Chapter I

9 1 0
                                    

ANNIZA'S POV

"Nay nakauwi na po ako" masayang bati ko sa aking ina.

"Nabili mo ba lahat ng iniutos kong bilihin mo?" nakakunot noong tanong niya.

"Ofcourse Inay, kaso nga lang nagmahal nanaman ang mga bilihin" reklamo ko.

"Wala namang bago doon anak. Oh sya, hayaan mo na, magsaing kana at nang makakain na tayo at tatapusin ko lang tong mga labahin ko"

Pagka-raan ng ilang minute bumalik na sa paglalaba si Inay. Nabanggit niya noon na hindi niya ako tunay na anak, noong una'y hindi ko iyon matanggap nalungkot ako ng sobra dahil may parte sa aking gusting malaman kung sino nga ba ang tunay kong mga magulang.

Hindi ko maiwasang magtanong sakanya kung sino ako? Saan niya ako nakuha ngunit kalaunan dahil sa tindi ng pag aaruga at pagmamahal niya sa akin ay unti-unti ko na rin hinagkan ang katotohanan.

"Nay, alam mo bakit hindi na lang magic-magic ang mamayani sa mundo siguro kapag ganon wala ng taong magkakasakit, dahil may taga-pagaling na ang mga ito. wala ng taong maghihirap at hindi na rin kailangan ng pera dahil may provider na ng lahat because everything will be instant" nasisiyahang saad ko.

"Alam mo anak, there are always another part of everything, tingin mo ba lahat magiging mabuti kapag nagkaron sila ng kapangyarihan?"

"Opo Nay, syempre ano pa po ba ang po-problemahin nila kung lahat ng kailangan nila ay makukuha nila in just a snap" mabining wika ko.

"That's one of the reasons Anniza. Kung yung mga tao nga ngayon kahit sobrang yaman at humihilata na sa banig ng pera ay hindi pa makontento paano na kung tunay na kapangyarihan na ang hawak nila. Do you think they will be contented as a healer in case that's the power that is given to them?

"Opo Inay!" agarang sambit ko.

"uhmmm, why do you say so? Bata ka pa talaga anak at napaka likot ng imahinasyon mo tignan mo yung sinaing mo at baka sunog na" natatawang sambit na pahayag nito.

"P-Pero nay!" tutol ko dahil gusto ko pang makipagdiskusyon ngunit alam kong may punto si Inay.

Napangiti nalang ako sa na isip. What if nga kaya noh?

Kinagabihan halos hindi ako makatulog. Ginawa ko na halos lahat ng posisyon sa paghiga para dalawin ng antok pero wala talaga kaya bumangon na lamang ako para uminom ng tubig.

Maingat akong naglakad upang hindi lumangitngit ang tinatapakan kong sahig na kawayan at baka magising pa si Inay. Ayoko namang magising ko ito sa gitna ng gabi dahil alam kong pagod ito sa maghapong trabaho.

Nang makainom ng tubig ay naisipan kong tumambay muna sa terrace para don magpa antok ngunit pagbukas ko ng pinto I saw a faint of glimmering light in the big mahogany tree.

Ang alam ko reddish brown ang kulay ng punong ito pero bakit ito nagliliwanag ng matitingkad na kulay na kahali-halina. Nanaginip ba ako?

Bumalik ako sa kwarto para tignan kung nandoon ba yung katawan ko dahil baka sa sobrang tulog ay naglakbay na ang aking kaluluwa ngunit wala akong nakita.

Naglakad ako pabalik ng pinto habang pini-pisil pisil ang pisngi para matauhan at magising pero hindi talaga ako nanaginip dahil mas lumala pa ito ngayon.

I saw a little flying objects and its sparkling in every trails. What are those? Dwarfs, fairies, pixies? Now I'm scared. I'm scared because I really wanted to come closer to confirm my theory.

I'm afraid that I may not stop my curiosity just like what I'm doing right now. I am captivated by its beauty. Naeengkanto na ba ako?

Dahan-dahan akong naglakad palapit rito ngunit sa pagkagulat ko'y ako na ang nilapitan ng makikinang na bagay na ito. It went all over me. Sa sobrang bilis ng pag-ikot nito para akong nasa loob ng ipo-ipo it looks like a sparkling whirlwind ngunit ang nakakapagtaka nakakahinga naman ako ng maayos hindi kalaunan bumigat ang talukap ng aking mga mata at nilamon ng kadiliman.

- RippedLeaf

Please vote and comment. Smile and have fun.

Behind those Magical AbilitiesWhere stories live. Discover now