Chapter 1 - A Perfect Distraction

479 10 2
                                    

HALOS itaob ni Keaton ang buong desk sa matinding galit nang dahil sa narinig na ulat ni Georgia. Nagliparan ang mga papel at dokumento, bumagsak ang intercom at pen holders na naglalaman ng mamahaling mga panulat.

"Tell me again, Georgia. What does my old man want to do? Ipapa-take over niya ang kompanya kay Lance? And he's giving him the ticket upstairs? Is he starting to be senile now?!" Ibinagsak niya ang nakakuyom na mga kamay sa mesa. He felt like wanting to smash the desk over and over until his knuckles bled dry. Wala siyang pakialam kung mabulabog man ang buong staff niya sa labas.

Matiim siyang tumingin sa babaeng maiksi ang buhok na nakatayo sa kanyang harapan at hindi man lang natinag sa nasaksihang pagwawala niya. Georgia had been serving their family for eleven years now, and she was already used to his hot temper. Keaton liked her. Tapat ito sa kanilang mag-ina, and she was a perfect spy.

Si Georgia ang executive secretary ni Leandro Villafuerte, ang kasalukuyang presidente ng Celze Telecommunications. Noong araw na ipasok ng ama sa kompanya ang half-brother niyang si Lance, kinuntsaba na ng kanyang ina si Georgia upang maging mata at tainga nila sa bawat plano at desisyon na gagawin ng kanyang ama.

"Your father is serious about this, Keat. Kahapon ay kinausap na niya ang higher management. Ipinaalam niya sa mga ito ang plano niyang i-appoint ang kapatid mo bilang presidente ng kompanya. And you know what that means," seryosong wika ng babae matapos sulyapan ang hawak na tablet. "Whoever has control over CelzeTel automatically gets the attention of The Order." Georgia was referring to the secret society that runs the country. Everyone in the upper class knew how big of a deal it is.

It was what her mother, Gracilda, had been dreading to happen for years—ang gawing successor ni Leandro si Lance. Kahit si Keaton ay hinding-hindi matatanggap ang bagay na iyon. He was the legitimate child for Christ's sake! The company his grandfather founded was his birthright—and that included the chance of acquiring a seat in The Order. Hindi niya iyon isusuko sa isang anak lamang sa labas.

"What the hell did those idiots say? Tell me they did not agree to this crap."

Nagpakawala ng hangin si Georgia bago sumagot, "Alam mong malaki ang respeto at tiwala nila sa daddy mo. Kung nakikita nilang kumbinsido si Sir Leandro kay Lance, walang magiging dahilan para hindi sila sumuporta."

"There's a reason, Georgia. Lance is a bastard, at sa aming dalawa, ako ang higit na may karapatan sa lahat!" Nagpupuyos ang damdamin niya pero pinilit niyang kontrolin ang galit sa kanyang tinig.

Sumundot sa alaala niya ang minsang bilin ng ina, "You should learn how to control your temper from now on, anak. If you want to beat your brother, forget your old ways and be a better version of yourself."

"You know your father doesn't see it that way," wika ni Georgia.

"And that's exactly why I hate him!" Malakas niyang ipinalo ang kamay sa mesa. Baby steps, Mom, sabi niya sa isip.

Marahas niyang hinatak ang kanyang kurbata saka umikot paharap sa floor to ceiling glass window ng opisina. Kita sa labas ang nagtataasang commercial buildings at condominiums. Late afternoon na kaya't nagsisimula nang lumubog ang araw.

Nanariwa ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ni Keaton simula pagkabata. Noon pa man ay paborito na ng kanyang ama si Lance. Sa mata ni Leandro ay ang kapatid niya ang laging tama at dapat hangaan. The brilliant and perfect child... while he was the insolent, worthless son.

He tried to impress Leandro Villafuerte a thousand times but his father would only see Lance. Kaya naman nang gawing habit ng kapatid ang pag-uuwi ng mga medalya at top grades mula sa school, siya naman ay nag-set ng maraming records sa principal's office. He had always been involved in trouble. Kung hindi lang dahil sa impluwensya ng pera ng kanilang pamilya ay baka ilang beses na siyang na-expel sa school.

TOXIC [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now