Prologue

1K 122 87
                                    

Naramdaman ni Mama ang pagpasok ko sa kanyang kwarto kaya agad niyang itinago ang kung ano man ang isinusulat niya. Napangiti na lang ako. I took a peek before I entered her room. I saw that she was writing something on a paper. I wonder what was that.

Sumenyas siya sa akin para tulungan siyang pumwesto sa kama. Pinunasan ko muna ng basang tuwalya ang kanyang mga paa bago siya tuluyan na humiga. She mouthed 'thank you' and closed her eyes. Hinalikan ko siya sa noo at hinimas ang buhok niya.

I took time staring at her. Her fast breathing is visible from her neck. Even with an oxygen tank ay nahihirapan pa rin siyang huminga. She has been suffering from her asthma and we all know that she badly wants to rest. Agad kumawala ng luha ang mga mata ko sa aking naisip.

I couldn't deny the fact that Mama's time is almost up. I knew that she knew it herself because she has been readying us since last week. Binibigay na niya sa amin ang mga mahahalagang gamit niya at hinahati na niya ang pagmamanahan namin. Marami na rin siyang binibilin na tugon sa amin.

Hindi ko maiwasan na hindi magalit sa mundo. I spent too little time with her. Wala pa akong kayang ibigay na kapalit sa lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa amin. I wanted to spoil her with everything she wants to have but I still can't because I'm merely a 17 year old girl with nothing to give.

"Synthia?" Napalingon agad ako sa tumawag. It was our eldest sister, Sara. Nakasilip siya sa may pintuan. I smiled at her and so did she. Pumasok siya sa kwarto nang hindi niya mahagilap si mama sa pupitre nito kung saan doon namamalagi. Sara stared at Mama and caressed her hair and kissed her like I did but only, she kissed Mama on her cheek and not on the forehead.

Napahagulgol na lang ako habang pinagmamasdan ko si Mama. Hindi pa ako handa mawala siya. I'm too young for this. I felt Sara's warm arms wrapping me closer to her chest. "You'll be fine," she whispered. She let go of the hug, "Bumaba ka na at tayo'y manananghalian na." Tinapik niya ang balikat ko at tuluyan nang umalis sa kwarto.

Susunod na sana ako nang naalala ko ang isinusulat ni mama kanina. Hindi ko napigilan ang sarili na alamin kung ano iyon. Lumapit ako sa pupitre ni Mama at binuksan ang kahon ng mesa kung saan niya nilagay ang papel. Walang kahit anumang laman ito kundi ang papel lang. The paper was somewhat crumpled. I think it's because of me. Nagmamadali kasi niyang itago itong papel nang nakita niya akong pumasok.

 Nagmamadali kasi niyang itago itong papel nang nakita niya akong pumasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mon amour, revenir à moi."

Iyan lamang ang nakasulat sa papel. "My love, come back to me." That's what the note translates. Nakaramdam kaagad ako ng lungkot nang mapagtanto ko na hindi para kay papa ang sulat na ito. Matagal ng patay si Papa- five years ago. He died because of lung cancer. Mama was 58 years old when he died. Too young to be left behind by the love of her life. But then, maybe I was wrong. Maybe she was younger when she lost the real love of her life.

Revenir Vers MoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon