# 12

1.2K 33 1
                                    

Unang araw sa UAAP Season 76. Unang laro na hindi ko kasama si Jema. Unang pagsubok na haharapin kong mag-isa.

JIa!!!!! Natatarantang tawag ni Bea. Jia!!! Bilisan mo.

Ano ba?! Diosko naman Bea. Inis kong sabi sa kanya. Alam mo bang kinakabahan na ako.

Sabihin mo nga sa akin? Seryoso niyang bulong sa akin. Bakit ba 12 ang pinili mong number ha. eh, 5 ka naman dati ha.

Bakit mo bang biglang tinanong ha? Taka kong tanong.

12, napaka importang date yun ng buhay ko. May 10 talaga ang birthday ko at ganun din naman si Miguel. ang totoo niyan, April 12, 2008 ko unang nakilala si Jema. Pinili ko yung Jersey #12 dahil sa kanya. Pero syempre hindi yun pwede malaman ng iba. lalo na ni Bea. Kukulitin ako nun lalo pag nalaman niya.

Gosh ha. Ako pa ba lolokuhin mo. Sabi nito na kinagulat ko. Tignan mo yun hu. Sabay turo sa court ng kalaban naming team. 

Nakita ko agad ang nakasuot ng Jersey #12 sa kabilang court. At nagulat ako sa sunod kong natuklasan.

Si Jema. Mahina kong sabi. Nanginginig ang laman ko. After 8 months nakita ko siya ulit. Hindi na bilang magkakampi kundi bilang magkalaban.

So sabihin mo sa akin? Ano ba ang 12 sa inyo ni Jema ha? Pang-usisa ni Bea.

Girls!!!! Ano pa ba ginagawa niyo diyan ha? Tawag ni Ate Amy sa amin. Let's warm-up.

Agad na ring sumunod si Bea kay Ate Amy pero ako parang na glue dun. Nakatitig lang ako kay Jema na tila hindi pa ako nakikita. Nakangiti na siya ulit, pero hindi na sa akin. Ang sakit.

Napalingon siya sa akin. Agad na nagtagpo ang mga mata namin. Ilang secundo din tumigil ang oras, si Jema ang unang ngumiti sa akin at lumalapit sa akin. Gusto kong lumayo pero hindi na ako makagalaw.

Musta? Bati niya sa akin. Hindi ko akalaing dito na tayo muling magkikita. Ngiti niyang sabi.

Ang bilis niya naman mag-move-on. Kunsabagay ganito naman talaga siya eh. hindi siya yung tipong mag mumukmuk dahil broken.

Bakit 12? Usisa ko sa kanya.

Auh, Tinignan niya yung  Jersey ko. Alam mo naman siguro kung bakit. Sabi niya sabay ngiti. Sige na Ji. Talk to you later. Nag wave lang siya at tumakbo pabalik ng team niya.

Oh? okay ka na? Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko.

Denise?! Tawag ko sa kanya.

Tawag ka na. Warm-up na. Sabi niya at hinila na ako sa dug-out namin.

....

Nagsimula na yung game. Kaharap ko lang si Jema. Hindi pa rin siya nagbago kahit kakagaling niya lang sa injury. Mabili masyado ng recovery niya.

Napaka galing ng ADU kaya hirap na hirap kami sa kanila. After 5 sets, natalo kami sa unang game namin sa UAAP.

Nice game. Pagbutihin mo pa. Sabi ni Jema ng mag shake-hands kami. Napahigpit ako ng hawak sa kamay niya at napangiti siya sa akin. Ji? Bitaw na. Sabi niya.

Ito na yata ang pinakasakit sa lahat. Ang lapit niya na sa akin, Net lang ang pagitan, pero ang layo niya na. hindi ko na maabot.

Ji? Tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Galingan mo, dahil gagalingan ko. Laban lang. Sabi niya sabay wink sa akin.

Lalong tumindi ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang iyon. Si Jema, Jessica Margarete Galanza, Una kong Pag-ibig, Unang talo.. at Unang sakit.

....


Lihim (Double J Tandem)Onde histórias criam vida. Descubra agora