Chapter 9

19.6K 499 5
                                    

Chapter 9
________



Nakatulala sya ngayon habang iniisip ang nangyari sa kanila. Habang ang kanyang katabi ay mahimbing na natutulog. Ramdam nya ang sakit ng buong katawan nya lalong lalo na ang pakababae nya dahil hindi ito tumigil sa paulit-ulit na pag angkin sa kanya.

Kung hindi pa sya dumaing na hindi na talaga nya kaya ay wala pa sana itong balak huminto. Inumaga na nga sila dahil sa walang katapusang libido nito.

Gusto nyang sampalin ang sarili dahil sa katangahan nya. Hindi nya matanggap na bumigay sya dito.

Nasan na ang sinabi nyang hindi sya nito maaangkin. Pagkatapos nyang sabihin na nandidiri sya kay Blake ay bigla naman syang bumigay dito.

Wala na syang mukhang ihaharap dito. Pinabayaan nyang magpatangay sya sa init ng katawan.

Lalake si Blake at pusong Lalake naman sya. Pakiramdam nya ay sobrang Mali ang ginawa nila pero bakit hindi nya mapigilan ang katawan nyang bumigay dito. Pakiramdam nya ay mali pero sarap na sarap naman sya.


Naiuntog nya ang ulo dahil sa sobrang pag iisip. Pakiramdam nya ay malapit na syang mabaliw.

Ilang ulit nya pang ginawa iyon hanggang sa bigla syang napabalikwas. Mabuti nalang at hindi nagising ang katabi. Tiningnan nya ang kanyang mga paa. Hindi na ito nakatali dahil tinanggal na ito ni Blake kanina lang para daw hindi sila mahirapan.

Naramdaman nya ang pag init ng kanyang mukha dahil sa naalala. Hindi nya maiwasang mamula habang iniisip ang nangyari.

Pilit nyang iwinaksi nya ito sa isip. Hindi makatutulong ang pag iisip sa nangyari kanina sa balak nyang pagtakas.

Oo tatakas sya. Kailangan nyang makatakas sa kamay ng demonyong ito bago pa mangyari ang mga bagay na alam nyang hindi nya ikatutuwa.

Napatingin sya sa paligid para mahanap ng matulis na bagay na maaari nyang magamit sa pagputol ng tali sa kanyang kamay.

Pero parang sobrang malas nya ata ngayon dahil kahit anong hanap nya ay wala syang makitang kahit anong bagay na maaaring makaputol sa tali na nasa kamay nya.

Gusto nya nang maiyak, pakiramdam nya ang hinahina nya ngayon. Para syang bata na hindi alam ang gagawin. Hindi nya alam kung ano ang gagawin para makatakas sa mapag angkin na lalaking ito.

Pero kailangan nyang gumawa ng paraan, hindi maaaring magtagal pa sya sa ganitong sitwasyon. Ano pa't nagi syang militar kung hahayaan nya lang na kontrolin sya ng demonyong ito.

Makakagalaw din naman sya kahit na nakatali ang kamay nya dahil natanggal na ito sa pagkakatali sa headboard ng kama. Kaya dali-dali syang tumayo at agad na pumunta sa banyo, binuksan  nya ang isang cabinet na maliit doon kung saan ay sa tingin nya ay naroroon ang mga tuwalya. Hindi nga sya nagkamali at agad syang humugot ng isa at agad iyong ipinulupot sa sarili nya. Pagkatapos iyon ay agad na syang nagtungo sa pinto, ni hindi nya na tiningnan pa ang lalake sa kama. Nang makarating sa tapat ng pinto ay agad nya itong pinihit at laking tuwa nya ng bigla nalang itong bumukas hudyat na hindi ito nailock ng walang hiya.

May pagka tanga din pala ito minsan dahil wala itong alam na makakatakas na sya. Agad sya naglakad palabas kahit pa na nanakit ang kanyang kayamanan. Hindi nya na inalintana ang kirot na nararamdaman basta ang importante ay makatakas sya.

Nang makahakbang palabas ng kwarto ay bumungad sa kanya ang malawak na hagdang na gawa sa marmol. Parang bigla syang nalula sa ganda at lawak ng mansyon na ito.

Kung hindi lang masamang da o ang nakatira dito. Baka naisin nya pang dito na tumira.

Nang tuluyan syang makalabas ng kwarto ay doon na sya nakahinga ng maluwag. Dali-dali nyang tinungo ang hagdan kahit pa nanginginig ang kanyang mga tuhod. Todo kapit pa sya para lang hindi mahulog. Nang tuluyan syang makababa ay hindi nya na pinagtuonan pa nang pansin ang paligid agad-agad nya ng hinanap ang pinto palabas.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now