10

50.2K 1K 84
                                    

Nag-inuman lang si Gio at ang dalawa niyang kaibigan, they drink and drink hanggang sa mawalan na sila sa tamang huwisyo

Habang nagiinuman sila ay nagkekwentuhan din sila tungkol sa iba't ibang mga bagay para pangpalipas oras ng bigla nalang tumayo si Rios at lumabas ng VIP room

"Hey, moron san ka pupunta?" tanong ni Russ dito

"There's a girl dancing at the first floor" sagot nito na ikina kunot naman ng noo namin ni Russ

"Of course there is, nasa first floor sila where there is a dance floor for everyone. This is a bar for god sake" sagot ni Russ saka pagod na sumandal sa likod ng sofa, lasing nato

Nanatiling naka tingin si Rios sa tinted glass na tanaw ang first floor "someone is touching her" sabi nito samin na mas ikilito pa namin ni Russ

Nagkatinginan kami ni Russ waring nagtatanong sa isa't isa kung ano ang nangyayari kay Rios "Rios, bar to. Normal lang yan dito" sabi ko

"I don't like it" sabi nito na ikina-pagtaka ko "whatever man" sabi ko nalang, I can tell that I'm drunk kaya wala na akong lakas para makipag-usap pa kay Rios

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil masakit at ina-antok na ako, narinig ko nalang ang pag bukas at pag-sara ng pinto

"That guy is nuts" rinig kong komento ni Russ na sinagot ko lang ng hmm

Ibinuka ko ang mga mata ko saka tinignan si Russ na ngayon ay parang tulog na "CR muna ako" sabi ko kahit hindi ko alam kung tulog o gising ba ito

Lumabas akong VIP room saka sinuyod ang kabuuhan ng first floor trying to find Rios but to my dismay hindi ko nakita ang gago

San na kaya yun?

Isina-walang bahala ko nalang at nagtungo sa Mens room

After doing my business lumabas muna akong banyo at nag smoke sa gilid, ipinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili

Matapos maka ubos ng isang stick ay balak ko na sanang bumalik sa VIP room ng may nahagilap ang mga mata ko dahilan para kumulo ang dugo ko

***

[Continuation of Aria's POV from last chpter (chap.9)]

What the heck?

Bakit siya nandito?

Akala ko ba nasa Florence tong isang to?

"Void?" Sambit ko sa pangalan ng lalaki

"Hey beautiful" bati nito sakin habang may matamis na ngiti sa mapupula nitong mga labi

"Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong sa kanya

"Bakit ayaw mo ba ako dito?" Balik tanong nito sakin sabay pilyong ngumiti sakin

"Baliw" tawa ko ng mahina sabay hampas sa balikat nito ng mahina

"Nandito ako dahil pina-uwi ako ni Dad, nandito daw ang kapatid ko at gusto niyang mag-usap kami para daw may closure daw" sarkastiko nitong saad na ikina tawa ko

"Brother from your mother?" Tanong ko dito na sinagot lang ng tango habang nakasimangot na parang bata

Ang alam ko ay may dalawang nakakatandang kapatid tong si Void, Isa sa ama (sa unang asawa) tas isa sa ina, anak ng mommy niya sa pagkadalaga.

Tanggap naman ng ama ni Void ang unang anak ng mommy, kaya walang naging poblema

Simula kasi ng mamatay ang mommy ni Void lagi nalang itong mag-isa kaya sinubukan ng ama na ipaglapit ito sa mga half-brother niya para naman sumaya kahit kunti ang anak

Aria : The One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon