054

134 9 0
                                    


Monique's

Ilang buwan pa ang lumipas at mas naging malapit kami ni Wade sa isa't-isa. Siguro kung may gusto pa ako sakaniya, baka tinake ko na tong opportunity na to para ma fall siya sa akin but nah, mas gusto kong maging kaibigan lang siya. His bestfriend to be exact.

We're inseperable. Hindi kami napapaghiwalay. Tinutukso na nga kami ng barkada pero wapakels lang kami, hindi naman totoo eh.

Sa katunayan, mahal pa rin talaga ni Wade si Minha kahit si Joshua na ang itinitibok ng puso nito. Nagkausap na rin si Joshua at Wade and ayos na sila. Nalaman ko rin na nagkakausap pa pala si Wade at Minha pero bilang magkaibigan nalang din daw.

Hanga rin ako sa emo na to eh, nagawang makipagkaibigan sa ex. Sabagay, sayang nga naman pinagsamahan.

At sa mga nakalipas na buwan, hindi na rin kami nagkakausap ni Miguel. Hindi ko alam, bigla nalang kaming hindi nag-usap. Or should I say, bigla nalang niya akong hindi kinausap. Hindi ko alam kung bakit. Miss na miss ko na siya. Sobra.

"Hoy Momo, tara na. Late na tayo oh."

"Maghintay ka diyan Wade, tsk."

Kinuha ko na ang pinkahuling libro na kailangan ko para sa mga subjects ngayong umaga pero pagkakuha ko nito ay may nahulog na papel mula rito.

Pinulot ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ng sulat....ni Otso.

Sobrang tagal na rin niyang hindi nagbigay sa akin ng sulat. Ngayon lang ulit.

Binalot ng kaba ang dibdib ko nang mabasa ko ang nakasulat.

Gusto na niyang makipag-kita sa akin.

Monique • j.ww & h.mm Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt