5th Chapter

72 4 0
                                    

SWEET CHOCOLATE

Two days, 42 hrs, 2520 minutes na kaming hindi nagkakasama...

Ang drama ko lang diba, mala-SDTG ang dating haha. OA ko na.

Pero seryoso, 2 days na kaming hindi nagkakasama. Nagkikita kami sa school pero may iba na siyang kasabay... Si Jica.

'Di tulad dati, sinasabi niya pa sa'kin tuwing hindi siya makakasabay. Isang dakilang loner nanaman ako. Dahil may pumalit na sa pweste ko, hindi na nga siguro ako ang bestfriend niya eh.

Siguro iniisip niyong napakababaw ko. Pero kasi alam niya ang feeling ng maging isang loner, pero pinapabayaan niya pa rin akong mapag-isa ngayon.

Dahil lang may dumating na bago, kinalimutan na niyang may bestfriend pa pala siyang naghihintay sa kanya. Namimiss ko na siya...

"Uy Nieche, sasabay akong maglunch." ouch. Nieche na ang tawag niya sa'kin, 'di lang kami nagkakasabay for 2 days tapos Nieche na ulit ang tawag niya sa'kin??!

"Di pwede." cold kong sagot.

"Bakit?"

"May kasabay kasi ako eh."

"Ha? T-talaga? Sino?"

"S-si uhm, si D-Dylann, oo si Dylann."

"Ah ganun bah? Sige I'll go ahead." ang totoo niyan wala naman talaga akong ibang kasamang maglunch eh, infact gawa-gawa ko lang yung pangalan na Dylann para paniwalain siyang may iba talaga akong kasabay.

Ang sakit lang kasi eh. Una, nang dumating si Jica kinalimutan niya na ako at iniwan akong mag-isa. Pangalawa, tinawag niya akong Nieche, siya pa naman gumawa nung nickname na 'EMNM' sa'kin. At pangatlo, sasabay siyang maglunch dahil absent si Jica. So naaalala niya lang ako kapag wala si Jica?! Ang sakit lang.

Habang naglalakad ako papuntang playground nag-uunahan sa pagtulo yung mga luha ko. Mga luhang pinigilan ko sa loob ng tatlong araw.

Buti nalang at ako lang mag-isa dito. Ang pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ay ang may ibang makakita sa'kin na umiiyak. I'm afraid they might judge me and tell me I'm weak.

Tss. Hindi ako makapaniwala na after 4 yrs. iiyak pala ako ulit dahil sa isang lalake.

Naaalala ko ang pagtatalo namin ni Goya, pati ang nangyari nung nagpaint Kami sa Wall of expression, pati yung pagkanta namin sa Acoustic-jam duet. Lahat nang pinagdaanan naming magkasama naaalala ko...

Matapos kong maiiyak ang lahat napag-isipan kong gumawa ng isang poem...

Dream Boy

I'm having a crush on this guy
I think i'm slowly falling for him as the days go by
And I don't even know why

Actually we often fight like dogs & cats
And sometimes he acts like a brat
But this is probably one of the reasons why I like him
Yet I don't think he likes me too
Because he's just a dream that I once knew

Matapos Kong maisulat sa papel ang poem na 'yon inilagay ko yun sa bulsa ko saka bumalik na ako sa school at papunta na sa gym. May event kasi ngayon eh.

Ichecheck ko sana yung oras sa phone ko kaso wala dito yung phone ko... Lagot! Naiwan ko yata sa playground.

Nagmamadali Kong binalikan yung phone ko sa playground, at nang makuha ko na yun tumakbo ako pabalik nang school at papuntang gym.

Nasa entrance door na ako nang gym nang may mabangga ako dahil sa pagmamadali ko.

"I'm s-sorry. Uhh, how could I be this clumsy! Tsk." nahulog ko pa yung bag ko na Hindi ko nasara kanina, dahilan para mahulog yung apat na libro ko.

"It's ok. Let me help you with these." he helped me pick up my books.

At pag-angat namin, nabigla kaming pareho.

"It's you." sabay naming sabi

"Haha. Ikaw pala yan miss na mukhang badtrip kaya dinamay yung librong binabasa niya."

"Buti nalang Hindi ko pa napunit yung libro dahil pinagsabihan mo ako nun." once nagtagalog na ako sa isang tao that means I'm getting comfortable with him...

"Hahaha." natawa nalang kaming pareho nang biglang may tumawag sa kanya

"Dylann, halika na! Baka ma-late pa tayo."

"Uy mauna na pala ako ah. By the way I'm Dylann."

Wait what, His name is Dylann????! Yun yung sinabi ko Kay Goya na kasabay Kong maglunch ah, yung gawa gawa Kong pangalan...

The Chase Of The Two ChocolatesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora