Short Story Chapter 1

850 23 0
                                    

Debbie POV

"Girls, nakita nyo ba si Bobby?"

Bumaling ako ng tingin kay Agnes ng itanong niya 'yon. Napangiwi pa ako ng makita ko siyang kinikilig.

Kulang nalang mangisay siya sa sobrang kilig.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi. Nagtatawanan pa kami habang nag lalakad at makikita mo talagang masaya kami.

Well, masaya naman talaga kami. Lalo na kapag nag aasaran.

"Sinabi mo pa, tingin nga ng tingin sa akin" sabi naman ni Betty at parang kinikilig din sya.

Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kaniya na parang may iba siyang sinabi na parang ayaw tanggapin ng utak namin.

Pero wala namang masayang mag assume wag nga lang sosobrahan nakakamatay kasi.

"Gaga, baka akala nya, lechon ka. Baka gutom!" biro naman ni Cherry.

Natawa naman kaming tatlo maliban kay Betty. Tinignan lang kami ng masama ni Betty. Ganito lang talaga kami sanayan nalang yan hindi mabubuo ang barkada kung walang mapang-asar na isa.

"Tama na yan baka magkapikunan na naman kayo. San tayo pupunta?" singit ko naman.

Kase minsan yung asaran nagiging seryosohan kaya minsan nakakatakot din makipag-asaran sa mga to eh.

Pano si Bobby nanaman yung topic nila. Hindi sila mabubuhay kung hindi nila pag uusapan yung tao na yun.

Bakit ba sila patay na patay sa lalaking yun?

Kaninang pag pasok Bobby, Lunch Bobby nanaman hanggang pag uwi ba naman Bobby parin? Hindi ba sila nagsasawa o naririndi man lang?

Jusme! Wala naman akong magagawa dito sa mga kaibigan ko. Crush nila eh. Syempre ako support nalang. Yun lang naman papel ko sa kanila eh charot! Supportive best friend lang talaga ako.

Bakit ba kasi ang lakas ng charm ni Bobby sa mga 'to?

"Puntahan natin si Bobby! Kung saan s'ya dalat nandoon tayo!" sabi naman ni Agnes at mukhang kinikilig pa sya.

Ok, ito nanaman po tayo.

Napapailing nalang ako sa kaniya. Wala naman akong magagawa ang lakas din kasi ng tama nila kay Bobby.

Kung ako yung tatanongin hindi naman gan'on ka-gwapo si Bobby sadyang malakas lang yung dating niya lalo na sa mga kababaihan.

"Gutom na ko, kain tayo sa mall masarap daw ang pizza doon."yaya naman ni Betty habang hinihimas himas yung tiyan niya.

Halatang gutom na nga siya.

Saan ba talaga? Nakakalito na ah.

"Parang lagi ka naman gutom eh. At saka wala namang hindi masarap sayo, basta pagkain gora ka."pang aasar naman ni Agnes kay Betty kaya tumawa nalang kami.

Ano pa bang maaasahan n'yo saamin kapag-asaran? Malamang tiga tawa kami charot!

Si Betty naman inirapan lang s'ya.

"Tama, tapos punta tayo sa book store, bili tayo ng mga book. Balita ko sale daw sila ngayon!" Sigaw naman ni Cherry na nakapag pahinto saamin.

Ang mahilig sa 'hopeless Romantic' saaming apat.

Gusto din daw niya kasing maranasan lahat ng nararanasan ng bida sa mga librong nababasa niya. Hindi naman namin siya masisisi kasi minsan nakakainggit din yung buhay sa libro.

Parang ang perfect kasi ng buhay sa libro hindi katulad dito sa reality na puro problema nalang.

Sa totoo lang ang gulo nila.

The Girl Little Secret (COMPLETED) Where stories live. Discover now