Chapter 5 - I Will Never Forgive You

149 11 0
                                    

SPACIOUS ang guestroom na pinagdalhan sa kanila ng binata. May dalawang single bed doon para sa kanilang magkapatid. Mula sa maliit na balkonahe ng silid ay matatanaw ang kabilang panig ng lupain ng mga Villafuerte. Nakaka-relax pagmasdan ang kulay ng malawak na berde sa ilalim ng bughaw na langit. For a second, Lianne wanted to forget the reason why they were here. She wanted to savor the rural ambience.

Tinupad ni Keaton ang pangako nitong dadalhin ang kanyang kapatid sa rantso upang makita ang mga kabayo. They were all expensive breeds at kita naman sa itsura ng mga kuwadra na alagang-alaga ang mga ito.

"Jonas, ito si Mang Simon. Siya ang bahalang magturo sa'yo ng horseback riding. He's the best. Siya rin ang nagturo sa 'kin noon," pakilala ni Keaton sa matandang lalaki na naka-cowboy outfit. "So what do you say, big boy? Pwede ko na bang tangayin muna ang ate mo?"

"Teka, saan mo 'ko dadalhin? 'Wag mong sabihin na iiwan natin ang kapatid ko dito," protesta ni Lianne.

Nakita niyang umikot ang mga mata ni Jonas. "Ang KJ mo talaga, Ate. 'Di na 'ko bata para bantayan mo lagi. Sige na Kuya Keaton, pwede mo nang ilayo sa 'kin si Ate."

"Aba't ikaw bata—" Naputol ang sanang pangangaral niya sa kapatid nang bigla siyang hatakin ni Keaton palayo.

"You heard your brother, Lianne. Give him a break," tumatawang saad nito.

"Keaton!"

"Ah, you're really cute, you know that? If I have an older sister like you, I'll surely be annoyed as well."

Umigkas ang kilay niya at marahas niyang binawi ang kamay. "Masama bang mag-alala sa kapatid ko?"

Humarap sa kanya si Keaton na may amused na ngiti sa mga labi. She hated that he was so good-looking that even the slightest twinkle in his eye was distracting her.

"Walang mangyayaring masama sa kapatid mo, okay? We left him in a horse ranch, not in the middle of Amazon Jungle."

"Nasa teritoryo siya ng mga Villafuerte, Keaton. Tingin ko mas pipiliin ko pang iwan siyang mag-isa sa Amazon Jungle kesa dito."

"Yeah, fair enough." He chuckled. "But don't worry, he's in a safe zone. We, on the other hand, will be meeting the vultures."

***

DINALA siya ni Keaton sa malawak na bakuran ng manor house. Abala ang mga tao roon sa pagse-set up ng mga mesa at light fixtures para sa gaganaping party mamayang gabi. Hindi na rin siya nagtaka nang makitang nagkalat ang media sa paligid. Prominenteng tao ang lolo ni Keaton at nasisiguro niyang matataas na tao ang mga bisitang dadalo sa birthday party nito.

"There's Lolo. Let's go, ipapakilala kita sa kanya." Ginagap ni Keaton ang kamay niya pero nag-alangan siyang gumalaw mula sa kinatatayuan. Nang marahil ay mapansin nito ang tensyon sa kanyang anyo ay masuyo nitong iniangat ang kanyang mukha. His touch was warm against her chin. Tila ba sapat na iyon upang mapakalma ang kanyang sistema.

"Hey, hindi ko alam kung anong sinabi sa'yo ni Lance tungkol kay Lolo, but I assure you, despite his villainous reputation, he's a good man." Hindi na siya umangal nang muli siya nitong tangayin.

"So you weren't kidding when you said you'll bring a date and not a hooker this time," wika ni Senyor Adolfo Villafuerte nang ipakilala siya ni Keaton dito. But what was that about a hooker? Para namang nabasa ng matanda ang tanong sa mukha niya na muli itong nagsalita, "Pasensya ka na, hija. Natutuwa lang ako dahil ang totoo, ngayon pa lang may dinalang disenteng babae itong si Keaton. Kung hindi mo pa alam ay may pagkapasaway ang batang ito noon."

Amused siyang napalingon kay Keaton na siya namang nangingiti habang nagkakamot ng batok.

"I think, mage-enjoy po akong makinig sa mga kalokohan ni Keaton noon," aniya.

TOXIC [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now