Chapter 1

127 19 7
                                    

Nanigas ako, hindi makagalaw ni dulo ng aking daliri.

Paano niya nasasabing siya nga ang aking kapareha? Na para bang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasambit.

"Kamahalan.." Alma ni Sehira.

Galit at hindi pagtanggap ang nakikita ko sa mata nito, nahulog na ba siya sa lalaking ito?

"Kamahalan, mawalang galang na, ngunit kalapastanganan ang pagtanggi ng iyong kapareha, ikaw na ang nagsabi. Ako ang sugo ng mga dyosa, ako ang nakakabasa ng mga itinkadang magkapareha, ngunit bakit ayaw mong paniwalaan na si Sehira ang iyong kapareha at hindi si Cleo?"

"Cleo.. napakagandang pangalan.." Bulong nito na siyang ikinataas ng balahibo ko.

Bakit kapag siya ang bumanggit ng pangalan ko nag-iiba ang pakiramdam ko?

"At bakit mo rin ipagpipilitan na siya nga ang para saakin? Kung hindi ko naman madama ang aming koneksyon?" Sa pagkakataong ito'y lumapit na saakin ang lalaki, ang kaninang distansyang inilagay ko ay nawala.

"Ngunit dama ko ang ating koneksyon, kamahalan. Ako ang iyong kapareha at hindi si Cleo, ako ang nakatakda sa'yo, ang nababagay sa'yo." Dito na lumalim ang gitla saaking noo.

Tila ba desperada na si Sehira sa lalaking ito sa tono ng kanyang pananalita.

Ngunit kung siya ay desperadang makasama habang buhay ang lalaki, ako naman ay desperadang makalaya sa kamay ni pinunong Takara.

"Pinunong Takara, labing-apat na araw pa ang mula ngayon ang nakatakdang araw upang malaman ko kung sino ang aking kapareha, iyon ang inyong sinabi. Ngunit bakit tila siguradong-sigurado ka na nasi Sehira nga ang aking kapareha?" Nawalan ng kulay ang mukha nito, natumbok ng lalaki ang kanyang punto.

"M-mawalang galang na, ngunit bakit hindi na lamang natin intayin ang ika-labing apat na araw na inyong sinasabi upang malaman natin ang katotohanan?"

"Sang-ayon ako." Tiningnan ko ang dalawa.

Kapwa matigas ang anyo ng dalawa, ngunit kung hindi mo tititigang maigi ay hindi mo malalamang may kakaiba sa sinasabi ng kanilang mga mata. Takot na hindi ko mabatid kung kanino o saan.

"Sa oras na malaman kong si Cleo nga ang aking kapareha, dadalhin ko siya saaking palasyo. Kakalimutan niya ang nangyari dito, ang mga kasamahan niya. At ipadadala ko sa mga dyosa ang mensaheng nagsinungaling ang kanilang sugo." Muling nawalan ng kulay ang mukha ni pinunong Takara. Alam kong sa oras na malaman ng mga dyosa na nagsinungaling ang kanilang mensahera ay siguradong higit pa sa kamatayan ang ipapataw dito.

"S-sige. Sang-ayun ako, ngunit kapag si Sehira nga ang iyong kapareha. Baba ka sa iyong panunungkulan bilang ikatlong prinsepe." Napaawang ang labi ko.

Tila napakalaki naman ng hinihinging kapalit ni pinunong Takara.

"Sang-ayun ako." Pare-pareho kaming nagulat sa sinagot nito.

"K-kung gayon ay tayo na't lumabas ng silid na ito." Kapwa na tumalikod ang dalawa.

"May isa lamang akong katanungan Takara."

Binalot ng katahimikan ang buong kapaligiran.

"Bakit mo pinapatawan ng ganito ang mga kauri mo? Bakit ang lumang strafe na ginagawa lamang sa mga dyosa ang ipinapataw mo sakanila? Idagdag mo pa ang di-pangkaraniwang kadena na ito."

"Kamahalan, hindi ba't panghihimasok na ang iyong ginagawa?"

"At bakit hindi kayo tumira sa Laeino? Hindi ba't doon ang imperyo ng mga mangkukulam? Bakit naririto kayo ngayon, nagkukubli sa mga nagtatasaang puno? Sa mapanganib na gubat at malayo sa ibang tao?"

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now