20th Chapter

35 2 0
                                    

SWEET CHOCOLATE

SM Double date part 1

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari last week, sa lahat ng efforts na ginawa ni Goya para lang mapatawad ko siya at higit sa lahat dun sa red rose  na binigay niya sa akin.

Naku! Kung alam niyo lang kung gaano ka lakas yung pagtibok ng puso ko nun. Grabe lang talaga!

Lakas ng epekto kasi sa akin ni Goya  eh.

Akala ko nga nung wednessday sumuko na talaga siya sa paghingi ng tawad sa akin, bigla kasi siyang umabsent eh.

Yun pala umabsent siya dahil nag effort siya para sa sumunod na ginawa niya para mapatawad ko siya.

At matapos kong patawarin si Goya, back to normal na ulit ang lahat.

At kung dati inaasar kami ng mga kaklase namin, mas lumakas pa ang pang-aasar nila sa amin ngayon.

Hindi na rin ako masyadong anti-social, may mga nakakausap na rin ako sa classroom bukod kina Dylann, Jica at Goya.

Maraming nagbago sa loob lang ng isang linggo.

Sabado ngayon at mag-isa lang ako sa bahay. Si papa kasi may business trip kaya pumuntang America. Si kuya naman hinatid si papa sa airport pagkatapos ay gagala raw sila ng mga kaibigan niya.

Kaya eto ako ngayon. Nag-ggm naghahanap ng makakausap kahit 5 lang naman ang contacts ko sa phone.

Si papa, kuya, Goya, Dylann at Jica.

Home alone. Naglakwatsa silang lahat. Haaay buhay. Sinong hindi busy diyan? Usap tayo! //GM

Nang matapos ko nang maisend ang gm ay biglang nagring yung phone ko.

Batang mahilig sa tsokolate is Calling…

Sinagot ko naman agad yung tawag.

Hello?

(Em gala daw tayong SM, nag-aya yung mag-'bae')

Hay nako. Magdadate na nga lang sila idadamay pa tayo.

(Ewan ko dun sa mga yun. Basta magbihis ka na.)

Bakit? Susunduin mo ko dito sa'min?

(Syempre hindi. Ano ako, mayaman? Magcocommute lang tayo. Magkikita daw tayo sa kanto sa may subdivision niyo, magcocommute tayo.)

Hahahaha. Loko! Kala ko naman susunduin mo ko gamit ang isang limo.

(Hahahaha baliw. Sige yun lang bye!)

Okbye.

At inend na naming ang call.

Buti nalang din nag-aya silang pumuntang SM. Ang boring kasi dito sa bahay eh, mag-isa pa ako.

Gaya ng sinabi ni Goya nagbihis na ako at nang matapos na akong magbihis ay dumiretso na ako sa may kanto.

Kanina pa namin hinihintay ni Goya sila Dylann at Jica. Halos umabot na sa 100 na jeep ang dumaan pero wala pa rin sila. Asan na ba yung mga yun??

Tatawagan ko na sana sila pero biglang nagbeep yung cellphone ko, tinext pala ako ni Dylann.

From: Bae ni Jica

Nauna na kami sa SM sinurpresa ko kasi ng pagsundo si Jica. Pasensya na ngayon lang namin kayo napagsabihan. Peace, mommy! V(^-^)V

"Nauna na daw sila Dylann/Jica" sabay naming sabi saka nagkatinginan at natawa nalang bigla sa pagkakasabay namin.

The Chase Of The Two ChocolatesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora