048

147 10 0
                                    

Monique's

"Uy Mo, ayos ka lang?"

Wala ako sa sariling tumango bilang sagot kay Janice.

"Sigurado ka?"

Hindi ako sumagot. Maski ako, hindi ko alam kung ayos lang ba ako.

Dalawang araw na kasing hindi nagpaparamdam sa akin si Otso, maski si Miguel, hindi ko na rin alam kung nasaan. Madalang ko na siyang makita dito sa univ ngayong nakaraang dalawang araw.

At si Wade naman, mukha nga namang walang pakialam sa huling sulat na inilagay ko sa locker niya. Baka nga hindi niya binabasa eh.

"Tungkol ba 'to kay Wade?" tanong muli ni Janice nang hindi ako nakasagot.

"Oo."

I sighed.

"Na-realize ko kasi na ang hirap palang mag-habol sa taong ayaw magpa-huli sa'yo. Sobrang hirap ipagsiksikan 'yung sarili mo sa taong ayaw ka namang tanggapin." litanya ko.

"Sumusuko ka na kay Wade?"

Tumango ako bilang sagot, "Pero ewan ko ba, hindi ako nalulungkot dahil doon. Nawawala na rin 'yung nararamdaman ko sakanya, Janice. Hindi ko alam kung bakit."

Tinapik ako ni Janice sa balikat, "Alam mo kung bakit, ayaw mo lang aminin."

Naguguluhan akong tumingin sakaniya.

"Sige, isipin mo." sabi pa nito bago umalis sa kinauupuan niya at iniwan ako dito sa canteen.

Nu yun?

Monique • j.ww & h.mm Where stories live. Discover now