Chapter TWENTY-FOUR

431 11 1
                                    

Chapter 24

~Tyron's POV~

"Anong balita, successful ba ang plano?" tanong ko kina Jane at Kevin.

"Oo naman, ako pa ba." pagyayabang ni Kev.

"Patingin nga daw," kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung makikita ko ang lokasyon ni Shantal. "Aba, meron nga eh, very good, Kev."

"Sabi ko naman sayo ehh. Oh, ikaw Jane, anong balita mo?" baling ni Kev kay Jane.

"May movie date mamaya sina Shantal at Frank."

"Saan daw?"

"Aba, malay ko. Di ba nga, kaya natin nilagyan ng locator ang phone ni Shantal para alam mo kung saan siya naroon, di gamitin mo yan." sagot ni Jane.

"Oo nga ano! So, kayong dalawa, sasama ba kayo sa akin? Libre ko ang ticket?" aya ko.

"Game!" sagot ng dalawa.

Pumasok kami sa sinehan, Titanic ang movie na papanoorin nina Shantal.

"My gadd naman, ilang daang beses na naming napanood ito, pero bakit ito pa rin ang pinili niya?" reklamo ni Jane.

"Ano bang maganda sa movie na ito, bakit gusto ito ng mga babae?" tanong ni Kev.

"Aba, malay ko. Ang alam ko, namatay naman ang bidang lalaki sa kwentong iyan, tapos tumandang mag-isa yung babae."

"Oo nga. Walang magagawa, paborito talaga yan ni Shantal eh." sabi ni Jane.

"Okay lang kung iba na lang ang panoorin ko? Ayoko nito." sabi ni Kev.

"Oo naman, sige, ikaw ang bahala."

"Teka, pasama ako. Sawa na ako sa movie na ito at ayoko namang makita ako ni Shantal dito, kasama mo, Tyron. Baka paghinalaan pa niya na kasabwat mo ako, mahirap na."

"Oo nga, tama ka. Sige, ako ng bahala dito. Pwede na kayong umalis."

"Sige, sabihan mo na lang kami kapag tapos na ang movie." bilin ni Jane at umalis na sila ni Kevin.

Pagkaalis nung dalawa, lumipat ako sa pwestong pinakamalapit kina Shantal. Kitang kita ko mula rito ang kilos nila.

Paminsan minsan ay nagsusulyapan ang dalawa, at nakita ko pang umaangat ang kamay ng lalaki at gusto atang akbayan si Shantal. Sa twing makikita kong ganoon ang itsura ng lalaki, kunyari ay inuubo ako. At bigla naman nitong ibinababa ang kamay kapag nalingonnsa kanya si Shantal.

Makailang beses kong ginawang umubo kunyari hanggang sa napatingin sa kinauupuan ko si Shantal. Nginitian ko siya at kumaway.

"Hi!" bati ko. Biglang kumunot ang noo ni Shantal. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi na lang niya itinuloy at ibinalik na lang ang tingin sa pinapanood.

Lumipat ulit ako ng pwesto, doon na ako naupo sa mismong likuran ng inuupuan ni Shantal. Nakita kong lumingon si Shantal sa dati kong pwesto, at ng hindi ako makita ay parang hinanap niya ako, pero agad din namang ibinalik ang tingin sa pinapanood ng magsalita si Frank.

"May problema ba, Shantal? Bakit yata parang may hinahanap ka? Sino ba yun?" tanong ng lalaki.

"Ah, wala yun. Akala ko kasi may nakita akong kakilala, pero wala naman pala." sabi na lang ni Shantal.

"Ah, sige, manood na ulit tayo."

"Oo, sige."

Nang malapit ng matapos ang movie, umuna na ako sa paglabas ng sinehan. Aabangan ko na lang si Shantal doon.

Maya-maya, binuksan na ang pinto ng sinehan at isa-isa ng naglalabasan ang mga nanood. Ng makita ko sina Shantal, hinatak ko siya papalayo sa karamihan ng tao at palayo kay Frank.

"Tyron? Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Shantal ng dalhin ko siya sa isang sulok.

"Malamang inililigtas ka mula sa manyakis na lalaking iyon." sagot ko at hinaharangan siya para hindi maka-alis.

"Tumabi ka nga riyan. Sinong manyakis ang sinasabi mo, si Frank? For your information, mas gentleman pa sayo si Frank ano! Kaya huwag mo siyang sabihan ng kung anu-ano." sabi niya at nagpipilit pa ring makaalis

"Hindi mo kilala ang lalaking iyon para magtiwala ka agad. Hindi ka dapat umaalis ng siya lang ang kasama."

"Bakit, ikaw ba, kilala ba kita para pakinggan kita? Hindi din naman kita kilala ah, bakit pa kita pakikinggan. Umalis ka nga!"

"Iba ako sa lalaking iyon, dahil mahal kita."

"Madaling sabihin ang bagay na yan. Pero paano mo patutunayan?" tanong ni Shantal. Hinahamon ako ng babaeng ito, ah! Marahil dahil sa inis at labis na pagkagusto sa kanya, bigla ko na lang siyang hinalikan ng madiin sa labi.

Nagpupumiglas si Shantal, at ng matauhan ako, tinigilan ko ang paghalik sa kanya. Ng makalayo ako sa kanya, huminga siya ng malalim at binigyan ako ng isang lumalagapak na sampal.

"Nagbibintang ka sa ibang tao na manyakis sila, pero ikaw naman pala talaga itong manyakis. Lumayo ka sa akin. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo!" sabi ni Shantal at umalis.

"Tyron, nandito ka pala, si Shantal ba yung tumatakbong iyon?" tanong ni Jane. Magkasama sila ni Kevin at kumakain pa ng ice cream.

"Oo, siya nga."

"Bakit siya tumatakbo? Nakita ka ba niya? Teka, bakit mapula yang pisngi mo? Ano bang ginawa mo?" tanong ni Jane.

"Hinalikan ko siya." sabi ko

"Nice, dude!" sabi ni Kev.

"What? Bakit mo naman siya hinalikan?" tanong ni Jane.

"Hindi ko naman sinasadya, hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina." paliwanag ko

"Ayos yun, Tyron. At least ngayon ay alam na niya na mahal mo talaga siya." sabi ni Kev.

"Kahit pa hindi mo sinasadya. Alam mo bang wala pang nakakahalik kahit isa diyan kay Shantal? At sa kasamaang palad, ang unang halik pa niya ay hindi romantic. Alam mo ba kung gaano kasaklap yun para sa isang babae?" -Jane

"Sus, pare-pareho lang naman ang meaning ng kiss." sabat ni Kev.

"Kung sa inyong mga lalaki, hindi big deal ang first kiss, sa aming mga babae, big deal yun. Gusto namin ay memorable ang aming first kiss at sa taong mahal namin manggagaling. Kaso, sinira mo yun." - Jane.

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya." sabi ko.

"Maiwan ko na muna kayo. Susundan ko lang si Shantal at kailangan niya ng makakausap ngayon." - Jane

"Sige, ako ng bahala dito," sabi ni Kev.

"Sabihin mo, sorry." pahabol ko kay Jane bago umalis.

~EndOfChapter24~

Stolen Kiss (COMPLETED) Where stories live. Discover now