Mulat

1K 32 3
                                    

Gising na ako. Naririnig ko na ang mga boses sa paligid ko. Pero kahit anong pilit kong imulat ang mata ko, hindi ko nagawa.

Ano ba kasing nangyari? Tanong ni Bea

Rinig kong umiiyak si Jema. Alam kong siya yun. Kilala ko siya eh.

Nakauwi na kami ni Deana galing grocery. Rinig kong kwento niya. Palabas na kami ng kotse ng hinarang kami ni Cy kasama ng kaibigan niya. Pilit nila kami pinapasok ulit sa kotse. Pinusasan nila ako sa manubela, pina-andar nila yung kotse ko. Si Deana at si Cy nasa back seat. Binugbug ni Cy si Deana at tinulak siya palabas ng sasakyan habang umaandar ito. Napahagulgul na ito ng iyak. Akala ko patay na siya nun kaya naiyak na lang ako at nawalan na ako ng lakas para lumaban sa kanila. Huminto kami sa madilim na lugar at hinila na nila ako at tinali. Sigaw ako ng sigaw, nagbakasakaling may tutulong sa akin pero sinikmurahan ako ni CY kaya nahimatay na ako. Sabi pa nito. Tapos nagising na lang ako na wala ng malay si Deana at duguan na. Ginawa niya pang tumayo at sundan ako kahit bugbug na ang katawan niya. Wala na akong pakialam kung papatayin ako ni Cy, pero hinarang ni Jia yung bala na sana ay para sa akin. Lalong umiyak si Jema. 

Gusto ko siyang yakapin at sabihin na okay lang ako. pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Grabe yung tinamong sugat ni Deana. Rinig kong sabi ni Ate Alyssa.

Pinagsama pa natin tung dalawang ito sa iisang kwarto. ang sarap nilang batukan. Rinig kong sabi ni Bea. Sana man lang tenext nila ako. Sana man lang may nagawa ako. 

Buti na lang nakatawag si Deana kina Miguel bago siya pumunta dun, atleast naka contact sila ng pulis at na track nila kung saan ka naroon. Kinaya talaga ni Deana para malaman nina Miguel kung nasaan ka at mailigtas ka. Paliwanag naman ni Ate Ly sa umiiyak na Jema.

Itong mga ito, akala mo naman si wonder woman sila. Suyang sabi ni Bea.

Kailangan kang iligtas ni Jia, para maalagaan mo ng husto si Deana. Sabi naman ni Ate ALyssa. Isang kwarto lang silang dalawa para hindi na tayong mahirapang bantayan ang mga ito. Nasa Cebu pa ang mga magulang ni Deana at nasa Sydney naman yung parents ni Jia.

Ang tagal naman nilang magising. Reklamo ni Bea. Malapit na mag dalawang araw silang tulog.

Ikaw kaya mabaril kung magigising ka pa. Suyang sabi ni jema kay Bea.

Pareho silang may tama ng baril, buti nga lang yung kay Deana daplis lang sa paa. Sabi pa ni ATe Ly, Inaalala ko talaga si Jia eh. Balikat ang napuruhan sa kanya. 

Sabi naman ng Doctor, milagro raw na walang natamaan na buto sa balikat ni Jia. Kwento naman ni Jema. Pero inuperahan talaga siya dahil naiwan yung bala sa loob ng katawan niya. Kaya siya hindi nagigising dahil sa tinurok sa kanya na anaestisya. Si Deana, naman bugbug yung buong katawan. puro pasa at maraming sugat natamo niya sa pambubugbug sa kanya. Buti na lang talaga may kakilala si Miguel na Pulis. Kundi lahat kami patay na ngayon. Sabi niya at napabuntong hininga.

Nasaan ba si Miguel? Bakit hindi ko siya nakikita dito? Tanong naman ni Bea.

Siya kasi yung nag asikaso ng mga ebidensiya sa kaso namin laban kay Cy. Sabi naman ni Jema. Buti nga naisipan niyang iVideo lahat kaya wala na talagang kawala si Cy at yung mga kasamahan niya. Trial na rin bukas. Kaya kinailangan kong pumunta para tuluyan ng makulong yung taong iyon. Galit niyang tugon.

Pinilit ko yung sarili kong magising. ginalaw ko yung mga daliri ko. Jema? Tawag pansin ni Bea sa kanya. Gumagalaw si Jia. Natataranta niyang sabi.

Bei, tumawag ka na ng nurse. Utos naman ni Ate Alyssa.

Biglang may humawak sa kamay ko. Ji? Andito lang ako. Rinig kong sabi ni Jema habang hinihimas himas ang kamay ko.

Binuksan ko na ang mga mata ko. Wala akong masyadong makita, pero ramdam kong nakatingin lang sila sa akin. Guys? Mahina kong tawag sa kanila. Nauuhaw ako. Sabi ko at nag hiyawan na ang lahat ng nandun sa kwarto.

Salamat at gising ka na Ji. Sabi naman ni Jema at hinalikan ako sa noo.

Napangiti naman ako at hinigpitan ang pagkahawak ng kamay ni Jema.

.......


Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now