059

144 9 2
                                    


Monique's

Matiyaga akong naghihintay ngayon dito sa rooftop ng school, umaasang pupunta si Miguel para makausap ako.

It's now or never, aamin na talaga ako sakaniya kahit na anong mangyari.

Napatayo ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng rooftop at doon, nakita ko siya.

Gusto ko siyang yakapin dahil sobra ko siyang na-miss pero kinontrol ko ang sarili ko. Kailangan muna naming mag-usap.

"Gusto mo akong makausap?"

Na-miss ko rin yung boses niya.

Tumango ako at lumapit sakaniya,

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Miguel. Alam mong straight forward akong tao, diba?"

Tumango siya kaya napabuntong hininga ako at napapikit.

Eto na Monique, aamin ka na.

"Miguel, na-miss kita."

Pagdilat ko ng mga mata ko ay kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Miss ko na yung pag kain natin ng jokbal, yung mga tawanan natin, yung pag kuha natin ng litrato sa isa't-isa, yung asaran. Lahat Miguel, lahat."

Nararamdaman kong nag-iinit na ang dulo ng mga mata ko at ang pamumuo ng mga luha rito.

"Miguel, hindi ko alam kung kailan nagsimula pero..."

Napa hikbi nalang ako,

"Miguel, gusto kita."

And there, I've said it.

Pero tila ba binasag ang puso ko nang bigla niya akong talikuran at umalis nalang siya ng rooftop.

He left me.

Monique • j.ww & h.mm Where stories live. Discover now