nagbibigay lang naman ako ng kuru-kuro ko."

"Sarilinin mo na lang iyang kuru-kuro mo. Nanggugulo ka lang naman, eh."

Napapangiting umiling siya. Anong klase ng pamilya mayroon siya? Dahil lamang sa isang bagong kapitbahay ay mukhang magkakarambulan pa ang mga ito.

"Ah, hello?" untag niya sa mga ito. "Nandito na po ako. Pansinin n'yo naman ako."

Sa wakas ay binalingan din siya ng mga ito. Agad na napansin niya ang hitsura ng kanyang kapatid. Marvel had his hair messed up with gel and he was wearing a black shirt, denim pants, and sneakers. Kahit ayaw niya, parang may isang lalaki siyang nakikita sa katauhan nito nang mga sandaling iyon.

"Para kang tanga riyan, Marvelo," aniya. "Bakit kamukha mo si Papa Tommy ko?"

Base sa pagkakangiti nito ngayon, halatang nagustuhan nito ang narinig. "Salamat, Ate. Kaya mahal na mahal kita, eh."

"So, si Tommy nga ang ginagawa mong style?"

"Ang astig kasi ng japorms niya, eh." Tumayo pa ito at nag-pose ng gaya ng nakikita niya sa mga larawan ni Tommy. "Ayos ba? Puwede na ba akong sumali sa Mr. Pogi?"

"Hindi. Sa tingin ko, mas may bentahe ka kung sa gaya-gaya puto-maya ka sasali."

"Epal ka, Ate."

"Jesusa Maria, kumain ka na ba?" tanong ng kanyang ina. "Saan ka nga pala nagpunta kanina at bigla ka na lang umalis? Hindi ka man lang nagpaalam."

"Sorry, 'Nay. Nagmamadali lang kasi ako."

Hindi na ito nagsalita pa, bagkus ay ibinalik na ang usapan sa bagong kapitbahay nila. Tumuloy siya sa kusina upang maghanap ng makakain.

Kumakain na siya nang maalala niya ang papel na iniabot sa kanya ng baklang nakausap niya sa Concorde Records. Tinitigan uli niya ang nakasulat na address doon.

"Niloloko yata ako ng baklitang iyon." Ang address kasi na nakasulat doon ay address ng bahay na katabi lamang nila. Iyon ang address ng bahay ng pamilya nina Aling Susan. Wala siyang nababalitaang for sale ang bahay na iyon o 'di kaya ay paupahan.

Tapos na siyang kumain nang maisip niyang kalokohan lamang ang nakasulat sa papel. Babalik na lamang uli siya sa Concorde Records at magtatanong sa mga tao roon kung sino ang makakapagbigay sa kanya ng telephone number ni Tommy para makuha na niya rito ang pahamak na recorder na iyon.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon