1

668 109 113
                                    

"When you start to love a person, it's difficult to stop."

~*~

Dali-dali akong bumaba papunta sa pintuan. Halos madulas ako pero tinawanan ko lang iyon. Bago ko binuksan ang pinto ay inayos ko muna ang sarili at ngumiti.

"Happy birthday, Sylvia." Agad inabot ni Lucio sa akin ang bouquet na dala-dala niya nang buksan ko ang pinto. The sunlight that was behind him was blinding kaya saglit akong napapikit para masilayan siya ng mabuti.

Naramdaman ko ang unti-unting lumalawak kong ngiti. Abot-tenga ang ngiti ko hindi lang dahil sa ibinigay niya sa akin na mga bulaklak. Mas napangiti ako dahil sa porma ni Lucio. Sinuot niya yung puting suit na niregalo ko sa kanya noong nakaraang Christmas. He paired it with black pants. Hindi ko napigilin ang sarili na tumalon papunta sa kanya para yakapin siya. I smelled and felt his hair. It's comforting as ever.

"Thank you for this." Bulong ko sa tenga niya at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Anything for you, sweetheart." He offered his hand for me to step outside. Tinanggap ko ito. Nang makalabas ay tinanong ko si Lucio kung saan kami pupunta ngayon. Noong nakaraang taon ay nag hike kami at pinanuod ang sunset sa tuktok ng bundok. I thought it would be boring but it turned out fun because I was with him.

"Guess." Ngumiti siya. Napangiti rin ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nag-iisip. Sabi ko sa kanya last time na gusto ko naman bumisita sa isang art gallery sa 16th birthday ko.

"Art gallery?" My smile got wider when I saw his head nod. Napatalon ako sa tuwa at niyakap siya.

Magkapit-bahay kami ni Lucio for 9 years. Naging mag-bestfriends kami at magmula noon ay dinadala niya na ako sa iba't-ibang lugar kapag ipinagdidiwang ko ang aking kaarawan.

Honestly, I'm not excited about going there. I'm excited about going there with him.

Gusto ko si Lucio at wala siyang ideya tungkol doon. Crush ko na siya magmula noong unang kita ko pa lang sa kanya pero wala akong lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko dahil una, natatakot ako na baka hindi niya ako magustohan at baka masira ang pagkakaibigan namin. Pangalawa, natatakot ako na baka gusto niya ako pero hindi naman kami pwede dahil pinagbabawalan pa ako ng mga magulang ko sa mga ganyang bagay.

My parents were not that strict before. We were allowed to be in relationships but when my sister got "violated" by her boyfriend, my parents got paranoid that it might happen again to any of the three of us. Dahil din sa pangyayaring iyan ay natatakot ako magka-boyfriend. It scares me that I might experience the same situation with my sister kaya gusto ko muna talaga makilala ang tao bago ako pumasok sa isang relasyon.

Pumasok ako sa sasakyan ni Lucio. He owns a 1967 Alfa Romeo Spider Duetto-designed car. Birthday gift ito ng papa niya galing sa Italy. I couldn't help but smile whenever I reminisce that moment when he received this car. Sobrang saya niya na hindi niya napigilang halikan ako sa noo.

"What are you smiling about?" Tanong niya nang masarado na niya ang pinto ng kotse. "I'm just thrilled." Hagikhik kong sagot sa kanya.

Nang nakaupo na siya sa driver's seat ay tinanong ko kung saang art gallery kami pupunta. Oh please, sana naman hindi sa Louvre dahil ilang beses na akong nakapunta doon. Pero kung doon nga kami pupunta, I understand kasi wala namang masyadong art galleries dito sa Paris.

"We're going to Musée d'Orsay." Lucio said out of nowhere. I bet he was thinking that I was wondering where we are headed.

Musée d'Orsay? I haven't been to that museum but I know that it's a public art gallery. Napabuntong-hininga ako sa naisip kong iyon. I wanted it to be just the two of us. But no. I shouldn't be sad and gloomy. Dapat ipakita ko kay Lucio na nasasabik ako sa pupuntahan namin. Alam kong ginagawa niya lahat para mapasaya lang ako kaya hindi ko dapat iparamdam sa kanya na hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa niya para sa akin. I shouldn't think of these selfish thoughts!

Revenir Vers MoiWhere stories live. Discover now