Short Story Chapter 2

441 23 0
                                    

A/N: Kung double sa inyo yung by Chapters I'm sorry kasi nagloloko yung watty eh. Parang yung jowa mo, haha peace tayoo labyu all.

--

Bobby POV

"Ano? Wala ka pa ring date sa prom? Bakit? Ikaw na pinakapogi sa school wala pang date?" pang aasar ni Pip.

Hindi ko nga din alam eh. Wala pa akong ka-date sa prom at nahihirapan parin akong pumili hanggang ngayon.

Halos lahat na yata ng maganda dito sa school namin ay naka-date kona. Kaya ito ako namomoblema sa makaka-date ko.

"Wag kang maingay Pip, nakakahiya. Wala pa kasi akong napipili. Marami ngang maganda sobrang arte naman at puro mahihina pa ang ulo." paliwanag ko sa kanya habang sinasara ang zipper ng pants ko.

Nandito kasi kami sa cr. Yes, cr men! Para din kasi kaming babae nito si Pip kung makapag usap abot hanggang cr.

Naiinis ako sa mga babae dito sa school namin kase ang aarte at ang hihina pa ng ulo parang sinadya talagang i-double kill sila.

Mahina na nga ulo ang aarte pa kaya ang hirap pumili ng partner sa prom.

"Edi para maiba, pumili ka sa isa sa apat na panget ng school. I'm sure mas gaganda image mo pag nakipag-Friends ka di lang sa beauty, pati sa ugly!"

Humalakhak siya dahil sa kalokohang sinasabi niya. Pati tuloy ako nahawa nadin kaya napatawa nalang ako.

Nag lalakad na kami sa Hallway at ewan ko kung saan kami pupunta ngayon.

"Sigurado ka ba sa idea mo, Pip? Baka naman palpak yan? Kawawa naman yung grupo na yun pag tinuloy ko yung plano na sinasabi mo?"

"Kawawa? Mas matutuwa nga sila kasi binigyan mo sila ng pansin. Tataas ang tingin nila sa sarili nila at pagkatapos noon, mas magiging open sila"

May point ka diyan pero kasi—basta!

"Sabagay, pero sino sa kanilang apat ang liligawan ko? Si Agnes? Si Betty? Si Cherry? O si Debbie? Ang hirap yata pumili kung sino sa kanila?"

Sobrang hirap!

"Si Agnes, Matalino, magaling kumanta, morena!" describe ni Pip kay Agnes.

S'ya nga yung top 1 sa klase. At narinig kona rin s'yang kumanta at sobrang ganda talaga ng boses n'ya.

Kung anong kina ganda ng boses n'ya ay yun naman yung kina panget ng mukha n'ya.

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang s'yang mag salita.

"Si Betty naman, Chubby, mahilig kumain at mahilig kumain. Parang ubos ang allowance mo pag si Betty ang niligawan mo." natatawang sabi ni Pip.

Yeah. Tama siya. Kung kumain ang isang 'yon kala mong hindi nakakain ng isang buwan.

"Pag si Cherry naman, super hopeless Romantic yun." ngumiti pa s'ya saakin bago bumalik sa pagsasalita. "I'm sure, maghahangad yun ng happy ending. Delikado baka pikutin ka noon." iiling iling pang sabi ni Pip.

May bigla namang pumasok sa isip ko. Nakita ko si Cherry na naka suot ng wedding gown at may hawak na baril.

Ang sama ng mukha n'ya at sabi nya.
"Bobby! Lumabas ka pakasalan mo ako!"

Bigla naman akong kinalibutan sa inisip ko. Parang ayaw ko na tuloy.

"Pag si Debbie naman, para kang laging may kaharap na sugat. Nagta-travel ang band aid sa mukha"

Bigla ko namang naalala nung mga buwan na nakikita ko si Debbie na ang daming band aid sa mukha. Kakadiri.

"So, sino na ang napili mo sa apat?" tanong ulit ni Pip.

The Girl Little Secret (COMPLETED) Where stories live. Discover now