Chapter 3

70 9 5
                                    

"Bakit hindi ka rin maglagay ng kolorete sa mukha, Cleo? Bakit hindi mo gayahin ang iyong matalik na kaibigan?"

"Berde ang kulay ng balat ko, kamahalan. Sa tingin mo ba ay lilitaw ang kolorete saaking mukha? At huwag mo akong itulad kay Sehira, sadyang napakalayo ng agwat naming dalawa." Simula ng dumating ang kamahalan dito sa Binnevia, kailanman ay hindi na ako kinausap ni Sehira ng walang pasaring o pagtataray.

Mali bang ako ang kinukulit ng kamahalan? Kahit ano namang gawin ko hindi niya ako lulubayan.

"Ikaw ba ay nagseselos, Cleo? Huwag kang mag-alala mahal na prinsesa. Natikman mo na ako, kung kaya't saiyo na ako." Nais kong lamukusin ang nakangisi nitong mukha, sadyang pinaalala niya pa talaga saakin ang nangyari sa sala.

"Maaari bang lubayan mo ako maski isang minuto, kamahalan? Malapit na kitang bigwasan." Tumawa lamang ito.

Akala niya ba'y natutuwa ako sa pagmumukha niya? Sa pang-ma-manyka niya saakin? Bakit hindi nalang si Sehira? Paniguradong matutuwa iyon at hindi na ako kagagalitan.

"Ikaw lang ang gusto kong kulitin, bastusin at manyakin, mahal na prinsesa."

Hindi ko na lamang ito pinansin saka itinuloy ang paglalagay ng mga kasangkapan sa loob ng karwahe.

"Cleo.."

Ngayong gabi kasama akong magtutungo sa pamilihan upang ibenta ang mga kasangkapang gawa sa putik, bawat gabi ay may isa sa amin ang inaatasang magpunta sa pamilihan.

"Mahal na prinsesa.."

Pagkatapos kong mailagay ang mga kasangkapan, kakain muna kami ng hapunan saka na kami tutulak papuntang pamilihan.

"Mahal kong prinsesa."

"Kamahalan, itikom mo na lamang ang iyong bibig kung ayaw mo akong tulungang magbuhat."

"Mas nais kitang panuoring pagpawisan habang nagbubuhat ng mabibigat na kargada, Cleo. Mula noo, pababa sa pisngi hanggang saiyong leeg, mahal na prinsesa."

"Napakabastos talaga ng iyong mga labi, kamahalan. Sumasambit ng mga hindi kaaya-ayang mga salita." Buong pwersa kong itinulak ang huling kargada sa loob ng lumang karwahe.

"Cleo, oras na ng ating pagkain." Tinanguan ko ang kararating lamang na si Via.

Hanggang ngayon ay hindi ko maapuhap kung bakit iniiwasan ako ng dati kong kaibigan, kakaiba rin ang ikinikilos niya kanina, panay ang tingin saakin ng masama. Idagdag mo pa na naglagay siya ng kolorete sakanyang mukha na hindi naman niya ginagawa dati.

"Sasabay ako sainyong hapunan, Cleo. Nais kong panuorin kung papaano ka kumain." Kumunot naman ang aking noo.

"Walang kakaiba sa uri ng aking pagkain, kamahalan. Bakit kailangan mo akong panuorin?"

"Heto ang pamunas, Cleo. Ika'y naliligo na sa pawis." Kinuha ko ang inabot na panyo ni Via.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng kaharian.

"Hintayin niyo ang kamahalan! Wala kayong galang!"

Hinarap ko si Via.

"Huwag mo siyang pansinin, Via. Kumakalam na ang aking sikmura, kaya niyang maglakad mag-isa."

"Cleo!!"

Kapwa namin binilisan ni Via ang paglalakad at iniwan ang nagmamaktol na kamahalan.

Narating namin ang silid hapag-kainan kung saan ang mga kapwa ko mangkukulam ay naabutan naming naglalagay na ng mga pinggan sa lamesa. Sakanila nakaatas ang pagluluto dahil sakin na nakaatas ang pagdadala ng mga kasangkapan sa pamilihan.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now