Chapter 11

18.4K 477 29
                                    

Chapter 11
________

Limang araw. Halos mag iisang linggo na din mula nang tuluyan syang makulong sa pamamahay ni Blake. Hindi naman sya nakakandado sa bahay nito pero hindi nga lang sya makalabas dahil sa mga Bodyguards na nakabantay sa paligid ng bahay.

Mula sa harap hanggang sa likod nang bahay ay kapansin pansin ang mga ito na nakabantay at animo'y naghahanda kung sakali man na ma isipan nyang tumakas. Sapat na ang bilang nang mga ito para masigurado na hindi sya makakagawa nang hakbang para makaalis.

Sa nakikita nya ay kaya din naman pala ni Blake na kumuha nang napakaraming guard para sa proteksyon nito sa mga tumatangka sa buhay nito pero mas pinili nito na isa lang ang nakabantay dito noon.

Tingin nya sa mga oras na ito ay mas nababahala pa yata si Blake na makatakas sya kaysa sa buhay nito dahil sa nakikita nya sa araw-araw ay isa lang ulit ang kasama nitong bodyguard kapag umaalis para pumunta sa opisina nito.

Napailing nalang sya. Ilang ulit na ba nyang sinubukang tumakas habang wala ito.

Siguro sa loob ng limang araw ay mahigit tatlong beses nya na itong ginawa kapag umaalis ito. Pero gagawin nya palang ay nakikita nya na ang mga mata ng mga bodyguard nito na nakatitig sa kanya na animo'y pinapanood lahat ng galaw nya. Damang dama nya din na may nakatingin sa kanya sa bawat galaw nya. Masyado na ata syang na trauma kaya na iyon naiisip.

Bumuntong-hininga sya bago naisipang tumayo sa pagkakaupo sa kama ay lumabas.

Alas singko na nang hapon at alam nyang any minutes from now ay darating na si Blake. Palagi naman kasi itong maaga kung umuwi. At kapag dumarating ito ay sya agad ang hinahanap nito.

Pagkababa nya nang hagdan ay dumirestso agad sya sa kusina at nakita nya doon si Ate Ester na naghahanda nang mga sangkap na gagamitin para mamayang hapunan. Wala ngayon si Nanay Deli dahil kinailangan daw ito nang asawa nito dahil sa may sakit. Mabuti na rin iyon dahil masyadong chismosa iyon at tanong ng tanong.

Tumingin agad sa kanya si Ate Ester nang maramdaman ata ang pagdating nya. Doon nya lang napansin na may kasama ito na isang babae na ngayon nya lang nakita.

"Oh Jam nandiyan ka na pala" natutuwang ngumiti sa kanya ang matanda at agad syang pinaghanda ng makakain.

"Mag meryenda ka muna, Oo nga pala eto nga pala si Louisa apo ni Deli sya na muna ang papalit habang wala pa ang lola nya. Ilang buwan lang naman para may makasama din tayo dito." dagdag pa nito habang hawak sa balikat ang dalagita na nakatitig lamang sa kanya na tila ba namamangha. Ngumiti sya dito at tumikhim muna bago nagsalita.


" Magandang hapon Ate Ester, Louisa. Okay yan para naman hindi mahirapan si Ate Ester sa mga gawaing bahay. Ako nga pala si Jam." naglahad sya dito nang kamay na dali-dali naman nitong inabot.

"N-naku ang gwapo mo po Sir Jam." nagniningning ang mga mata nito habang namumula na nakatitig sa kanya. Natawa sya nang bahagya dahil sa sinabi nito. Well hindi na sya nabigla sa sinabi nito. Mapagkakamalan nga naman sya nitong lalake dahil sa suot niya. Naka cap sya at kahit pa puro mga pambabae ang mga binili ni Blake para sa kanya ay hindi nya iyon sinusuot. Mas pinili nya pang suotin ang mga damit nito na hindi na rin naman nito ikinaangal pa. Ang tanging sinusuot nya lang sa mga binili nito ay ang mga jogging pants at jeans.

Nakita nyang biglang nanlaki ang mga mata ni Ate Ester dahil sa sinabi ni Louisa at akmang magsasalita na nang biglang may yumakap sa kanyang bewang.

"Nandito ka lang pala. How's your day baby hmm.." Kinilabutan agad sya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Blake na ngayon ay nakabaon ang mukha sa kanyang leeg at hinahalikan ito. Agad syang naalarma at tatanggalin na sana ang kamay nito sa kanya pero masyado itong mahigpit na akala mo ay miss na miss talaga sya nito.


When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now