Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagising akong mabigat ang pakiramdam at kahit nakapikit ramdam ko ang hilo at pananakit ng ulo. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata only to realize that I was in danger.

Nakagapos ang kamay at katawan ko sa upuan gamit ang kadenang mas humihigpit sa bawat pagpiglas ko. Nagpumiglas pa ako ng pumiglas until I couldn't breathe anymore at napasigaw na lamang ako sa sakit.

Agad namang naagaw ang atensyon ng mga taong nakahilera at tuwid na tuwid na nakatayo. Sabay-sabay nila akong nilingon.

Now I'm scared. Too much scared that I starts to tremble in fear. They look at me like I'm some kind of a strange and I do the same thing.

What kind of people are they? Nakasuot ang mga ito ng maroon na cloak ngunit hindi maaninag ang kanilang mga mukha.

Kulto ba sila? Ano to kumaw? Totoo ba yun? Akala ko bata lang ang kinukuha nila? Napagkamalan ba nila akong bata? My mind is now bombarded with questions.

Hindi na ako mapakali nang dahan-dahang nahati ang lupon ng mga ito. At isang lalake ang naglakad sa gitna patungo sa akin. He walks with confidence and I can sense how dangerous he is.

Ang bawat taong madadaanan nito ay yumuyuko upang magbigay pugay sakanya. Now I was confused. What's happening? Asan si Inay? And worst nasaan ako?

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi para makakuha ng kasagutan ngunit naramdaman ko ang pag angat ng upuang kinatatalian ko. Nagsimula na akong maluha dahil sa kabang namamayani sa kaibuturan ko.

Ipinikit ko ang aking mata at pilit ginigising ang sarili dahil baka sakaling nababangungot lang ako ngunit ramdam ko ang hindi maipaliwanag na sumasakal sa akin.

Nagsimula na akong manalangin dahil sa takot. Inay nasaan kana ba? Tulungan mo ako. Naglandas ang luha sa aking mga pisngi dahil sa hirap na paghinga.

"Sino ka? Sinong nagpadala sayo dito?" A man said. Nakakapangilabot ang boses nito na para bang nang-gagaling sa ilalim ng lupa.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Parang-awa mo na pakawalan mo ako dito." I pleaded. Ngumiti ito ng mas nagpakilabot sa akin.

"Tingin mo ba maniniwala ako hmm?" He's smiling but I can't see a humour in it.

"N-nagsasabi po ako ng totoo" mas humigpit ang pagkakasakal sa akin ng parang itim na usok. Parang mapuputol na ang litid ko sa leeg.

"I can smell your fears. I'm thrilled and it makes me stronger. Ipinadala ka ba ng Enchanted Academy?" tila nasasayahang saad nito.

"A-ano bang sinasabi mo? Wala akong maintindihan. O-ordinaryong tao lang po ako"

"Sinungaling! Tingin ba nila matatalo ako ng isang tulad mo?" Dumagundong ang sigaw nito sa buong pasilyo na tanging mga parang sulo at mga apoy lamang ang nagbibigay liwanag. Dumagdag pa sa kadiliminan ang pagkawala ng sinag ng buwan.

"Dalhin na ito at gawing alay!" malakas at ma-awtoridad na utos nito. Agad akong nagpumiglas dahil sa kaba at takot.

"T-teka! Saan niyo ako dadalhin I-Inay tulungan mo ako I-inay!" Napaluha na ako sa takot na nararamdaman maiihi na yata ako sa sobrang kaba sumalampak ako sa sahig ng makalas ang pagkakagapos ko mula sa upuan.

Iniisip ko kung paano na si Inay. Hindi pa ako handang mawala. Napahiyaw ako ng sa buhok ako hinila ng isa sa mga humahawak sa akin.

"Huwag ka ng magpumiglas!" nangigil na saad nito.

Naluha ako dahil sa sobrang dahas ng paghihila sa buhok ko ito ang ginamit para kaladkarin ako. Ito na ba yon? Sa ganitong paraan ba matatapos ang buhay ko?

Naalala ko si Inay kung pano niya suklayin ang mahaba kung buhok. Naalala ko kung paano niya ako alagaan at ipagplantsa ng uniform pag pasok ng school.

Naalala ko kung paanong ayaw niyang may dumi ang damit na suot ko. Naalala ko kung paano siya magalit kapag nagkakasugat ako at kung paano niya ako ibangon sa tuwing nadadapa ako noong mga panahong hindi ko pa kayang bumangon mag isa.

Natumba ako sa pagkawala ng lakas para maglakad. I was cring helplessly. Inay. Mahal na mahal kita. Hindi ko na yata matutupad ang mga pangarap ko para sa atin.

Is this Limbo? Yung pag-alala mo sa mga nagawa mo when you are at the verge of life and death? Ayoko pang mamatay.

I haven't done anything good. Wala pa akong maikukwentong maganda pag nagkaharap kami ni papa Jesus.

Narating namin ang lugar kung saan may malalim na hukay na napapalibutan ng bato pailalim. Habang natutunaw ang bato ay napapalitan ng panibago. It seems like endless.

Napatakip ako sa bibig nang ihulog ng isang lalake ang iba pang bihag nila. Malakas ang sigaw na namayani dahil sa paghingi ng tulong nito.

Now it hit me. I'm going to be cremated alive with a blue flame in an endless well. Naiihi na ako sa takot. At hindi alam kung ano ang gagawin. Napaatras ako dahil kaunting galaw lamang ay mahuhulog na ako.Naramdaman ng may hawak sa akin ang ginawa ko kaya mas hinawakan ako nito ng mahigpit.

"Hindi kana makakatakas dito." Tila nang u-uyam na sambit nito.

"Alam ko bobo" malamig na saad ko. Kailangan kong maging matapang dahil kung ito man ang huling sandali ng buhay ko. Atleast I tried enough to be brave even just to face my death. Funny isn't it? Minsan na nga lang akong maging matapang sa pagharap pa kay kamatayan which was everyone afraid to face off.

"Matapang ka para sagutin ako niyan. Tignan natin kung pagkatapos ng orasyon ay maging matapang ka parin" napansin kong babae pala ang may hawak sa akin dahil sa mahahaba nitong mga kuko. Humalakhak pa ito na mas lalo kong ikinainis.

"Para saan ang orasyon?" matapang kung tanong. Kung mamatay rin lang ako mas mabuting malaman ko na ang mga bagay na dahilan ng ikamamatay ko.

"Isinasagawa ito para mailipat ang kapangyarihan ng bawat power user kay Demithrie"

"Power user? Eh, normal lang naman akong tao. Anong kapangyarihan ang maibibigay ko. I ask confused tone.

"Hindi kayang makapasok ng isang normal na tao sa portal na pinasukan mo kaya wag kang mag maang-maangan." Nang-uuyam na hayag nito.

"Portal? Eh puno lang naman yun na pinapalibutan ng mga alitaptap at insektong pang-gabi!"

"Bakit ba ang dami mong sat-sat eh, ilang oras na lang naman babawian kana ng buhay." Wala pakundangang saad nito.

I shiver in fear in her statement. Parang gusto ko ng maglaho dahil at isalba nag sarili ko. Ayoko pang mamatay. Gusto kong labanan si kamatayan at agawin ang buhay kong hawak-hawak na nito.

Makaraan ang ilang oras, dumagundong ang tunog ng kampana na tila hudyat ng aking kamatayan. Halos mawalan ako ng hininga sa higpit ng pagkakahatak ng babaeng may hawak sa akin.

Naghanda na ang mga ito at pumalibot sa balon na lumalagablab ang asul na apoy hawak ang mga bihag na nagsusumamo ng tulong ngunit para sa kanilang mga buhay.

Umihip ang malakas na hangin kasabay nang pagsigaw ng mala-demonyong boses ng lalakeng sumakal sa akin kanina. Ito ang ingay na pinakatatakutan kong marinig.

"PATAYIN NA ANG MGA BIHAG!!" ma-awtoridad na wika nito.

Ito na ba ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba ako? Can anyone save me from this hopeless nightmare? Can someone please ?

Behind those Magical AbilitiesWhere stories live. Discover now