Chapter 19

17.6K 515 26
                                    

Chapter 19
______







"B-blake.." parang biglang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan.


Nasa harapan niya ngayon si Blake na nanlilisik ang mga mata habang mariin na hawak ang kanyang kamay. Mas lalo itong humihigpit sa bawat minuto na lumilipas.

"What is the meaning of these Jamille? Who the fuck is she and why are you damn kissing her?" galit na tanong nito sa kanya. Hindi niya alam ang sasabihin tyaka anong Kiss? Hindi naman sila naghahalikan ni Daisy. Halos mabali na ang kamay niyang hawak nito.

"A-aray ko Blake.." ngumiwi siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Masyado iyong mahigpit na para bang iniisip nito na tatakas sya pero hindi naman. Mariin itong tumitig sa kanya bago lumipat ang nanlilisik nitong mga mata sa kanyang kasama. Galit nitong nilingon si Daisy na alam niyang nabibigla at naguguluhan sa mga nangyayari.


"Who are you?!" mabagsik na tanong nito kay Daisy na siya namang ikinakunot ng noo nang huli.

"Who are you?" balik na tanong nito kay Blake. "And hey pwede bang bitawan mo si Jam. Nasasaktan na siya sa pagkakahawak mo eh"


"Answer my fucking question miss.. Who the fuck are you?" mariin nitong tanong na siya namang ikinaatras ni Daisy. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito.

"I-I am Daisy, her girlfriend." tumikhim pa ito. "Now please mister who ever are you. Let go of her, can't you see she's hurting." Bigla siyang natakot nang bigla siya nitong bitawan at hinarap nito si Daisy.

"Girlfriend?! Are you crazy? I am her fucking husband so if I were you. Don't fucking go near her or show your fuck'ng face to us because you see miss I can make your life a living hell if that happens." kita niya ang pagkabigla at takot sa mga mata ni Daisy dahil sa sinabi nito. Nakita niyang nangingilid na ang mga mata nito.


"Ano bang pinagsasasabi nang lalakeng ito Jam. Tell me it's not true right?" Akmang lalapit ito sa kanya nang bigla nalang itong itulak ni Blake. Dahilan para mapaupo ito sa sahig. Natakot siya agad sa ginawa ni Blake hindi niya inaasahang kaya nitong manakit nang babae.

" Ano ba Blake!" Akmang tutulungan niya ito nang biglang higitin agad siya ni Blake.

"Listen to me Bitch. Stay away from her or I'll fucking kill you." malamig na ani nito at agad na siyang kinaladkad patungo sa kotse.

Muntik pa nga siyang matapilok dahil sa mabilis nitong hakbang habang hawak siya. Doon niya lang din napansin na marami na pala ang kanina pa nakikiusyoso sa nangyari. Lahat nang madaraanan nila ay umiiwas na para bang nahihintakutan. Ni wala nga yatang balak ang mga ito na tulungan siya.

Natatakot siya sa nangyayari, kanina pa siya parang tanga dahil ni hindi niya alam ang dapat gawin. Hindi niya na nagawa pang tingnan si Daisy. Agad siyang itinulak ni Blake papasok sa kotse nito bago ito umikot papunta driver seat at sumakay. Wala itong imik na pinaandar ang sasakyan patungo sa kanilang bahay. Habang papalapit sila sa mansyon ay mas lalong lumalakas ang takot na nararamdaman niya. Parang naumid ang dila niya dahil kahit siya ay hindi makapagsalita at hinayaan nalang ito sa kung ano man gagawin nito.

Makailang ulit pa siyang muntikang mapa sigaw dahil sa paghahampas nito sa manibela. Sobrang bilis din nang pagtakbo nito sa sasakyan na para bang may humahabol sa kanila.

Nang makarating sila sa kanilang destinasyon ay saka lang yata naprocess nang utak niya ang nangyayari. Si Daisy? Kamusta ito?

Nang huminto ang sasakyan ay agad siyang bumaba at Akmang tatakbo nang may malabakal na kamay ang humigit sa kanya pabalik. Hindi niya inaasahang makakalabas agad nang sasakyan si Blake.

When The Playboy FallsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt