Chapter 3 - A Liar and a Coward

142 9 0
                                    

SA PANGALAN lamang kilala ni Lianne ang half-brother ni Lance. At ang huling pagkakaalam niya ay sa ibang bansa ito naninirahan. Lianne never personally met anyone from Lance' family. Hindi pa siya nagawang isama ng lalaki sa mansyon ng mga Villafuerte dahil hindi boto sa kanya ang ama nito. Lance didn't want her to be insulted.

Sa tuwing maiisip iyon ay gusto niyang mainis sa kanyang sarili. She was so in love with him before that she didn't see how coward that man was.

"Funny. I thought Lance is too busy impressing our father and stealing everything away from me. Imagine my surprise when I learned about your existence," wikang muli ni Keaton sa sarkastikong tono. "You've been together for two years until my dear brother realized he likes money and title more than you. Isn't that depressing?"

Matigas ang anyong napaharap siyang muli sa lalaki para lamang lalong mainis sa nakikitang pagmamalaki sa anyo nito.

"Lance was right about you. Arogante ka at walang pakialam sa damdamin ng ibang tao."

"At least hindi kita pinaasa kagaya ng ginawa niya sa'yo." Muling tumaas ang isang sulok ng mga labi nito saka ito paupong sumandal sa mesang naroon. He folded his arms and legs, looking gorgeous and annoying at the same time.

"Nandito ka ba para ipamukha lang sa 'kin 'yan?" she snapped.

Sandali siya nitong tinimbang ng tingin bago sumagot, "I can help you get back at him."

Napakunot-noo siya.

"My father wants to appoint Lance as the president of CelzeTel. And as his legitimate son, I can't let that happen. Masyado nang maraming inagaw sa 'kin si Lance. With your help, I can beat him. At the same time, you get your revenge."

God knew how many times she thought of hurting Lance back. Na sa tuwing makikita niya ang mukha nito sa telebisyon o kaya sa mga pahayagan ay nais niyang lumapit sa media at isiwalat ang tungkol sa naging relasyon nila. Pero kulang siya sa tapang. Alam kasi niya na sa bandang huli ay siya rin ang mapapahiya.

Para sa kanya ay isang malaking kalokohan ang gustong mangyari ni Keaton. The last thing she wanted was to get involved with another Villafuerte.

"Nag-aaksaya ka lang ng panahon, Keaton Villafuerte. Nananahimik na 'ko at anuman ang nakaraan namin ni Lance ay matagal ko nang ibinaon sa limot."

Sumeryoso ang anyo ng lalaki at malalaking hakbang na tinawid ang distansya sa pagitan nila, his powerful scent disturbing every nerve of her body. He was studying her face, as if trying to find her weakness so he could penetrate her walls. Lianne tried her best not to give in to whatever intimidation tactic he was trying to pull, but she failed. Ni hindi niya nagawang pasunurin ang mga paa na humakbang palayo sa lalaki. He was too much for her. Sa huli ay napaiwas na lamang siya ng tingin.

Ibinaba nito ang ulo sa gilid ng kanyang mukha. "You're a liar and a coward," he rasped, his lips slightly brushing against the side of her ear. Kumikiliti sa kanyang balat ang mainit nitong hininga at kinailangan niyang pigilan ang sariling mapasinghap.

"Natatakot kang aminin sa sarili mo kung gaano katindi ang sama ng loob na nararamdaman mo para kay Lance. Kung gaano kasakit para sa'yo ang ginawa niya. He dumped you. He treated you like a trash. I can smell your desire for retaliation Ms. Abelardo. Don't even think of hiding it."

Nang lumayo ito sa kanya ay tila noon lamang siya muling nakahinga. Inilabas nito ang wallet mula sa bulsa ng pantalon at nasilip niya sa sulok ng kanyang mata ang paglapag nito ng calling card sa coffee table.

"Consider my offer and call me once you've decided to stop fooling yourself."

***

"JONAS, bakit hindi ka pag nag-aayos? Male-late na tayo sa school." Iritableng napabuga ng hangin si Lianne nang makita ang kapatid na nakahilata pa sa sofa at nanonood ng anime. Pasado alas-sais na ng umaga at kung hindi pa sila magmamadali ay paniguradong maiipit sila sa traffic. May event pa naman sa school ng mga ito ngayon at isinabay na rin doon ang kanilang PTA Meeting.

TOXIC [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now