Short Story Chapter 5

358 19 1
                                    

Pip POV

Kakatapos lang ng game namin at nandito ako ngayon sa shower room.

Ako nalang ang naiwan dito, ewan ko ba sa kanila. Nag mamadali silang umalis eh. Si Bobby naman hindi nakapag Practice kasi biglang sumakit yung paa kaya kanina pa sya naka uwi.

Grabe nakaka bingi yung katahimikan. Wala naman sigurong multo dito 'no? Nako subukan niya lang magpakita saakin kung meron nga talaga. Ipakita ko lang naman yung mukha ko bagsak na 'yon. Hindi naman sa natatakot siya sa mukha ko baka ma-inlove pa siya sa sobrang gwapo ko.

Natawa nalang ako dahil sa mga naiisip ko.

Siguro kumanta nalang ako, tama. Wala naman sigurong makakarinig saakin dito kasi ako nalang mag isa dito.

"Heto ako Basang basa sa ulan... ♫"

Nilagyan ko ng shampoo yung buhok ko at kinuskos ko 'yon sa  buhok ko.

"Walang masisilungan... ♫"

Aaminin ko panget yung boses ko pero sana wag namang umulan. Wala akong dalang payong at kakaligo ko lang kaya sana wag naman.

Hindi naman siguro uulan yan. Hindi naman totoo na kapag kumanta yung panget yung boses uulan agad. Ang OA naman no'n at ang sama pa!

"Walang malalapitan...♫"

"May malalapitan ka Pip. Friends mo kami kung makikisama ka." agad akong nagulat dahil sa biglang may nag salita.

Pota! May multo nga yata!

Bigla naman akong kinabahan kasi ako nalang ang mag isa dito. Di kaya multo yun? Wag naman sana hindi pa ako tapos maligo oh! Wag naman ngayon. Mahal ko pa buhay ko hindi pa ako handang mamatay, hindi pa ako handang makita ulit si Mama.

Ang mahirap pa do'n boses babae 'yon.

Di kaya white lady 'yon? Pota ayoko!

"May libre ka pang meryenda at sagot ko lahat ng book report mo."

Teka parang familiar saakin yung boses na yun. Bakit may babaeng naligaw dito? Ang pagkakaalam ko male's shower room 'to. Bakit may naligaw na boses babae?

"Pati project sa chemistry, biology, botany at literature."

Pota! Lahat? Ang talino naman ng multo na 'yon!

Pero teka! Familiar nga saakin yung boses nila.

"Bibigyan ka pa namin ng ₱1000."

Pera? 1000? Pota ang laking halaga no'n! Pera din 'yon!

Pero sino naman kaya sila—Tama yung apat na panget, sila nga.

Nagulat ako ng biglang hinawi nila yung kurtinang nag sisilbing panakip o pinto.

Sa sobrang taranta ko ay napatakip ako sa maselang bahagi ng katawan ko. Mahirap na kapag may nakita sila. Babae pa naman silang apat.

Hindi nga ako nag kakamali dahil silang apat mismo yung tumumbad saakin ng tuluyan ng nahawi yung kurtina.

"Aba? Friends na tayo! Kung gan'on!" Mabilis kong sigaw.

Hindi naman sila nakatingin saakin dahil nasa ibang direksyon sila nakatingin. Mabuti na 'yon baka may makita silang anaconda eh. Mahirap na!

"Talaga? Promise?" paninigurado ko.
"Ano ba ang dapat kong gawin?" nahihiya kong tanong kasi wala akong suot na kahit ano ngayon.

Tapos babae pa sila! Anak ng ibon na buntis naman oh!  Ano nang  mangyayari saakin nito? Babae sila, BABAE!

                          °•°•♡•°•°

The Girl Little Secret (COMPLETED) Where stories live. Discover now