28th Chapter

27 0 0
                                    

SWEET CHOCOLATE

Ang bilis nang mga araw parang last week lang kami nagpapractice tapos ngayon na yung presentation namin. Oo, agad agad. Two weeks lang ang practice.

Alam mo yung tipong sobrang ang sakit na ng tiyan mo dahil sa kaba.

Kaba hindi dahil sa harapan ng maraming tao kaming sasayaw at mag aacting. Kaba dahil yung iaact namin eh sobrang tugma sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaba dahil alam kong sinadya nila Jica at Dylann 'to dahil TRUE TO LIFE EH.

Mga kaibigan nga naman, hay.

Pero wala na akong magagawa, nandito na 'to eh. Nandito na kami eh. At ang pinakamasaklap pa, kami na ang susunod.

"Aba himala ata at sobrang tahimik mo diyan, Em."

"Syempre tayo na ang susunod oh, wala ka man lang bang nerbyos na nararamdaman dyan?!"

"Bakit naman ako nenerbyosin eh kasama naman kita?"

Natahimik ako bigla, yung puso ko. Linteque, Goya wag ka namang nagpapakilig ng hindi nagpapasabi diyan!

"Kasama kita, kasama ko sila Dylann at Jica. Oh diba? Ang dami kaya natin hehe."

Okay na sana Goya eh! Panira ka naman eh finefeel ko pa yung moment, dinugtungan mo pa!

"Hehe. Oo nga naman."

"Guys, ayan na. Malapit na silang matapos. Let's gather na and pray." -Jica

"Lord, sana po maging successful ang presentation namin at sana po maging worth it lahat ng efforts namin bago pa man ang contest na ito. In Jesus' name we pray. Amen." -Pag lelead ko sa prayer.

"Goodluck sa atin guys, to God be the glory!" Sabi pa ni Dylann.

Saka kami nag-group hug.

Matapos ang group hug ay saktong natapos na ang nauna sa aming magpresent kaya grabe na ang kaba ko habang iniintroduce kami nung host.

Saka biglang nawala lahat ng kaba ko at napalitan ng kilig dahil niyakap ako ni Goya. "Goodluck, wag ka nang kabahan. Nandito lang naman ako, Best."

Okay na sana pero bakit may 'best' pa? Pero okay na rin hahaha atleast diba? Yiiee.

At yun nga nabalik din ako sa realidad nang magsipalakpakan na ang mga tao, cue na kami na... Ang magpeperform, ok? Ok. Hahahaha.

Nagplay na yung instrumental at pumwesto na kami ni Goya, pati sina Dylann at Jica.

Si Goya nasa kabilang dulo nang stage, tapos bigla kaming nagkabangga at dahil ako itong si tangang nagbabasa ng libro habang naglalakad ay natumba ako ng pagkalakas.

Pero tinulungan niya akong makabangon mula sa pagkakatumba. Saka dun na nagsimula ang friendship namin. At nangako siya sa akin na palagi lang siyang nandiyan para sa akin.

Tapos naglalaro kami ng fairytale. Ako yung prinsesa at siya yung prinsipe. Hanggang sa sabay na kaming lumaki na magbestfriend pa rin.

Hanggang sa umabot na sa chorus at isinayaw namin yung choreography na itinuro sa amin nila Jica at Dylann.

"I pray for all your love
Girl, love is so unreal
I just wanna reach and touch you,
Squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
But I don't know how it ends, babe
I fell inlove with my Bestfriend"

Tapos nang minsang magkaproblema ako sa boyfriend ko at umiyak ako siya ang nagmistulang shoulder to cry on ko, at pinatawa niya akong muli.

Tapos lumabas mula sa likod yung classmate naming lalake na ginamit namin para kunwari siya yung boyfriend ko.

Tapos masaya kaming nag-uusap at kumakain nung boyfriend ko sa canteen saka nasa kabilang table si Goya, na nakatitig lang sa amin. Halatang nagseselos. (Kaso lang dun lang yun sa story, scripted eh.)

Tapos dun sa bandang pre-chorus
Naghabulan kami sa isang park,
Tapos lingon ako ng lingon sa likod kung saan nandun siya, hinahabol ako. Kaya nadapa ako at gaya ng ginawa niya dati ay tinulungan niya ulit akong bumangon.

At sa chorus eh sinayaw ulit namin yung choreo.

At sa bridge eh nagbreak kami nung boyfriend ko at tatakbo ako habang umiiyak pero bigla akong nadapa at may bigla nag abot sa akin ng kamay niya, isang lalakeng matagal na palang lihim na nagmamahal sa akin at sa pagkakataong iyon ay niyakap ko siya at bigla niyang sinabi ang linyang wala naman sa script, apat na salitang hindi ko inaasahang sasabihin niya.

"I love you, bestfriend."

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
A/N: Hi sa mga masugid na readers kong natitira (kung meron pa man dahil sa sobrang tagal na update) sobrang sorry sa sobrang tagal na update at sobrang thank you rin dahil nakaabot na ang TCOTTC nang 1k reads na sobrang unexpected talaga. Maraming maraming salamat. At sana maging matiyaga kayo sa pag-aantay ng updates dahil simula sa chapter 30 at pataas ay marami nang mangyayaring twist sa chase ng dalawang chocolates.

The Chase Of The Two ChocolatesWhere stories live. Discover now