Short Story Chapter 4

370 19 3
                                    

Debbie POV

Nagulat ako ng biglang may kumatok kaya nabitawan ko ang aking ginagawa at pumunta ako sa pinto. Si Nanay 'to panigurado, ano kayang kailangan ni nanay?

Bahagya kong binuksan yung pinto at bumungad saakin ang aking ina pero bakit parang may mali? Bakit parang kinakabahan si nanay? Anong meron? Anong nangyayari? May nangyari bang masama? Bakit ganiyan yung itsura niya?

"Nay, bakit po?" Kunot noong tanong ko. “bakit ganyan itsura mo? May nangyari ba?” nag aalala kong tanong.

Sa totoo lang nag aalala na ako dahil sa itsura ni nanay na parang may malaki siyang problema.

"Nandiyan sa sala ang mga kaibigan mo, gusto ka raw makausap." sabi ni nanay na nakapag patigil saakin.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Para bang dinikitan ako ng glue do'n. Bahagya din akong nagulat pero napalitan din iyon ng kaba.

Bakit sila nandito?

"Ano kaya ang sad'ya nila Nay?"

Kinakabahan talaga ako. Lalo na ngayon na bigla nalang sila kung pumunta. Wala naman akong natatandaan na pinapapunta ko sila dito.

Anong gagawin nila dito?

"Harapin mo na para malaman mo." sa tono ng pananalita ng aking ina ay parang nawawalan na s'ya ng pasensya.

Natatakot ako hindi dahil sa mga kaibigan ko. Natatakot ako na baka magalit o magtampo sila saakin.

Natatakot ako na baka kung anong sabihin nila saakin.

"Kinakabahan ako, Nay. Sobrang Kinakabahan ako."

Kinakabahan talaga ako at parang hindi ko pa sila kayang harapin ngayon.

Sana lamunin na ako ng lupa ngayon na.

"Kaya mo yan, Anak. Kinaya mo nung nagtago ka. So, dapat mas kayanin mo ngayon dahil sasabihin mo na sa kanila."

Tinapik ni Nanay ang aking balikat at bahagya pa syang ngumiti.

Anong gagawin ko? Tatakasan ko ba sila? Pero paano? Natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari.

Naunang bumaba ang aking ina at mga ilang minuto lang ay bumaba na din ako.

Mula sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko yung mga kaibigan ko na naka upo sa sofa.

Ano kayang sinad'ya nila?

Hindi naman kasi sila pupunta dito kung hindi importante.

Nung nakita nila ako ay sabay sabay silang napatayo.

Ang sama ng tingin saakin ni Cherry at Betty samantalang si Agnes ay binigyan ako ng nagtatakang tingin.

Bakit ganiyan kayo makatingin?

Lupa, kainin mo na ako ngayon din!

"Mag sabi ka ng totoo sa amin." panimula ni Agnes.

Sa hindi ko maintindihan bigla nalang akong kinabahan at parang umurong yung mga dila ko.

"May inililihim ka ba sa aming mga kaibigan mo?" tanong naman ni Betty at binigyan nanaman ako ng masamang tingin.

Ito na 'yon! Siguro ako ito na nga 'yon! Relax, Debbie. Sabihin mo lang yung totoo.

"Kung talagang kaibigan mo kami, hindi ka maglilihim."

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.

Sorry! Nag sisisi na ako!

The Girl Little Secret (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon