12th Chapter

42 4 0
                                    

SWEET CHOCOLATE

Thursday ngayon at kakaring lang ng bell. Yes naman! Recess na din, gutom na ako hindi kasi ako nagbreakfast eh.

"Mainit ba ako?" tanong ni Goya kay Jica.

Hinawakan ni Jica yung leeg pati noo ni Goya.

"Hala ang init mo ah. May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Jica kay Goya.

Habang naguusap sila nakatitig lang ako sa kanila. Ouch naman. Sa harap ko pa. Lumipat kasi ako ng upuan ngayon.

"Ah. Tara na magrecess." sabi ni Goya kay Jica at hinila ang kamay nito.

Okay. Magaling. Ang sakit lang. Sira na tuloy ang araw ko at nawalan na ako ng ganang lumamon sa canteen ngayon.

Dalawang subject na ang nakalipas na tahimik lang ako. Ang daming pinagawang activities sa'min kanina pero mi isa dun wala akong ginawa.

Wala akong gana eh. At last subject na ngayon.

"Uy ang init mo na talaga Yuki oh." sabi ni Jica kay Goya pagkatapos niyang hawakan ang noo ni Goya.

Wow. Concerned. Kanina ginawa niya yun kasi Goya told her to do so. Pero ngayon, kusang loob. Talaga nga naman.

"H-ha? Talaga?" inosenteng tanong naman ni Goya.

Para akong nanonood ng sine ngayon, yung scene na inaalagaan ng girlfriend yung boyfriend niya.

"Oo. Umabsent ka nalang kaya mamayang hapon, baka mapano ka pa kung pumasok ka." nag-alaalang sabi sa kanya ni Jica.

Matapos yun ay nagbell na for lunch. Palabas na ako ng classroom ng biglang nagvibrate yung phone ko.

*bzzt bzzt*

From: 0909*********
Masakit makitang may kasama siyang iba. Pero mas masakit yung katotohanang hindi ka pwedeng magselos dahil kaibigan ka lang naman, kaya wala kang karapatan.

Tinamaan naman ako dun sa text. Gusto ko sanang tanungin 'tong nagtext sa'kin kung sino siya pero wala akong load kaya inilagay ko nalang ulit sa bulsa ko yung cellphone ko.

Hapon na at absent si Goya. Wow. Masunurin sa girlfriend wanna-be ah?

Dalawang araw nang absent si Goya at lutang na lutang talaga ako. Nag-aalala na ako sa kanya. Wala ba siyang balak magpa-check up man lang.

Friday na ngayon. Buti nalang at pumasok na ngayon si Goya. Pero magaling na kaya siya? Baka naman may sakit pa rin 'to pero pumasok pa rin.

Last subject na namin ngayon dahil half day lang.

"Goya tulungan nalang kita dun sa project natin sa History."

"Ha? Wag na. Ako na bhala dun."

"Pero may lagnat ka diba?"

"Ayos na'ko. Ako nalang gagawa nun."

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman." sagot niya sa'kin sabay gulo ng buhok ko.

After nung last period ay may mass sa school. Nagkakaroon kasi ng mass dito tuwing first Friday of the month.

Matapos ang mass ay pinuntahan ko si Goya sa kinauupuan niya. Kanina pa 'to panay napapahawak sa ulo niya ah.

"Eto na nga pala yung pera para sa project natin. Uy anyare sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Ang sakit ng ulo ko, n-nasusuka ako."

"Lika samahan kita sa labas."

Sinamahan ko naman siya at sumuka siya.

The Chase Of The Two ChocolatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon