Chapter FORTY-NINE

462 12 0
                                    

Chapter 49 

~Tyron's PoV~ 

"Oh, akala ko ba may meeting kayo sa office, bakit nandito ka sa bar at umiinom?" tanong sa akin ni Kev. 

"Gusto ko munang magpakalasing, samahan mo ako." 

"Bakit, may nangyari ba? Nag-away ba kayo ni Shantal?" 

"Hindi naman nag-away, feeling ko lang ay balewala na ako sa kanya ngayon." 

"Paano mo naman nasabi? Baka busy lang sa pag-aaral. Kilala mo naman yon, pagdating sa pag-aaral ay seryoso." 

"Yun na nga ang problema, masyado na siyang seryoso sa pag-aaral, kulang na lang ay yun na ang pakasalan niya." 

"Sus, so nagseselos ka pala dahil mas may time siya ngayon para sa pag-aaral kesa sayo, yun ba?" tanging tango lang ang isinagot ko kay Kev. "Hindi mo ba naisip na para din naman sa future niyo ang ginagawa niya?" 

"Bakit, magtuturo pa rin ba siya kahit kasal na kami at may mga anak? Sinong gusto niyang mag-alaga sa mga anak namin, maids?" 

"Walang masamang magturo pa rin siya kahit may anak na kayo, kung yun ang gusto niya eh, as long as hindi niya kayo napapabayaan." 

"Yun na nga eh, ngayon ngang ako pa ang, nakakalimutan na niya, lalo na kung may anak na kami. Alam na alam mo naman ang dinanas ko nung iwan ako ni mommy para tumira sa abroad kasama ang bago niyang pamilya, hindi ba? Ayokong magkaroon din ng kaagaw ang magiging anak namin sa atensyon niya." 

"Yun din naman siguro ang ayaw niya, kaya nga siguro ngayon ay ginagawa niya ang gusto niya para kapag kasal na kayo at may mga anak na, kayo na ang priority niya, at wala siyang panghihinayang na hindi niya natupad ang pangrap niya." 

"Naiintindihan ko naman ang mga priorities niya sa ngayon eh, kaya lang, hindi ko makita kung nasaan ba ako sa mga iyon." 

"Dude, mahal ka ni Shantal. Yun na lang ang isipin mo. Darating din ang araw na magkakasama kayo, kaya lubos lubusin mo na ang pag-inum ngayon dahil sigurado akong bawal na yan kapag mag-asawa na kayo." 

"Nagpapatawa ka ba, alam mo namag hindi ako mahilig sa alak, umiinom lang ako kapag may problema ako, na kagaya na lang ngayon."

"Huwag mo ng masyadong problemahin si Shantal. I'm sure na may maganda siyang reason kung bakit mas pinipili niyang mag-aral ngayon kesa magpakasal na sayo." 

"Sana nga meron. Kasi kung nagawa kong maghintay ng halos 4 na taon sa kanya noon, baka hindi ko na magawa pa ulit ngayon." 

"Bakit naman? Yun na nga ang point eh. Nagawa mo na siyang hintayin noon ng ganoong katagal, ano pang pinagkaiba kung gagawin mo ulit ngayon eh sigurado naman akong pagka-graduate ni Shantal ay ikaw na ang aasikasuhin noon." 

"Diyan ka nagkakamali, gusto pang makapagturo ni Shantal, dahil yun talaga ang pangarap niya kaya sigurado akong makakalimutan na niya ako ng tuluyan." 

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Ngayon ka pa ba naman susuko eh hawak mo na ang kamay niya?" 

"Paano kung siya na mismo ang bumitaw, alangan naman pilit pa rin akong kumapit kahit nabibigatan na siya sa akin." 

"Hindi mangyayari yon, dude. Tiwala lang." 

"Sana nga, sana." 

Simula ng pag-usap namin ni Kevin ay hindi ko na muna ginulo pa si Shantal. Paminsan-minsan ay pumupunta ako sa bahay na tinitirhan niya at maghihintay sa labas ng bahay, kahit hindi ko alam kung lalabas ba siya dahil hindi ko naman sinasabi na nandoon ako.  "Babe, okay ka lang ba?" tanong niya ng minsang tumawag siya sa akin. 

"Oo naman. Basta masaya ka sa ginagawa mo, masaya na rin ako. Sige na, baka may ginagawa ka pa, ibababa ko na to." sabi ko at pinatay na ang telepono. Masakit sa akin ang pagbabaan siya ng telepono dahil sobrang miss na miss ko na siya, pero mas masasaktan lang ako kung patuloy ko pa siyang kakausapin. 

Minsan, dumalaw siya sa bahay. Hindi ko siya hinarap at pinasabi na lang sa maid na umalis ako. Ayokong makita niya akong miserable dahil ayokong magbago pa ang mgandesisyon niya ng dahil lang naaawa siya sa akin. 

.Kung para sa kanyang ikaliligaya ay handa akong magsakripisyo, kahit pa ang hindi siya makita huwag lang siyang mawala sa focus.
Umalis ako ng bansa ng hindi niya nalalaman. Ayoko ng guluhin pa ang utak niya sa mga issue ko sa buhay. 

"Anak, anong ginagawa mo dito? Di ba may klase ka pa?" bungad ni mommy ng dumating ako sa bahay nila. Sa halip na sumagot ako ay niyakap ko na lang siya ng mahigpit. "Anak, kung anuman yang gumugulo sayo, pwede mong sabihin sa akin, makikinig ako." sabi ni mommy habang tinatapik ang likod ko. 

"Gusto ko po munang magpahinga, ma." sabi ko at kumalas sa yakap namin. Hinalikan ako ni mommy sa noo bago nagsalita. 

"Maaayos din ang lahat, anak. Sige na, magpahinga ka muna."

Mag-iisang buwan na ako sa Canada pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay. Kahit ang lumabas ng kwarto ay napakadalang din. 

"Ma, ano ba talagang nagyayari diyan sa batang iyan? Paano na ang pag-aaral niya sa Pilipinas?" narinig kong tanong ni Tito Arthur kay mommy.

"Minsan ay nakikita kong nag-aaral siya sa loptop niya. Hindi ko magawang magtanong eh, hayaan na lang muna natin siya dito, baka kailangan lang niyang mag-isip-isip." sagot ni mommy. 

"Sige, pero bantayan mo ang oras ng pagkain ng batang iyan, baka naman magkasakit ang batang iyan kapag hindi nakain sa oras." 

"Oo naman, ako ng bahala, salamat." 

Isang araw, kinausap ako ni mommy. "Anak, yung totoo, nag-away ba kayo ni Shantal kaya ka nandito?" 

"Hindi po, Ma. May mga bagay lang po siyang mas priority kesa sa akin at nakalimutan na po niya ako." sagot ko habang nakabaluktot sa paghiga. 

"Hindi totoo yan, anak. Kung talagang nakalimutan ka na niya, bakit pa siya tatawag dito para hanapin ka?" napabaling ako kay mommy sa narinig at nakita kong naka-ngiti siya. 

"Niloloko niyo lang ako. Alam kong hindi totoong tumawag siya, sinasabi niyo lang yan para pagaanin ang loob ko." sabi ko at tumalikod ulit kay mommy. 

"Anak, totoo ang sinasabi ko, ilang beses ka na din niyang kinukumusta dito, hindi ko lang sinasabi sayo kasi hinihintay kitang magkwento, kaso hindi ka naman nakikipag-usap sa akin. Lagi ka lang dito sa kwarto mo. Hindi ka na din nga yata naliligo eh." sabi ni mommy at inamoy ang kili-kili ko. " Nakow! Ang baho na ng kili-kili mo, maligo ka na nga." sabi ni mommy at para akong batang kiniliti. 

"Mommy naman eh, hindi na po ako bata para kilitiin mo ng ganyan." saway ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagkiliti sa akin. 

"Oo nga, pero ikaw pa rin ang nag-iisang baby boy ko. Kaya maligo ka na at hindi ka na amoy baby, amoy lupa ka na. Bilis, ligo." sabi ni mommy at pinalo naman ako sa puwit. 

"Opo na, liligo na po. Masakit po yun ahh!" reklamo ko habang hinihimas ang pwet kong pinalo niya. 

"Sige, at pagkaligo mo ay kumain ka na at may flight ka pa." 

"Flight po?" 

"Oo, uuwi ka na sa Pilipinas, sa ayaw at sa gusto mo." 

~EndofChapter49~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon