Chapter 5

68 7 5
                                    

"Ni minsan ba ay nakadarama ka ng galit sa kamahalan?"

Umihip ang malakas na hangin, tila'y nakikisama sa aking nadarama. Ang tahimik na kapaligiran at ang huni ng mga ibon na patuloy umaalingawngaw sa buong kagubatan, ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam saaking tyan.

Tila kung sumayaw ang mga puno sa daloy ng hangin ay animo'y hindi mababakasan ng panganib, na hindi nakasaksi ng maraming pangyayari sa nakalipas na taon.

"Alam mo ba kung gaano kahiwaga ang kagubatan ng Binnevia?" Umiling lamang ako.

"Kasing hiwaga ito ng biglaang pagkawala ng dyosa ng lahat. Ito ang nagkukubli sa pinakatatagong kayamanan, ang Binnevia." Kunot ang noong nilingon ko ito.

"Anong ibig mong ipahiwatig, Lovisa?"

"Alam kong batid mo na ang ibig kong ipahiwatig, Cleo. Ngunit ikaw, batid mo ba ang iyong nadarama?" Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko nais pag-usapan, Lovisa. Alam mo ang sagot ko riyan."

"Bakit kailangan mong itanggi, maaari mo namang aminin, Cleo.."

"Buhay ang gubat." Ngumisi ito saakin.

"Kahit kailan talaga, napakatalas ng iyong isipan."

"Bakit hindi mo sagutin, Cleo? Napakatagal ko ng naghihintay ng iyong sagot."

Pamilyar ang boses, hindi ko na kailangang lingunin pa.

"Kamahalan." Tumindig ako ng maayos, saka lumapit sa ilog. Hinubad ko ang saplot ng aking paa saka ito inilublob.

"Oo, Lovisa. Hindi sana magugulo ang aking tahimik na buhay kung hindi siya naligaw sa Binnevia. Nagsisisi akong nakikilala ko siya."

Pumikit ako at dinama ang agos ng tubig, hindi mainit ngunit hindi rin malamig. Katamtaman lamang ang temperatura ng tubig.

"You should've asked more, Lovisa. You knew he will get hurt with her answers." Dumilat ako at tinitigan si Lucia.

"Nagsasabi lamang ako ng totoo, Lucia."

"Alam mong nakamasid siya, Cleo."

"I don't care, I just said the truth. No harm done."

"T-teka lamang sandali, hindi ko kayo maunawaan." Nagpapalit-palit ang tingin saamin ni Lovisa.

Muntik na akong mapatampal sa noo. Naalala kong ako lang pala ang natutong magbasa at magsalita ng Ingles.

"Anong gusto mo? Magsinungaling ako?"

"Hindi sa ganun, Cleo.."

"Lovisa, kung totoo ngang buhay ang gubat. Ibig bang sabihin nito matagal na tayong napagmamasadan?"

"Cleo, ang iyong ksasuotan. Nababasa na ng tubig.."

"Sagutin mo ang tanong ko."

"Tama ka sa lahat ng bagay, Cleo alam mo iyan."

"Ibig sabihin ay naglihim ka saamin."

"Cleo hindi sa ganoon, oo matagal ko ng alam ang tungkol sa kagubatan. Ngunit hindi ko lamang ipinapaalam dahil baka inyo itong katakutan. Ginagabayan lamang niya tayo."

"Gaano ka kasigurado sa iyong sinasabi, Lovisa? Kung totoo man iyan, bakit hinayaan niyang makita ng kamahalan ang Binnevia? Bakit kailangan niyang guluhin aking buhay?"

"Cleo.."

"Hindi ko minsan ninais na makita ang mundo sa labas ng Binnevia. Ni minsan ay hindi ako naghangad na mapatakan ng dugo ng maharlika."

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now