Ch 6: Throwback Part 5 (Our Parting)

4 1 0
                                    

Genna's POV

Sa school covered court namin ginanap ang Recognition Day. Sa stage nito ay may banner na nakalagay " Centan High Recognition Day " at ang daming design ng buong stage, halatang pinaghandaan.

Sa left side uupo ang mga students at  sa right side naman ang mga parents.

So ayun, magkatabi kami. Yiee!
Sabay kaming umupo sa seats namin pagkatapos ng pagkanta ng Lupang hinirang.

Habang naghihintay kami para tawagin ang aming mga name, nagkwentuhan at nagtawanan muna kaming dalawa.
Matapos kaming maaabutan ng medalya ay agad kaming bumalik sa aming upuan.

"Genna, dala mo cp mo? Pahiram ako." Sabi sakin ni Airron.

"Oh ito, ano bang gagawin mo? Wala akong load ah." Pabiro kong sabi.

Sabay nakita ko syang naglalaro ng Subway surfers na nakangiti, and that  already made my day. Ang gwapo nyaaaa!

Halos lowbatt na nang ibalik nya to sakin. Hays

"Cp mo, salamat!" Sabi nya sakin.

"Cge na nga, kahit lowbatt na" sabay tawa ko.

Matapos mabigyan lahat ng medalya ay nag-announce si ma'am Rosales na sa April 7 ang moving up at sa May 20 naman malalaman ang mga sections para sa next school year at pagkatapos nito ay maaari nang umuwi Yes! Ang init kasi sa court eh.

At makalipas ang halos isang linggo, April 7 na, kaya gumising ako ng maaga at kaagad naligo at pumunta sa school para sa moving up ceremony.

Nang makarating ako dun, marami na ang tao kaya kahit na subukan kong hanapin si Airron ay hindi ko sya makita.

Airron's POV

During the moving up ceremony.

Asan na kaya si taba? Pupunta ba yun? Tanong ko sa sarili.

Hanggang sa matapos ang ceremony,hindi ko man lang sya nakita.

Nakakamiss sya, isang week ko ba naman syang hindi nakita. I missed you taba!

Dumaan halos ang isa't kalahating buwan pero ayun nasa isip ko parin si Genna, kahit na nagbakasyon kami sa Pangasinan.

At dahil sa bilis ng mga araw, agad namang dumating ang May 20, finally makikita ko na ulit sya.

Maaga akong pumunta sa school upang makita ko agad ang section ko pati ni taba.

*Section List*

Grade 8 Jose Rizal
-etc (wala yung name ni Genna at Airron)

Grade 8 Andres Bonifacio
Boys
-
-
-
Airron Avino
Etc

Girls
-
-
-
-
Genna Rozano
-etc
Niceee! Classmates parin kami ni taba.

Maya-maya ay dumami na ang mga tao.

Nang bigla akong nilapitan ng mama ni Genna. Ay hello po tita sa isip ko kaso nahihiya ako.

"Airron, tama diba? Sabi ng mother nya.

Kilala ako ng mama ni Genna nang minsan kaming gumawa ng project sa bahay nila na which is first time ko ring pumunta sa bahay ng classmate ko.

Nagnod nalang ako.

"Anong section mo? Nakita mo ba section ni Genna?" Tanong ng mom nya ulit sakin.

Sa isip ko, Opo! Classmates pa nga po uli kami eh, kaso nahiya ako.

"Section Bonifacio po ako at di ko po nakita eh."  Sabi ko kahit nakita ko naman. Baka kasi pag sinykong magclassmate kami isipin ng mama nya na hinanap ko yung name nya para malaman. Matalino kaya ako no!

Fancy Fates: Almost Us (On-going)Where stories live. Discover now