Tagu-an

1.1K 33 0
                                    

Hinatid na ako ni Miguel sa condo unit ko pero hindi talaga ako mapalagay kaya napag-isipan kong puntahan si Jema sa Adamson. Malapit lang naman yung dorm nila kaya mag tataxi na lang ako papunta doon.

Para kasing hindi ko pa kaya mag drive, nanghihina ang tuhod ko. Alam kong galit pa si Jema sa akin pero gusto ko lang makasigurado na naka-uwi na siya ng dorm nila ng maayos.

Umulan pa ng malakas kaya pahirapan makakuha ng Taxi sa daan. Lalo na ako nag-aalala kay Jema kaya lalo kong pinilit pumunta doon kahit sumasama na pakiramdam ko.

Gabi na ng marating ko ang Dorm nila. Hinanap ko yung sasakyan niya at wala akong nakita. Hindi pa siya naka-uwi ng dorm kaya chineck ko ang orasan. Mag alas dose na ng madaling araw wala pa siya.

Nataranta na ako, naisipan ko ng tawagan si Bea ng may huminto na Grab sa harap mismo ng Adamson kaya napatingin ako. Baka kasi si Jema na yun. Tama nga hinala ko kasi akay-akay na siya ni Deana palabas ng sasakyan.

Parang lasing pa yata si Jema. Gusto ko sana lumapit pero may pumipigil sa akin kaya hindi ko muna sila nilapitan. Sa halip ay nandun lang ako naka-abang at nag tatago sa likod ng Puno malapit sa kanila.

Hindi pa umaalis ang grab siguro nga hinatid lang siya dito ni Deana.

Jem? Rinig kong tawag ni Deana kay Jema. Sigurado ka bang okay ka na dito. May pag-alala niyang sabi dito.

Okay na. Sabi naman ni Jema sa kanya sabay ngiti. Andito na tayo hu. Sabi niya pa sabay turo ng dorm niya.

Pasok ka na kaya. Sabi ni Deana sa kanya.

Ikaw na muna. Sabi naman ni Jema sabay tulak kay Deana papasok sa sasakyan. Mapagalitan ka pa eh. Sige na. Sabi nito.

Sure ka ha. Sabi naman ni Deana. If you need someone to talk to, I'm willing to give you my time. Ngiti nitopng sabi sabay wink kay Jema.

Sira!!! Sigaw ni Jema sabay hampas sa kanya. Pero salamat sa pagsama at paghatid sa akin dito. Naapreciate ko. Sabi ni Jema sabay ngiti kay Deana,

Parang kinilig naman si Deana. Anytime. Basta ikaw. Sabay pa cute.

Sige na Dean. Seryosong tugon ni Jema. You need to go home. Utos niya dito.

Okay. Sige. Pumasok na si Deana sa kotse at bago pa niya isara ang pintuan. Pahinga ka na rin Jem. Sabi nito sabay sira ng pintuan  at umalis na ang kotse niya.

Mga ilang minuto na ang nakalipas pero nakatayo pa rin sa gilid ng daan si Jema. Nakatingin lang ako kay Jema ng malayo, ng bigla ulit umulan ng malakas. nilabas ko na ang payong ko at nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Haaaaaaa!!!!!!!!!! Sigaw ni Jema habang bumubuhos ng malakas ang ulan. Nakita ko siyang napaluhod na sa kakaiyak.

Akala ko talaga okay na siya kasi nakangiti na siya kay Deana at nagbibiruan pa pero mali ako. Nakalimutan ko na magaling talaga si Jema sa tagu-an ng feelings. Yung nakangiti pa rin kahit malungkot, naka tawa pa rin kahit gusto ng umiyak, at nagawa pa mag biro kahit galit na galit na. Ganyan si Jema. Ang Jema na minsan lang umiyak, at ang sakit niyang pamasdan.

Naninikip na dib-dib ko pero nagawa ko pa rin siyang lapitan at pinayungan siya. Hindi niya inangat ang ulo niya. Pero ramdam kong alam niya na ako ito.

Tumigil siyang umiyak. at tahimik lang kami pareho. Nakaluhod na nakayuko siya sa daan habang tinatakpan ang kanyang mukha. Ako naman nakatayo lang sa harap at pinayungan siya. Ang lakas lakas ng ulan, pero wala yun sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nasaktan ko lang naman ang taong pinaka importante sa akin.

Ano pa ba ginagawa mo dito Julia!? Galit niyang tugon. 

Napalunok na lang ako dahil hindi ako makapag-salita.

Huwag kang mag-alala. Sabi niya na hindi man lang ako hinarap. Hindi na ako aasa sa iyo. Pangako ko yan. Mahinahon niyang sabi at dali daling tumayo.

Napatitig kami sa isa't-isa. Kitang -kita ang lungkot sa mga mata ni Jema. I'm sorry. Tanging nasambit ko sa kanya.

Ningitian na ako ni Jema, Huling sorry mo na 'to. Sabi niya sa akin at hinila niya na ako, at sa sobrang gulat ko ay hinalikan niya ako sa labi. Parang tumigil ang mundo, at nabitawan ko ang payong ko. Pinakawalan na ako ni Jema at pinulot niya yung payong ko. Huli na talaga 'to Julia. Sabi niya at inabot sa akin ang payong at tumakbo na palayo.

Habang palayo na si Jema ay, doon na tumulo ang luha ko. Nanghina ang mga tuhod at naramdaman ko na bumagsak na ako sa lupa.

Kahit pala ang galing ko na sa tagu-an ng feeling eh, hindi pa rin naaalis ang sakit.

.....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now