Chapter TEN

607 16 0
                                    

Chapter 10

~Shantal's POV~

"Couz, kanina pa kita hinihintay, bakit ngayon ka lang?"bungad ni Jane ng dumating ako sa gate.

"Napaaga ka lang, couz. Bakit ba? Wala naman tayong lakad ah."

"Maghahanap na tayo ng isusuot natin para sa party sa friday."excited na sabi ni Jane.

"Eh wala pa naman tayong perang pangkuha ng damit eh."

"Okay lang, basta magtitingin muna tayo, saka na natin pag-iipunan ang pangkuha ng damit. Basta pipili tayo ng pinakamagandang damit na babagay sa atin."

"Eh saan naman tayo maghahanap ng damit?"

"Ako ng bahala, may nakapagsabi sa akin kung saan merong magagandang damit na pocket-friendly ang presyo kapag renta lang."

"Sino namang nakapagsabi sayo?"

"Isang anghel mula sa langit."

"Hay naku, nababaliw ka na naman. Umuwi na lang tayo at pagod na ako."

"Hindi pwede. Pupunta pa tayo sa Stylish Boutique. Tara na, baka magsara na yon."

"Ano naman yung Stylish Boutique na sinasabi mo?"

"Tindahan yun ng mga gowns at dresses."

"Nagpapa-rent ba sila ng gowns?"

"Yun ang alam ko. Malalaman natin mamaya. Tara na."

"Oo na nga. Hindi mo rin naman ako titigilan eh."

"Yippie!"

Bago umuwi, napilit din ako ni Jane na pumunta doon sa sinasabi niyang kukuhanan namin ng isusuot sa party.

"Couz, sure ka ba na nagpapa-rent sila ng gown dito? Para kasing puro bago ang gowns na nandito."

"Magtanong tayo ng malaman natin."

"Huwag na lang kaya? Tara na, uwi na tayo."

"Ano ka ba naman, Couz, nandito na nga tayo, hindi pa ba tayo magtatanong?"

"Ikaw ang magtanong. Dito lang ako sa labas."

"Sige, papasok ako at magtatanong pero huwag mong subukang takasan ako, maliwanag?"

"Oo, sige na, pasok na at magtanong ka."

"Sige, maghintay ka dito."

Pumasok nga si Jane at nakipag-usap sa attendant ng boutique. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero sa palagay ko, nagpapaliwanag si Jane.

Maya-maya pa ay tumingin silang dalawa sa akin at ng magharap ulit sila ay nakita kong tumango ang attendant at umalis.

"Couz, okay na. Pumasok ka na, maghahanap na tayo ng isusuot natin. Tutulungan tayo ni Ate."sabi ni Jane habang nakadungaw sa may pinto ng boutique.

"Talaga?"

"Oo nga, tara na at ayokong gabihin tayo."

No choice ako kundi ang sumunod sa kanya. Pagkapasok ko, agad niya akong inutusang magsukat ng iba't-ibang gowns.

"Jane, andami naman nito."sabi ko ng ibagsak niya sa harap ko ang gabundok na gowns.

"Mas maraming pagpipilian, mas maganda. Piliin mo diyan kung alin ang pinakagusto mo at isukat mo."

"Ah, eh, alin ba dito?"tanong ko habang hinahalungkat ang mga gowns na nasa harapan ko.

"Antagal mo namang pumili. Ako na nga lang ang pipili para sayo!"sabi ni Jane at naghalungkat na din. "Eto! Eto ang isukat mo. Bagay sayo to."sabi niya sabay abot ng gown na kulay gatas na may nagkikintabang beads.

"Naku, huwag na yan. Parang mahal yan eh."

"Libre naman ang magsukat eh. Di ba Ms?"baling nito sa attendant.

"Opo naman mga Ma'am. Magsukat lang po kayo."

"Ganoon ba? Sige, isusukat ko lang to."sabi ko at pumasok sa fitting room. "Ano, bagay ba?"tanong ko paglabas ko ng fitting room.

"Wow! Bagay na bagay. Yan na ang isusuot mo sa party."

"Kung may pera akong pang-renta."

"Just leave it to me. Ako ng bahala. Picture-picture muna."

"Kailangan na ba yan ngayon?

"Oo naman no! (Click! Click!) Talikod ka, dali."

"Bakit na naman?"

"Gawin mo na lang at ng matapos na para makauwi na tayo."

"Okay, fine!"

~EndOfChapter10~

Stolen Kiss (COMPLETED) Where stories live. Discover now