Tatag

1.2K 37 3
                                    

Alam ko na ang susunod na mangyayari. Kilang kilala ko na si Jema. Matapang yan kung titigan pero napaka soft niyan sa loob.

Nag paalam na ang mga babae kay Deana. Nakangiti lang din si Deana at Jema sa kanila.

After umalis ng mga fans ni Deana ay nag titigan lang ang dalawa. parang may hinihintay silang dalawa. Walang gustong una mag salita.

Nakikita ko na ang lungkot sa mga mata ni Jema. Nababadyang tutulo ang mga luha nito.

Sorry. Tipid na sabi ni Deana sa kanya.

Yun lang ang sasabihin mo. Sabi ni Jema sabay punas ng nababadyang luha niya sa mata.

I dont know what to say. Sabi naman ni Deana at tumulo na ang luha niya.

Fine! Diing sabi ni Jema at tinalikuran na si Deana.

Wait! Sabi naman ni Deana at hinawakan ito sa kamay para pigilan.

Bitawan mo ako. Diin niyang sabi. HIndi niya na rin hinarap si Deana. Sabi ko. Bitawan mo ako. Seryoso niyang tugon sabay wakli ng kamay ni Deana at tumakbo palayo sa kanya.

Napatayo na lang at hindi nakagalaw si Deana sa nangyari.

Napatingin na ako kay Miguel. Alam niya na rin kung ano ang gusto kong sabihin bago ko pa masabi.

Go. Sabi nito. Ako na bahala kay Deana.

Salamat Migs. Sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Babawi ako sa iyo.

You have forever to do that. Ngiti niya namang sabi kaya napayakap ako sa kanya.

Habulin mo na yun. Sabi ni Miguel kaya tumakbo na ako para habulin si Jema.

....

Mabilis nawala si Jema kaya nahirapan talaga ako mahanap siya.

Jia? Tawag ng pamilyar na boses sa likod ko kaya napalingon ako.

Jema? Anong nangyari sa iyo. Tanong ko ng makita kong basang basa ang damit niya. Naka tshrt at short lang siya. Halata kong galing siya sa iyak. Tinago niya ang mga luha niya sa dagat. Doon siya umiyak sa dagat kaya hindi ko siya nakita agad.

Ji? Masakit. Sabi niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sapat na sigurong malaman niya na nandito lang ako sa kanya. Napayakap na lang ako sa kanya habang humahagulgul siya sa iyak.

Bakit kasi ganito ako eh. Sabi niya na may hinanakit. Sana normal din ako tulad mo.

Walang mali sa iyo Jema. Bulong ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

Kung walang mali sa akin? bakit pilit akong tinatago? Natanong niya. At bigla akong naguilty. Isa ako sa mga taong tinago siya. Ano nga ba ang mali sa taong nag mamahal?

Jem. Let's talk about it somewhere. Bulong ko sa kanya ng maramdaman kong pinagtitinginan na kami ng mga tao,

Pagod na pagod na ako magtago Ji. Sabi naman ni Jema. Ayaw ko ng magtago.

Gawin mo kung ano sa tingin mo ang makapaligaya sa iyo Jem. Sabi ko naman.

Napayakap na siya ng mahigpit sa akin. Wala na rin akong paki-alam sa mga tingin ng mga taong nandun sa paligid namin.

Masakit. Sobra.. Sabi niya. Pero pilit kong kakayanin. Darating naman di ba ang araw na magiging okay na ang lahat. Napabitaw na ako sa pagkayakap sa kanya at pinunasan ko na rin ang mga luha niya.

Napangiti ako sa kanya. Alam kong kakayanin mo ang lahat Jem. Ikaw pa ba? i-matatag ka.

Mahal ko si Deana. Sabi nito. Nahintay nga kita ng 8 years eh, siya pa kaya. Napangiti naman siya sa akin kaya. Inayos ko naman ang buhok niya.

Oh yan. Ang pangit mo na. Natatawa kong sabi. Basang sisiw ka 'te. 

Napatawa naman siya sa akin. Ikaw talaga may kasalanan nito eh. 

Ako? Taka kong tanong.

Ikaw yung gumising sa pagiging Bi ko. Natatawa niyang sabi.

Ikaw rin kaya. Sabi ko naman sa kanya at ginulo ulit buhok niya. Muntik na ako ma lesbian dahil sa iyo. Natatawa kong sabi kaya napatawa na rin siya.

Alam kong masakit pa rin ang pakiramdam ni Jema, halata yun sa mga mata niya, pero alam ko rin naman na hindi siya sumusuko kahit sa anong laban. Kahit laban sa pag-ibig pa yan.

....

Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon