Ch 5: Throwback Part 4

3 2 0
                                    

Genna's POV

Habang naglalakad kami papunta sa bus pauwi ay yakap-yakap ko ang stuff toy na binili ko para sa kapatid kong cute. Sana magustuhan ito ni Daine-taba.

Nang makarating na kami sa bus ay agad akong umupo at sumilip sa bintana, nang makita ko si Airron na may hawak na isang medium sized na pig stuff toy na siguro napanalunan nya sa isa mga skill games sa EK kasama ang tatlo nyang tropa.

Agad ko silang sinundan ng tingin hanggang makasampa sila sa bus namin.

Agad silang umupo sa kanya-kanya nilang seats.

"Ron, bat baboy ang pinili mo? Ha!" Asar ni Michael.

Ngunit natawa lang ito sa kanya.Hays! Bakit nga ba? Wait?! Ako ba yung tinutukoy nilang baboy? Aba iba ah!

Para libangin kami sa mahaba-habang biyahe, binuksan ni ms Sandy ang videoke ng bus at nagtanong kung sinong gustong kumanta. At dahil sobrang talented ng mga kasama ko ayun unahan sa mic. At ang unang kumanta ay si Prince na section Bohr at ang kinanta nya ay I'm yours by Jason Mraz. Hays! What a great song!

Habang kumakanta si Prince nung nasa part na sya na "I'm yooouuurss..." Bigla akong napatingin kay Airron at nakita ko rin s'yang nakatitig sakin. Gosh! is this purely a coincidence? I wish not.

After hours of trip, finally we arrived at our school.

"Teachers and students, thanks for trusting Drascon Travel Tours with your field trip and I hope you had a lot of fun. I hope to see all of you again on your next trip. You may now leave the bus. Sabi ni ms Sandy.

Pagkababa naming lahat, kanya-kanyang punta ang mga classmates ko sa mga sundo nila. Ngunit dahil busy sila mama at kasama ko naman ang mga kapitbahay ko na classmates ko ay sabay sabay nalang kami uuwi.

Nang bigla kaming alukin ni Airron ng sakay.

"Genna,sabay nalang kayo samin, ihahatid nalang kayo ni papa gamit yung kotse namin" sabi ni Airron. Gosh! I can't believe that he offered us a ride.

Ngunit dahil malapit lang naman ang house nila Airron from school, tumawag ang papa nya para sabihin na hindi sya nito masusundo dahil mago-overtime ito sa work.

"Mukhang hindi na ako masusundo ni papa eh" sad na sabi ni Airron samin.

"It's Okay, we're already grateful that you offered us a ride. Don't feel bad about it." Sagot ko sa kanya.

At ayun habang kami ay sumakay sa tricycle diretso samin, sila naman ay nag jeep nalang dahil malapit lang naman ang house nilang magtrotropa.

Airron's POV

Kinabukasan, hindi ako pumasok sa school dahil napag-usapan naming magtrotropa na huwag munang pumasok dahil wala namang gagawin dahil kaka-field trip lang kahapon.

At nalaman ko sa kaibigan ni Genna na si Mia, na hindi rin daw sila makakapasok dahil sa pagod.

Matapos ng isang araw na pahinga, pumasok na ako school at dahil mabait akong estudyante ay maaga akong pumasok dahil may bibilhin ako sa convenience store malapit sa school namin.

Pero sa totoo, tatambay lang ako. Inum-inom ng Slurpee. Hahahahah

Matapos kong ubusin ang Slurpee kong iniinom, agad naman akong bumili ng Coke na iinumin ko naman habang naglalakad ako patungong school.

Maaga akong nakarating sa school. Sa room namin halos pito palang kami.
Hindi maiwasan ng mga cute kong mata na tumingin sa pinto. Pasok kaya si Genna? I miss her. At dahil wala pa sya di ko rin maiwasang sumimangot.

Fancy Fates: Almost Us (On-going)Where stories live. Discover now