03

362 42 7
                                    

03 : make me smile


"Ya! You smiled!" Sigaw ko habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya.


Kaagad namang nawala ang ngiti sa labi niya at sumeryoso.


"Sinong ngumiti?" He asked, innocently.


"Sus."


Napailing-iling na lang siya at kinurot ang magkabilang pisngi ko.


Magkatapat na kami ng mukha at hindi ko alam kung bakit biglang kinapos ako ng hangin.


Anong nangyayari?


Naiilang ako kasi nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti.


"You were the first ever person who made me smile, Yeji." He uttered and smiled, showing his charming dimples.


Parang mamamatay ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 'Di rin ako makahinga ng maayos. Ano 'to? Hika? Pero wala naman akong gano'n ha.


Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakahawak pa rin sa pisngi ko at inalis 'yon.


"Introvert na, pervert pa."


Binitawan niya na ako at tinaliman ako ng tingin.


"Anong manyak do'n?"


"You held my hands. You pinched my cheeks."


"Parang 'yon lang, manyak na?" Naiinis siya pero 'di halata kasi kalmado pa rin ang mukha niya.


"Sabi ni eomma, 'pag hinawakan daw ako ng lalaki sa kahit na anong parte ng katawan ko. Dapat akong lumayo. Unless you're my friend. But you're not. So good bye Mr. Watanabe." Sabi ko habang naglalakad na palayo.


This is what they call reverse psychology. It's a bait. Sana kumagat ka—well, not literally.


'Di na ako nagulat nang tumakbo siya palapit sa'kin at humarap, pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.


"Y-Ya."


I tapped his shoulder. But no response.


"Y-Ya, H-Haruto."


"Make me smile again."


"Mwo?"


"Make me feel that I need to smile again."


I was dumbfounded with the words he just said.


introvert | harutoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang