Chapter 21

16.8K 370 20
                                    

Chapter 21
_______






Nakarating siya sa isang lugar kung saan napakaraming puno. Masyado na itong malayo sa kabihasnan at parang hindi na masyadong napupuntahan nang mga tao.

Ini-expect na rin naman niya na sa ganitong lugar siya mapapadpad. Sa ganito rin naman kasing lugar madalas na dinadala ang mga hino-hostage na nainkwentro niya noon. Walang bago maliban nalang dahil sa ang hostage ngayon ay ang kaniyang asawa at hindi niya alam kung sino man ang maaaring may pakana noon.

Alam niya at nararamdaman niya na ang may gawa noon ay iyong nagtatangka kay Blake noon na hindi nila mahuli-huli. Si Phoenix na daw ang gumagawa nang paraan para mahuli ito. Alam na daw nito kung sino pero wala pa itong matibay na ibidensya.

Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi man lang siya humingi nang impormasyon dito. Magmula kasi nang mag buntis siya ay pinagbawalan na siya ni Blake na makialam sa bagay na iyon. Makasasama lang daw ito sa kalusugan niya.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Napakatahimik at wala siya makitang kahit ano maliban sa mga puno. Pero nang siyasatin niyang maigi ay may nakita siyang parang daanan. Medyo hindi iyon halata kung hindi mo pakatititigan. Napatingin siya sa suot na relo, pagkatapos ay pinildot niya ang maliit na buton na nasa may ilalim nito.

Kailangan niya maging handa. Hindi niya kakayanin kung mag isa lang siya. Tulad nga nang sinabi niya kanina ay hindi niya isasaalang-alang ang kaligtasan nang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa magiging anak nila ni Blake.

Tinahak niya ang daan at mas lalo pang pinatalas ang pakiramdam. Kaunting lakad niya pa ay nakalabas na siya sa masukal na daan na iyon. At doon nga'y tumambad sa kanyang harapan ang isang medyo may kalakihang Bahay. Hindi ganito ang kanyang inaasahan ang akala niya ay sa isang abandonadong lugar siya makakarating. Pero hindi, ang nasa harapan niya ay malaking bahay na kung titingnan ay parang tirahan lamang nang isang malaking pamilya. Mukha itong bago at hindi kahina-hinala. Pero alam niyang ito na ang lugar kung nasaan dinala si Blake.

May nakita siyang dalawang bantay sa labas na nag-uusap. Nakatagilid ito sa direksiyon niya. Tumatawa pa ang mga ito habang hawak ang kaniya-kaniyang baril.

Nag-isip siya nang paraan para mapaalis ang mga ito. Alam niyang inaasahan siya nang kung sino man ang may hawak kay Blake pero hindi siya pwede mag pahuli.

Tiningnan niya ang taas nang bahay at may nakita siyang isa pang bantay na pumasok. Kaya naman nag lakad na siya sa dereksiyon nang dalawa. Ito  munang dalawa ang poproblemahin niya ngayon tyaka na ang nasa loob na hindi niya alam kung ilan.

Agad namang napatingin ang dalawang bantay sa kaniya nang lumakad siya sa mga ito palapit. Hinawakan nang mga ito ang baril at naging alerto sa kaniya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" mapaghamong tanong sa kaniya nang isa.

Huminga siya nang malalim at ngumiwi siya na parang nasasaktan.

Sorry baby, we have to save your daddy.

"Mga Kuya.. Ang sa-sakit po nang tiyan ko aray.." pinilit niyang pangilidin ang luha sa kaniyang mga mata.

Napatingin ang mga ito sa hindi pa naman gaanong kalakihang tiyan niya pero halata naman na buntis siya.

"Anong ginagawa mo dito Ineng? Delikado ka dito." naramdaman niyang lumambot ang boses nito nang tanungin siya.

"Naligaw po kasi ako. Tapos bigla po sumakit itong tiyan ko. Natakot po ako at kailangan ko po nang tulong." sagot niya at hinawakan ang kaniyang tiyan at mas lalo pang pinagbuti ang pag arte.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now