Chapter 2 - Keaton Villafuerte

145 11 0
                                    

"GRYFFINK DOOR TATTOO? Hindi naman obvious na fan ng Harry Potter ang client, ano?"

Mula sa papel ay nag-angat ng tingin si Lianne sa office manager ng LXC Signs na si Tammy. May bitbit itong isang box ng donuts at coffee tray na may lamang dalawang coffee cups. Nabuhay ang dugo niya nang manuot sa kanyang ilong ang masarap na amoy ng white chocolate at brewed coffee. Bigla tuloy nahiya ang three-in-one na kapeng inalmusal niya kanina sa bahay.

Apat na taon nang nagtatrabaho si Lianne bilang senior designer ng LXC Signs. Maliit lamang ang kompanya nila pero kilala sila sa sign manufacturing industry. They've catered small businesses, commercial centers, and some fast food chains in Metro Manila.

"Tammy, I'm in love with you," madramang sambit niya matapos ilapag ang brush pen at abutin ang isang cup mula sa babae. Dumampot na rin siya ng isang donut mula sa box.

"Sus, mahal mo lang ako kapag nanlilibre ako ng kape." Umismid ito saka umupo sa katabing swivel chair. "Teka nga, Lianne, mag-usap tayo. Alam mo bang tinawagan ako ng kapatid mo kagabi para itanong ang address ni Lance?"

Natigil siya sa pagsubo ng donut. "Ano?"

"Seryoso nga eh. Kung hindi ko lang kilala si Jonas, iisipin kong binata ang kausap ko sa phone. Ano bang nangyari at parang may plano siyang sugurin ang ex mo?"

Nakaramdam ng pag-aalala si Lianne sa kapatid. Mula nang makita ni Jonas ang billboard nina Lance at Sandra noong isang araw, hindi na ito halos makausap. Hinayaan na lamang niya ito sa pag-aakalang lilipas din ang mood swings ng kapatid. But what was her brother thinking?

"Siyempre 'di ko binigay at baka kung ano pa ang ma-trip-ang gawin ng batang 'yon. Ano ba talagang nangyari?" Sa lahat ng mga katrabaho sa opisina, si Tammy ang pinakamalapit sa kanya at ang nagagawa niyang kuwentuhan ng mga bagay tungkol sa buhay niya. Madalas din itong mag-sleep over sa apartment nila kapag napapaaway sa sugalero nitong asawa.

Ikinuwento niya ang nangyari noong araw na sinundo niya ang kapatid mula sa school.

"Tsk, tsk. Hindi na 'ko magtataka kung nagsalita siya nang gano'n. Smart kid si Jonas at mature nang mag-isip. Isa pa, may point siya. Magi-isang taon na kayong hiwalay ni Lance pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya."

Akmang dedepensa si Lianne nang bigla siyang unahan ni Tammy. "O, 'wag mo 'kong bibigyan ng ganyang tingin! Subukan mong i-deny ang sinabi ko at sasabunutan kita nang sampung beses. Sa tingin mo ba, hindi nagkukuwento sa 'kin si Jonas na may ilang beses ka niyang nahuling umiiyak at nagpapakalasing sa isang sulok? Na madalas mong ipakita sa mga tao na strong ka, pero deep inside, heartbroken ka pa rin. Hindi mo masisisi ang kapatid mo na mag-alala sa'yo. Ikaw lang ang kinalakihan niyang pamilya eh. Saka lalaki 'yon, siyempre magiging protective siya sa ate niya."

"Pero problema ko 'to. Kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon, ayokong maapektuhan si Jonas. Masyado pa siyang bata para sa mga ganitong bagay." Bigla tuloy niyang naalala ang biglang pagbagsak ng mga grades ng kapatid.

"Hindi lang sa'yo nakipag-break si Lance. Alam mo kung gaano napamahal ang lalaking 'yon sa kapatid mo."

Nasaksihan ni Lianne kung paanong naging masaya si Jonas nang dumating si Lance sa buhay nila. Sa dalawang taong itinagal ng kanilang relasyon, itinuring na ni Jonas na parang kuya si Lance. Lance would always help her brother with his studies and they would hang out a lot. The three of them became a family. A happy one. Until Lance gave up on their love. How selfish of her to think that the breakup only affected her? Lance broke her poor little brother's heart too. Hindi tuloy niya napigilan ang muling pag-ahon ng galit sa kanyang dibdib. That painful afternoon became alive in her memories again...

TOXIC [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now