Chapter 13

42 6 0
                                    

"P-papaanong, alam mo? Hindi ba't naririto ka sa Laeino ng mga oras na iyon?" Hindi ko maunawaan, wala akong binanggit na anumang pangyayari sakanya, maski kay Via at Lucia.

Muli itong napayuko.

Napasinghap ako sa naisip.

Hindi, hindi maaari. Paano?

"Patawad muli, Cleo. Ako, ako ang naghagis ng punyal na iyon." Dinig ko ang pagsinghap ng mga ito.

Dahan-dahan kong inilabas mula saaking kasuotan ang punyal at ipinatong sa lamesa.

"Papaanong nangyaring napunta iyan sa babaeng nakasagupa namin noong nakaraang araw? Kung gayung ikaw ang naghagis ng punyal." Naalala kong binitawan lamang ni Euzelia ang punyal sa paanan ng puno matapos nito iyong bunutin saka ito tumakbong paalis.

"H-hindi ko alam, wala na akong nalalaman, Cleo. Maniwala ka saakin." Nagsusumamong saad nito.

Nagtangis ang aking bagang, dama ko ang unti-unting pagkalat ng init saaking katawan. Nagliliyab, nagliliyab ako sa galit.

Huminga ako ng malalim habang unti-unti kong nadarama ang panginginig ng ang aking katawan, hindi ko nais na magalit. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Tumalikod ako sakanila habang pinapahinahon ang aking sarili, iba akong magalit. At hindi ko gustong makita nila iyon.

"Cleo, huminahon ka. Nagiging pula ang iyong buhok." Napasulyap ako saaking buhok, dahil din ata sa Eclipse kaya nag-iiba na ang kulay ng buhok at mga mata ko.

Humarap ako sakanila, blanko ang pinakita kong emosyon. Walang maidudulot na maganda ang paghahari ng galit sa katawan.

"Galit ka pa rin." Pahayag ni Erela.

"Kulay pula pa rin ang iyong buhok, wala ka ng pinagkaiba sa isang dyosa, Cleo. Ngunit ang dyosa ay umiiyak ng dugo, pero ikaw, tubig pa rin ang luha mo." Sinulyapan ko siya.

"Madali na akong mababasa, ganun ba?" Marahan itong tumango.

"Ngunit may paraan upang itago ang totoo mong nararamdaman." Hinarap ko si Lovisa.

"Kung alam mong ang Ina ko ang puno na iyon, bakit mo siya sinaktan?" Mariin ang bawat katagang saad ko.

"Cleo, nais ko lamang malaman mo ang totoo tungkol saiyong sarili, hindi maaaring madiskubre mo pa ito sa oras ng laban. Delikado iyon, Cleo. Malalaman ng buong mundo ang tungkol sa unang eclipse. Gagawin nila ang lahat upang agawin ang kapangyarihan mo." Hinawakan nito ang dalawa kong kamay.

"Nais ko lamang protektahan ka, Cleo. Maniwala ka saakin, hindi ko alam kung papaanong napunta sa babaeng nakasagupa niyo ang punyal."

Hindi iniligaw ng kagubatan ang babaeng iyon, kung gayun ay mabuti ang kanyang puso? Ngunit bakit niya kinuha ang punyal, paanong hindi ko siya nakita at naramdaman?

Ngumiti ako kay Lovisa.

"Naniniwala ako saiyo, Lovisa. Oras na para buksan ang talaarawan ni Takara." Humakbang kami palapit sa lamesa.

Lumunok ako at sinuyod ng tingin ang bawat isa, tumango ang mga ito saakin. Ibinalik ko ang tingin sa libro saka ito hinawakan.

Dahan-dahan ko itong binuksan.

Natigilan ako ng mabasa ang nakasaad sa unang pahina.

Ang pahayag na binitiwan saakin ng dating pinuno bago siya malagutan ng hininga.

~Iyong hagkan ang korona,

Higpitan ang tali sa bawat kasama,

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now