Chapter THREE

720 21 0
                                    

Chapter 3

~Tyron's POV~

"Bro, nice game. Bukas ulit ha."sabi ni Kev.

"Nice game din. Sige ba. Mauna na ako sa inyo ha."

"Hindi ka ba magsha-shower bago umuwi?"

"Hindi na. Sa bahay na lang. Sige bro."paalam ko sa barkada ko at niligpit ang gamit ko at lumabas na ng locker room ng basketball court.

At gaya ng inaasahan, marami na namang babaeng nag-aabang sa akin sa labas.

"Hey Tyron. Ang galing galing mo talagang maglaro."sabi ng isang babae.

"Salamat."sagot ko.

"Pwede mo bang pirmahan tong panyo ko?"tanong ng isang babae sabay aro ng malaki niyang panyo at red pentel na pansulat.

"Sure. Salamat."sabi ko matapos pumirma.

"Thank you. Ang bait mo talaga,"tuwang tuwang sabi ng babae mg biglang may sumigaw.

"MAY SUNOG! SUNOG!"

Nagtakbuhan papalabas ng court ang mga babae at iniwan akong mag-isa. Pinakiramdaman ko ang paligid at inamoy amoy ang hangin kung may nasusunog nga pero wala naman.

Palabas na ako ng court ng maalala ko ang itsura ni Shantal kanina nung sumisigaw ng malakas ang pinsan niya para sa akin.

"Ang lapad ng ngiti ah. Dahil ba yan sa laro o dahil kay Shantal?"tanong ng babae sa likuran ko.

"Jane?"

"Ako nga. Kilala mo pala ako?"

"Oo naman. Bakit hindi mo yata kasama ngayon si Shantal?"

"Nauna na umuwi eh, pero may ipinabibigay siya."sabi ni Jane sabay abot ng naka-tuping papel.

"Ano to?"

"Sulat siguro. Basahin mo na lang."sabi niya at nagtatakbong umalis.

"Si Shantal? Sinulatan ako? Am I dreaming?"tanong ko sa sarili ko.

Binasa ko ang sulat.

Hey,
Tyron, can we talk? I'm sure na alam mo naman ang address ko so can you go to my place later? Maybe 7pm tonight? I have something to talk about.
Thanks.
It's me, Shantal.

"7pm? It's almost 6pm na. Kailangan kong magmadali. Ayokong ma-late."sabi ko at patakbong lumabas ng campus.

"Bro, nagmamadali ka yata?"salubong ni Tom. Kaibigan ko din.

"Yah. Gotta go. Bye!"sabi ko at iniwan na siya.

Pagka-sakay ko sa aking kotse, pinaharurot ko agad pauwi ng bahay. Dumating ako ng bahay, saktong 6pm.

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ko, nagpunta ako sa bilihan ko ng bulaklak. Bumili ako ng isang bouquet ng pink roses.

On my way to her place, may nadaanan akong isang bake shop. Pumasok ako at bumili ng chocolate flavored cake na pinalagyan ko ng maraming design na pink flowers at message na 'Thank you, Shantal'.

Sobrang saya ko habang tinitingnan ang pasalubong ko sa kanya habang papunta na sa kanila.

Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito, para personal na makapanligaw sa kanya, at mangyayari na ito ngayon.

Saktong 7pm ay nasa harap ako ng bahay ni Shantal. Nag-doorbell ako at si Jane ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Magandang gabi, Tyron."bati ni Jane.

"Magandang gabi din. Si Shantal?"tanong ko.

"Nasa loob siya. Tuloy ka."sabi niya at pinapasok ako.

"Salamat."sabi ko at pumasok dala ang mga pasalubong ko kay Shantal.

"Mukhang nakapamili ka pa ah."

"Ah, hindi naman masyado."natatawa kong sagot.

"Nandito na tayo."sabi ni Jane ng marating namin ang sala ng bahay ni Shantal.

To think na mag-isa lamang siyang namumuhay sa bahay na ito at napanatili niyang maayos ang bahay ay nakakahanga siya.

"Maupo ka muna, tatawagin ko lang si Shantal."sabi ni Jane at umakyat sa second floor ng bahay.

Ipinatong ko ang dala ko sa maliit na mesa sa gitna ng sala sa harapan ko. Maya-maya pa ay bumaba na ulit si Jane.

"Baba na siya. Cake ba yan?"tanong niya.

"Ah, oo."

"Ah, akin na, at ilalagay ko sa plato at ng makain natin."

"Ah, oo. Sige, salamat."

"Walang problema. Sige, maiwan na muna kita diyan."sabi ni Jane at nagpunta ng kusina.

Sobra akong kinakabahan habang hinihintay ko ang pagbaba ni Shantal. Hindi ko maitago ang panginginig ng tuhod ko.

"Tyron, okay ka lang?"tanong ni Jane ng bumalik sa sala dala ang cake na binili ko.

"Oo naman. Pwede bang maka-hingi ng tubig?"

"Oo naman, sandali lang at kukuha ako."

"Salamat."

"Eto ng tubig mo."sabi niya sabay abot ng isang baso ng malamig na tubig.

"Salamat."nabawasan ang kaba ko ng makainum ako ng tubig.

"Teka, pupuntahan ko lang ulit si Shantal ha."paalam nito.

"Sige."

Umakyat muli si Jane. May naririnig akong parang nagtatalo mula sa taas kaya minabuti ko munang magpahangin sa labas ng bahay.

Hindi nakatulong sa kaba ko ang malamig na haplos ng hangin sa balat ko. Lalo lang tumaas ang nerbyos na nararamdaman ko ngayon.

~EndOfChapter3~

Stolen Kiss (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora