Chapter 4 - My Date

128 9 0
                                    

"I CAN see the whole family is here—except for my mother who has been deviously shipped out of the country." Keaton's loud entrance caught the attention of everyone having lunch at the patio table. Late noon na nang marating niya ang mansyong iyon ng kanyang mga magulang.

Nakita niyang sumama ang timpla ng mukha ng kanyang ama. Ang katapat naman nitong si Lance ay sandali lamang siyang tinapunan ng sulyap. Tahimik itong kumakain na para bang nasa malayo ang isip.

"Hi, Keaton. I thought you're not coming." Tumayo si Sandra upang makipagbeso sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka, palagi ka na lang late kung dumating." Pumalatak ang matandang lalaking nakaupo sa puluhan ng mesa.

"Pasensya na, Lolo. May inasikaso pa kasi ako. Isa pa, mukhang kasisimula n'yo pa lang namang kumain." Nginisian niya ang matanda saka siya umupo sa tabi ng ama. Sinimulan niyang punuan ng pagkain ang nakahandang plato sa puwesto niya. "Don't mind me here, Dad. Hindi mo kailangang ipahalata na nawalan ka na ng ganang kumain d'yan."

"Would you like to see my credit card bills, son?" Leandro sighed sharply. "I think your mother is having too much fun getting deviously shipped out of the country."

Keaton just sneered over the rim of his glass. Malakas na tumikhim ang kanyang lolo, tanda na nais na nitong baguhin ang usapan.

"Siyanga pala, Sandra, kailan ba ang uwi ng mga magulang mo at nang personal ko silang maimbitahan sa birthday party ko," wika ng matanda.

"The last time I talked to them, sinabi nila na may importanteng business transactions silang kailangang tapusin sa New York. They are very sorry na hindi sila makakadalo sa party ninyo. Pasensya na po, Lolo."

"Ayos lang naman, naiintindihan ko. Pero matagal na rin 'yong huling beses na nakita ko sila. Natatandaan ko pa noon na ang kasal n'yo ni Keaton ang pinag-uusapan namin. Botong-boto rin kasi sa'yo si Gracilda."

Nasamid si Keaton sa ininom na juice at lukot ang mukhang napalingon sa matanda. Hindi niya alam na may ganoong plano ang kanyang lolo at mommy noon. Mabuti na lang at ipinagkasundo ng daddy niya si Lance kay Sandra. Baka maglayas siya kapag siya ang ipinilit na ipakasal sa dalaga.

Nothing's wrong with Sandra though. Maganda ito, edukada, at nagmula sa mayamang pamilya. But she was never his type. Too classy for his taste. Boring. Mas gusto niya iyong mga babaeng unpredictable, not too feminine, at hindi maarte. Fierce, pero may soft side. Someone like—

Pilit niyang iwinaksi ang mukha ni Lianne sa kanyang isip. The woman was simply a tool for his plan to break Lance. Wala nang iba.

"Papa naman, hindi n'yo na dapat binanggit pa ang bagay na 'yan. Alam n'yong ikakasal na sina Lance at Sandra." Napukaw siya ng tinig ng kanyang ama.

Tumawa ang kanyang lolo. "I know. I hope I have not offended you in any way, hija."

"Hindi naman po, Lolo. Magkaibigan lang kami ni Keaton. Besides..." Ngumiti si Sandra at masuyong ginagap ang kamay ni Lance. "I'm happy with Lance."

"Ah, sa pagkakaalam ko ay binansagan nga kayong Couple of the Year ng media."

"Oh yeah, Lolo. Lagi silang laman ng balita," malakas niyang sabad at isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Inilabas niya ang phone saka binuksan ang browser niyon. Kanina pa niya hinihintay ang tamang pagkakataon upang mabuksan ang paksa tungkol doon. "In fact, I came across with a very interesting article about Lance. It was about your school visit yesterday."

"What about it?" Noon lamang nagsalita ang kapatid. Naramdaman niya ang tensyon sa katawan nito.

"Hmm..." Umakto siyang inii-scroll down ang screen ng cellphone. "Ang sabi dito, may isang batang lalaki raw ang nagke-claim na naging ex mo ang ate niya. Is this true, Lance? Have you been with a commoner before you proposed to Sandra? It seemed serious."

TOXIC [PUBLISHED by Bookware Publishing]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें