Nine

5.5K 116 1
                                    


NAALIMPUNGATAN si Sassa mula sa mahimbing na pagtulog nang tumunog ang telepono. Saglit na idinilat niya ang kanyang mga mata para tumingin sa alarm clock na nakapatong sa bedside table. Mag-aalas-tres pa lamang ng madaling-araw. Nakapikit na kinapa niya ang telepono. Hindi pa talaga niya kayang idilat ang kanyang mga mata.

"Hello?" inaantok na sabi niya.

"Sassa, pumunta ka rito ngayon din. Hindi na naman ako makapag-compose."

"Sino ka bang hayup ka? Alam mo ba kung anong oras pa lang? Kung wala kang magawa sa buhay mo, maglaslas ka na lang ng pulso."

"Sassa, si Tommy 'to."

"Ha? Ah, o, Tommy. Bakit?"

"Come to my house for a few minutes. Hindi ko matapos ang isinusulat kong kanta."

"Okay."

Ibinalik niya ang awditibo sa katangan niyon. Kapagkuwan ay isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan. Inaantok pa siya ngunit tila umaalingawngaw sa kanyang tainga ang boses ni Tommy kaya hindi na rin niya nagawa pang bumalik sa mahimbing na pagtulog. Bumangon na lamang siya at naghihikab na lumabas ng bahay para puntahan ito. Hindi na niya kailangan pang kumatok dahil naghihintay na ito sa kanya sa pinto ng bahay nito.

"Hello," walang kabuhay-buhay na bati niya rito. Kapagkuwan ay pumasok siya sa loob. Umupo siya sa sofa at kinusut-kusot ang kanyang mga mata. "Pahingi naman ng kape, Tommy."

"With or without sugar?"

"Without sugar."

Nang mawala ito sa paningin niya ay muli na naman niyang naramdaman ang paghila ng antok. Pumipikit-pikit na siya nang maaninag niya ang pigura ni Tommy na palabas ng kusina. Umayos siya ng upo.

"Here." Inilapag nito sa center table ang isang tasa ng kape. "Mag-ingat ka. Mainit 'yan."

Dahil marahil sa antok, hindi agad rumehistro sa kanyang isip ang sinabi nito. Dinala niya sa kanyang bibig ang tasa ng kape at humigop doon. Kasabay ng pagkalasa niya sa mapait na kape ay ang pagkapaso rin ng kanyang dila. Mabilis na kinuha sa kanya ni Tommy ang tasa ng kape at nakipaypay sa kanyang napasong dila.

"I told you to be careful. Sandali, kukuha ako ng yelo." Mayamaya ay nagbalik ito sa tabi niya. "Stick out your tongue."

She did. And the moment the cold cloth where he wrapped the piece of ice touched her tongue, she felt a little better. Tinangka niyang kunin ang cold compress dito ngunit tinapik nito ang kanyang kamay.

"Ako na. Baka kung ano na naman ang gawin mo sa sarili mo kapag pinabayaan kita."

Tinanggal niya ang kamay nito para makapagsalita siya. "Kaya ko naman na. Hindi na ako magkakamali."

Sumenyas ito na ilabas uli niya ang kanyang dila at idinampi uli nito ang cold compress doon. "Just let me do this for you, Sassa."

Naligalig ang kanyang kalooban. May mali na naman kasi siyang nagawa na ikinaperhuwisyo uli nito. Inalis niya ang kamay nito upang makapagsalita siya nang maayos. "Sorry na, Tommy. Disoriented lang ako dahil naalimpungatan ako."

"Narinig mo ba akong sinisisi ka?"

"Hindi."

"Bakit nagso-'sorry' ka?"

"Pakiramdam ko lang ay may nagawa akong mali."

"Wala kang nagawang mali. Kasalanan ko nga kung bakit napaso ka. Kung hindi kita basta na lang ginising at pinapunta rito, hindi ka magre-request ng kape at hindi ka mapapaso." Hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. "Sorry."

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon