Epilogue

224 14 4
                                    

Monique's

Narito na kaming lahat sa venue ng reunion. Nagsimula na ang program ngunit ramdam ko pa rin ang mga titig ng isa sa mga kasamahan namin dito sa table.

Nagulat nga ako sa pagdating nila kanina ni Minha. Nagtaka ako kaagad kung bakit sila magkasama pero yun pala, nagkita lang sila diyan sa labas.

Nang dance for all na ay nagkaniya-kaniya na ang barkada. Kaniya-kaniyang aya sa mga jowa at asawa nila.

Kinakalabit ko si Wade para sana isayaw ako pero naka-ngisi lang siya sa akin. Nagulat ako nang biglang may maglahad ng kamay sa harapan ko at nakita ko ang kamay niya.

Isinayaw niya ako gaya ng inaasahan. Tahimik lang kami hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"Kamusta ka na?"

Hearing his voice na ganito kalapit sa akin makes my heart melt. Ganito pa rin talaga ang epekto ng Miguel na 'to sa akin.

"Ayos naman. Ikaw?"

He smiled, "Ayos na rin. I am happy."

He's already happy. Tila ba may naramdaman akong kirot nang sabihin niya iyon. Masaya na siya sa buhay niya.

"Kamusta kayo nung...girlfriend mo sa China?"
Lakas loob kong tanong.

Kita ko ang saya sa mata niya nang mabanggit ko yun. Kita ko rin ang unti-unting pag-silay ng mga ngiti niya.

"We're good. Actually, ikakasal na kamk next week."

Aray. Sakit nun ha.

Siya, naka move on na pala habang ako, umaasa pa rin.

"Monique, gusto ko ulit humingi ng tawad sa nangyari noon. Sorry ha? Alam kong matatagpuan mo rin ang happiness na deserve mo. Thank you sa happy memories nung Senior High."

Ngumiti ako ng pilit sakaniya, "Wala 'yun at oo, napatawad na kita. Pero one last favor sana Miguel."

"Ano yun?"

Imbes na sagutin ko siya ay niyakap ko siya ng mahigpit.

Walang nagsalita sa amin. Ramdam ko rin ang yakap niya pabalik kaya tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ako na ang kumalas sa yakap at tumakbo na ako palabas ng venue. Kailangan kong ilabas lahat tong luha ko. Ayoko namang umiyak sa loob no.

Laking gulat ko nang makita rito sa garden ng venue si Wade na umiiyak din.

"Umamin ka rin ulit kay Minha no?" natatawa kong tanong habang pinapahid ang mga luha ko.

"Oo eh haha pero ayun, para kay Joshua talaga siya eh. Ikaw? Ano nangyari sayo at umiiyak ka?" tanong naman nitong ugok na to habang sumisinghot pa.

"Masaya na raw siya eh. Ikakasal na nga sila next week."

At para kaming tanga na nag-iiyakan dito sa garden. Bff goals ba?

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag-hawak ni Wade sa kamay ko.

"Momo, naalala mo yung deal? Na kapag 25 years old and above na tayo at wala pa rin eh tayong dalawa nalang?"

Natigilan ako sa tanong niya. Nakalimutan ko yun.

"We're both 28 Momo. We're not getting any younger. So, can we try?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Dapat nga ba naming subukan?

Sa mga nakalipas na taon, si Wade ang lagi kong kasama. Siya ang laging nandiyan para sa akin. Para patawanin ako, pasayahin. Lahat. Sinuportahan niya ako sa mga gusto ko sa buhay. Hindi niya ako iniwan.

Hinawakan ko pabalik ang mga kamay niya, "Then let's try. Wala namang mawawala." sagot ko.

Ngumiti siya at lumuhod.

"Hoy, anong ginagawa mo?!" singhal ko sakaniya.

"Deserve mo namang mabigyan ng proper proposal."

Naglabas siya ng bracelet, napakagandang silver bracelet.

"Monique Xi, can you be my girlfriend?"

Naka-ngiti akong tumango, "Yes Wade Kim, I am willing."

Tumayo siya at niyakap ako. Sana naman ay mag-work ito. No, hindi sana.

Mag wo-work ito.

Monique • j.ww & h.mm Where stories live. Discover now