Epilogue

459 88 77
                                    

"Taxi! Taxi!" Bakit ba ang hirap kumuha ng taxi rito sa Cebu? Tapos may mga drivers pa na napakamapili.

Ang unang lugar na pupuntahan ko ay ang dating apartment ni Lucio. I got the address from mama's address notebook. Siguro plano niyang pumunta roon para makita si Lucio at hindi niya nagawa baka dahil lumala na ang asthma niya. I really really hope na nandito pa si Lucio sa Cebu dahil gusto ko sanang makapunta siya sa sementeryo at mabisita si mama. I'm sure she will love that.

After more than thirty minutes of waiting ay nakasakay na ako. At nadagdagan ulit ng isa pang thirty minutes dahil sa sobrang traffic. Napabuntong-hininga na lang ako sa inip.

Nang makarating ako sa apartment ay natigil ako dahil napagtanto ko na hindi ko pala alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi na man pwedeng bigla lang akong sumugod at sabihing, 'Hi po. Anak ako ng dating kasintahan niyo.'

Ang awkward! Pero okay, I should stop wasting my time and just go there and see what will happen. Sigurado naman ako na mabait si Lucio dahil sobrang minahal siya ni mama.

Pero baka nagbago na siya. Maybe he became like those grumpy old men I've seen in the movies.

Oh, for godsake, Synthia! Just go!

Ulit akong bumuntong-hininga nang nakaharap na ako sa pinto ng apartment at kumatok.

Bahagyang napakunot ang noo ko dahil hindi isang lalaking matanda ang nakita ko kun'di isang babaeng parang kaedad ko lang.

"Hi! How can I help you?" Ngumiti siya ng kay lapad. Napaka-smiley naman nito.

"Ah, hello. May nakatira bang Lucio Arevalo rito?" Ani ko.

One of her eyebrows raised, and she looked at me suspiciously. "Bakit? May I know who you are?"

"It's gonna be a long story so... pwede ba akong pumasok?" I bit my lower lip on the inside. Sana naman pumayag siya.

She examined me with her eyes. Feeling ko pati kaluluwa ko ay na-examine niya.

"Okay. Pasok ka." She finally said.

The girl's name is Rhea. Kinwento ko sa kanya ang tungkol kay mama at ang "huling habilin" nito sa akin na hanapin si Lucio Arevalo. Pinakita ko rin sa kanya ang note na sinulat ni mama.

"Mon amour, revenir à moi," tinitigan niya ang note at napangiti, "My love, come back to me."

"You know French?" I smiled at her. She looked at me and nod.

"Tinuruan ako ni Mr. Arevalo."

I gasped. "Arevalo? Lucio Arevalo?"

"Oo. Teacher ko siya. I'm developing my skill on painting and he's been my mentor for about eight years now."

"Wow, so you've been painting since you were nine years old?"

"Yes. Pasyon ko talaga ang pagpipinta at sumasali rin ako sa mga art contests kaya kailangan ko talaga ng mentor para mag enhance ako."

She's... amazing. I like her. Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay at hindi siya nagsasayang ng panahon.

"That means, you knew where Lucio is."

Tumango siya, "Hindi na siya nakatira rito dahil binigay niya ang apartment na 'to sa akin. Nakatira kasi ako sa Manila dati at ayaw niyang turuan ako via Skype lang. He's the hands-on type of teacher so that's why I moved here."

Lucio must really saw a big potential in her.

"He's somewhere in the West part of Cebu. I won't tell you exactly where he is unless..." She paused. Kumunot ang noo ko. Tiningnan niya ako na para bang hinihintay niyang magtanong ako kung ano iyon.

Revenir Vers MoiWhere stories live. Discover now