Team

1.2K 34 1
                                    

Pigilan mo yan?! Diing sabi ni Bea kay Jema ng magkita kaming tatlo sa Seminar ng bagong Liga ng Pilipinas na Philippine Volleyball League. naku Jema, sinasabi ko sa iyo, nababaliw na yang kaibigan mo. Inis na sabi niya sabay duro duro pa sa akin.

As in? Takang tanong ni Jema. Hindi mo ilalaro ang Last playing year mo?

Hindi na, i have done enough for the team. Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Huwag ka ngang numiti diyan, Inis ni Bea. Na bwebwesit ako sa iyo. Iiwan mo rin ako. Ibabalik pa natin yung championship eh, aalis ka na.

Ano ka ba naman Bei. Tap ko sa kanya. Madadala ka rin naman ni Deana dun. I assure you that. Believe.

Tse! Tapi niya sa kamay ko na nasa balikat niya. Iwan ko sa iyo. Sabi niya pa bago tuluyang umalis at naiwan kami ni Jema na naka-upo sa hall.

Habang hinhintay yung simula ng talk eh nilapitan na ako ni Jema. Tara usap tayo. Bulong niya sa akin at hinila na ako sa labas ng hall at kinalakad sa may garden.

Upo. Utos ni Jema sa akin. Bakit kailangan mong tumigil?

I want to pursue other dreams. Dahilan ko. Hindi ko na sinabi ang tunay kong dahilan. Gusto ko lang mabigyan si Deana ng pagkakataon na ipakita ang sarili niya. Para mapatunayan ko rin kung karapat dapat ba siya kay Jema,

Akala ko pa naman sabay tayo ulit sa Maging Captain this UAAP. Nadismaya niyang tugon. Sayang bonding din natin yung mga meetings at conferences,

Ikaw ulit ang Team Captain? Tanong ko sa kanya

No choice. Napabuntong hininga niyang sabi.

Kamusta na ba kayo ng syota mo? Hindi ka naman kasi active sa social Media kaya wala ako tuloy alam sa iyo. Pangungumusta ko sa kanya.

Wala na yun. Sabi niya. Dalawang taon na panliligaw at isang taong relasyon, natapos din dun agad.

Anyare. Pangungusisa ko sa kanya/

Bakit ka interesado. Nagbigay ng nakakalokang ngiti, may balak ka noh. Sumbong kita kay Miguel eh.

Shunga!!!! At binatukan ko siya. Gusto ko lang malaman.

Kagaya din siya ng Ex ko, Sabi niya sabay flip ng buhok niya. Parang nagpapacute pa yata kaya natawa ako..

Kagaya niya ring manloloko? Sabi ko na lang.

Sobra. Natatawa niyang pag-sang sang-ayun.

Umiyak ka naman ba? Hindi mo man lang ako tinawagan. Sabi ko.

Hindi na ako umiyak, para ngang wala lang nangyari eh, bigla na lang natapos. Sabi niya sabay lapit sa aking mukha. Sayo pa lang ako umiyak.

Pina-iyak kita? Inocente kong tanong.

Ay? makakalimutin. Teka nga muna ng maalala mo. Hinila na ni Jema ang kamay ko sabay kiliti ng tagiliran ko. 

Tama na please. Sabi ko sabay halakhak sa mga kiliti sa akin ni Jema.

Tumigil din siya at naupo kaming dalawa sa malapit na bench habang natatawa pa rin.

Saan ka ngayon, ngayong graduate ka na? Tanong ni Jema ng matahimik na kami pareho.

Kukunin ako ni Ate ALyssa sa team niya. Sabi ko sa kanya.

Paborito ka talaga ni Ate ALyssa noh? Sabi ko naman. Syempre ikaw kaya ang gumawa sa kanyang Phenom.

Buti nga lang eh may mapupuntahan agad ako. Sabi ko naman.

Isali mo naman ako sa Team mo? Sabi ni Jema sabay hawak ng kamay ko. Please. Gusto ko ulit subukan ang Double J Tandem. Sabi niya habang nagpapacute sa akin.

Hindi ako sure Jem eh. Si Ate Alyssa kasi yung nag recommend sa akin. Paliwanag ko.

Eh di irecommend mo ako kay ate Alyssa, Malakas ka naman dun. Sabi niya at hinigpitan lalo ang pagkahawak ng kamay ko. Please. kahit subtitute lang kay Ate Alyssa, okay na ako dun.

Ay. Sige na. Susubukan ko. Sabi ko kaya napayakap siya sa akin.

Yes. Team mate tayo ulit. Sabi niya pa at lalong hinigpitan ang pagkayakap sa akin. Napaharap ako sa kanya at laking gulat ko ng mahalikan niya ako sa labi kaya natulak ko siya.

Nagkagulatan pa kami bago ako nahimasmasan. I think we have to go inside the hall. Baka nagsimula na sila. Sabi ko at tumayo na.

Nakasunod lang sa likod ko si Jema, habang tinatahak na namin ang daan tungo sa talk na pupuntahan namin.

Sorry Ji. Awkward ba? Nasabi ni jema bago pa kami makapasok sa Hall.

Hindi naman. Hinarap ko siya at ningitian. 

Promise, cross my heart, Aksidente yung nangyari. Kabado niyang sabi.

Ano ka ba. Magkaibigan tayo di ba. Okay lang yan. Niyakap ko muna siya bago kami pumasok ng Hall.

Alam ko naman ang limitasyon ko eh. at alam kong wala naman talaga yun para kay Jema, kahit na para sa akin meron pa.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now