Short Story Chapter 7

381 19 0
                                    

Debbie POV

"Wala ka tuloy partner, friend!" sigaw ni Agnes ngitian ko naman s'ya.

Hindi ko kailangan ng partner ang kailangan ko ay yung taong totoo at kahit kailan hindi ako o kami huhusgahan.

Aaminin ko natakot ako. Natakot ako sa maaring kalabasan no'n. Natatakot ako na baka magalit saakin si Bobby. Pero sa tingin ko mas okay na 'yon. Kesa naman pabayaan ko lang siya sa mga plano niya at isa na do'n ang lait laitin kami.

Oo alam naming pangit kami pero kahit kailan hindi naman hinusgahan yung taong magaganda ang mukha.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay malungkot at may pag aalalang nakatingin saakin.

Ngumiti akon at niyakap sila. Hangga't nandito pa ang mga kaibigan ko hindi ko kailangan ng kahit na sino dahil kontento na ako sa mga kaibigan ko.

Magiging masaya din ako ngayon basta kasama ko yung mga kaibigan ko. Hindi ko need ng ka-partner hangga't kasama ko sila masaya at kontento na ako.

"Oo nga!" sabi naman ni Betty.

"Hayaan mo na. Okay lang yun." nakangiti kong sabi sa kanila. “hindi ko naman kailangan ng partner eh. Pwede ko namang i-enjoy 'tong party na'to kasama kayo, kaya bakit maghahanap pa ako ng ka-partner?”

“Aww! Ang sweet naman! I love you all!” sigaw ni Agnes at nagyakapan kaming apat.

"Pero teka! Wait! Look!" sigaw ni Cherry at napatingin naman kami sa tinuro ni Cherry.

Laking gulat namin ng makita naming ang daming nakapila ng kalalakihan sa tagiliran namin.

Anong meron?

Pilahan na ba para kumuha ng pagkain? Pero hindi dito, sa kabila 'yon.

Mukha ba akong pagkain?

"Ang daming nakapila para isayaw ka Debbie! Hanga silang lahat sa ganda mo! Buti ka pa!" masaya pero hindi mawawala yung lungkot sa tono ni Cherry.

Nalulungkot din tuloy ako.

"Oo nga, kakainggit ka! Nakapila sila para sayo." malungkot na sabi din ni Agnes.

"Nag mumukha tuloy kaming mga alalay mo." malungkot din si Betty.

"Sa amin kayang tatlo, may mag aaya din kayang sumayaw saamin?" nag aalinlangang tanong ni Cherry

Nakaramdam ako bigla ng awa at lungkot sa kanila. Hindi nila magawang makihalubilo sa iba dahil sa itsurang meron sila bakit ba ang unfair ng mundo?

Bakit sa mga taong hindi maganda yung ugali nila binibigay yung gandang hinahanggad ng iba at hindi doon sa mga taong mabubuti?

Hindi  kasi nakikita ng iba yung kagandahang meron sila.

Panget man sila sa panlabas ng anyo maganda at busilak ang kanilang mga puso.

Nakakainis lang yung mga tao sa piligid. Masyado silang mapang lait at mapang husga. Kahit hindi nila kakilala yung tao basta makita lang nilang panget aayawan na nila.

Ngumiti ako sa kanila para hindi sila malungkot.

"Sure ako na meron. Kasi, di ako makikipagsayaw sa kanila, kung di nila kayo isasayaw." nakangiti kong sabi.

Hinding hindi talaga ako makikipag-sayaw. Hihintayin ko munang may mag aya sa tatlo bago ako makipag sayaw.

Kumislap naman yung mga mata nila dahil sa saya.

Gusto kong makita silang masaya at maranasang maging isang normal yung walang iniintindi sa mukha.

Maya maya lang din ay may nag ayang makipag sayaw sa kanilang tatlo kaya nakipag sayaw na din ako.

The Girl Little Secret (COMPLETED) Where stories live. Discover now